Chapter 7

2.5K 83 10
                                    

LUCY'S POV

"Good morning Genie" masayang bati sa akin ni Drake pagbaba ko palang sa sala.

"Morning Star, kumain kana?" Tanong ko

"Yeah, kanina pa sa bahay." Tumango nalang ako.

"Sige tara na, baka malate ka pa." Anyaya ko sa kanya. Isang lingo ng ginagawa ni Drake ang paghatid at pagsundo niya sa akin. Kasi ganun daw pagnanliligaw.

"Hindi kaba kakain muna? You might get hungry." Pagalala niya kahit kailan talaga palagi nalang nito iniisip ang kalagayan ko. Hindi manlang niya inisip na baka malate siya? Dahil sa ginagawa niyang paghatid-hatid.

"No, hindi pa ako gutom. Kung magugutom man ako meron namang makakain sa cafeteria." Tumango nalang siya. Kinuha niya ang bag ko at ang kamay ko. Kaya bale holding hands while walking kami papunta sa kotse niya.

"You sure you're not hungry? Pwede naman tayong mag drive thru." - Drake

"Ang kulit! Busog pa talaga ako don't worry too much ok?" Sagot ko. Ang kulit kasi kanina pa siya tanong ng tanong kung hindi pa ba ako gutom tuwing may nadadaanan kaming mga fast-food.

"Of course, I don't wanna see you sick. It breaks my heart." Saad niya habang ang kanang kamay ay nakahawak sa manibela at ang kaliwa naman ay sa may bandang puso.

Pinagpapalo ko nga, pero mahina lang " Ang agaga, corny kananaman. Ilang mais ba ang kinain mo ba't ang aga yata ng epekto sa'yo?"

"Hindi kona kailangan kumain ng mais, I'm already full. I'm alreadyFull of your love." Namula ako sa sinabi niya.

"Tumigil ka na nga!" Saad ng hindi tumitingin sa kanya. Tinawanan ba ako " walang nakakatawa!" Tinignan ko siya ng masama.

"Kinilig ka naman." Saad ni Drake kaya napaiwas ako ng tingin kainis siguradong pulang-pula na ako nito.

Pagkarating namin sa school agad na akong bumaba at hindi na hinintay si Drake.

"Good morning Cyra, bakit ka namumula?"

"Good morning Cyra, may lagnat kaba?"

"Cyra namumula ka"

Ilan lang yan sa mga pinagsasabi ng mga Schoolmates ko. Yumuko nalang ako habnag naglalakad.

"Kyaaaaaaahhhhh" tilian ng mga estudyante.

"Kyaaaaaaaahhhhh! Andito nanaman siya! Pero bakit hindi sila magkasabay?" Bahala sila dyan.

"Baka LQ. Kyaaahhhh ako nalang piliin mo Drake!" Napalingon ako dahil narinig ko ang pangalan ni Drake.

Nakita ko naman na binatukan nung isa niyang kasama. "Ikaw wag ka ngang third party, ikakasal na yan sila." Nag pout lang yung nabatukan.

Hinanap ng mga mata ko si Drake. Hayun nakikipag picture sa schoolmates kong mga babae na grabe makayakap. Hindi ko alam parang nakaramdam ako ng inis sa nakikita ko lalo na yung hinalikan siya nung malanding babae sa pisngi.

Tumikhim ako kaya napatingin sila lahat sa akin. "Ginaganahan ka ata Drake?" Mahinahon kong sabi pero batid ang nagaapoy kong mga mata.

"Genie!" Gulat niyang sabi. Bigla namang bumitaw yung dalawang nakayakap sa kanya.

"Oh, bakit kayo tumigil? Sige ipag patuloy niyo." Saad ko at umalis na at pumunta sa classroom. Pagdating ko sa classroom sakto naman na dumating ang teacher namin.

After four hours. Lunch na sa wakas kanina pa tumutunog ang tyan ko sa gutom. Wala nga pala akong breakfast kaya madali akong lumabas sa room.

Pagkalabas ko bigla nalang may humatak sa braso ko. Paglingon ko si Drake pala. "Bakit ka pa nandito?" Tanong ko kasi dapat kanina pasiya nakaalis.

"Genie please hear me. It's not what you think." Saad niya. "Please wag kana magalit."

"Galit?! Hindi ako galit! Kahit na kitang-kita ng dalawa kong mata na hinalikan ka nung babae!" Saad ko na medyo mataas ang boses. Pero pramis hindi ako galit.

Ngumiti ba ng nakakaloko tong si Drake. "Oh anong nginingiti-ngiti mo dyan?"

"Your jealous." Saad niya na naka ngiti parin.

"Manahimik ka hindi ako nagseselos." Nauna na akong umalis papunta sa Cafeteria.

Sumunod naman siya at hinawaka ang kamay ko. "Yeah your not jealous, just being possessive, hahaha." Ang saya-saya niya no.

"Che, makahanap nga ng ibang lalaki magpapahalik ako." Binawi ko ang kamay ko sa kanya pero lalo niya itong hinawakan.

"Subukan lang nilang halikan ka, sisiguraduhin kong hindi na siya makakapasok sa kahit saang eskwelahan." Saad niya. Sino sa amin ngayon ang possessive? Hahahahah......






****
Nilagyan ko po siya ng LQ, LQ para hindi parati kilig. Hehehe

Yan po muna sa ngayon. 😊 Thank you for reading.




♡♡VOTE, COMMENT, ENJOY♡♡




»»»den 😘✌





 Secret Unfold Where stories live. Discover now