Chapter 10

2.1K 57 8
                                    

LUCY'S POV

Nagising akong nakakulong sa mga bisig tumingala ako at tinignan ang lalaking nakayakap sa akin. Napangiti ako ang cute niya tignan habang natutulog.

"You know staring at me is rude."Saad niya habang naka pikit ang mga mata. Akala ko ba tulog to.

"Staring? H-hindi ako naka titig noh." Agad kong iniwas ang tingin sa kanya.

"Pero kung ikaw rin naman ang tititig." Binuksan niya ang kanina pa niyang nakapikit na mga mata. "Ayos lang at least alam ko na ako lang tinititigan mo."

Tuloyan ko ng iniwas ang tingin sa kanya. Nakakahiya ako kasi naman tong isang to maypapikit-pikit pang nalalaman gising naman pala.

"Hey, look at me. Genie, Genie." Pilit kong iniiwas ang tingin sa kanya siya naman pilit akong pinapatingin sa kanya. "You better look at me kung hindi kikilitiin kita." Kung makikiliti mo ako.

"No_ bwaaahahahahahah sto_hahahahahaa tigila_ hahahaha tama na hahahaha aysn na titingin na." Tinigil na niya ang pagkiliti sa akin. "Akala mo ikaw lang ha." Kiniliti ko rin siya.

"Hahahahahahaha ah ganun gumaganti." Kiniliti niya ulit ako.

"Hahahaha Star tama na. Gumanti lang ako hahahaha." Kainis bakit ba kasi ang tigas ng katawan nito kamay ko tuloy ang sumasakit sa pagkiliti sa kanya. "Hahahaha tama na please_hahahaha" Hindi niya parin ako tinitigilan

"Hahahahahahaha ano gaganti ka pa? Ha?" Umiling-iling ako.

"Hindi na promise_" naputol ang sasabihin ko ng may bumukas sa pinto.

"Hay naku! Mga bata pa kayo wag muna kayo gumawa ng milagro. Magpakasal muna kayo bago niyo gawin ang apo ko." Namula ako sa sinabi ni mama tinignan ko ang pwesto namin na lalong nagpainit sa mukha ko. Ang laswa tignan.

Nakahiga ako habang si Drake naka upo na naka hawak sa bewang ko na kanina niya pa kinikiliti. Tinampal ko nalang ang sarili ko sa isip. Nakakahiya ito.

"Hala sige na sumunod na kayo sa akin pababa para kumain. At saka Drake tumawag ang lolo mo kanina matapos niyong magalmusal pumunta na raw kayo agad sa mansyon." Sabi ni mama.

"Sige po ma-tita pala."

"Ay ayos lang tawagin mo ko mama. Basta gusto kong apo babae pero saka niyo na gawin kapag kinasal na kayo. Ayos lang ba yon anak?" Sabi ni mama ng nakakaloko. Ako hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy ni mama na anak kasi kay Drake naman siya nakatingin.

"Opo mama." Saad ni Drake na labas gilagid ang ngiti. Matapos sumagot ni Drake ay umalis na at bumaba na si mama. "Tara baba na tayo? Baka isipin pa nila na tinuloy na natin yung kababalaghan raw kuno."

Bumangon ako at hinampas-hampas siya. Agad rin naman niya dinakip ang mga kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Napalunok ako dahil sa lapit ng mukha namin sa isat-isa. "Stop it, baka hindi ako makapag pigil." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero lalo akong nagulat ng inilapit niya ang labi niya at mabilis na hinalikan ang tungki ng ilong ko. "Pero maghihintay ako ng tamang oras para dun." Huhuhu may sapi si Drake.






Gaya ng sabi ni mama matapos naming kumain ay pumunta na kami sa mansyon nila grandpa. Wala ng roong mga media kaya malaya kaming nakapasok sa loob. Pagdating namin agad akong pinagbuksan ng pinto ni Drake.

"Dra.........ke.........." sigaw ng isang babae na tumatakbo patungo rito. "Still remember me?" Sino tong babaeng to?

"Yeah, Erica." Ngumiti ng pagkalaki-laki yung si Erica.

"Ughm" pagkuha ko ng attention nila, abah baka nakalimutan nila na hindi lang sila ang nandito noh.

"And who are you?" Tanong nito sa akin sa tono ng boses nito parang na-inis siya sa ginawa ko.

"Ako si Lucy_" naputol ang pagpapakilala ko dahil sumingit agad tong si Erica.

"Do you think I care?" Saad nito habang naka arko ang isa nitong kilay. May sira ata to, siya tong nagtanong kung sino ako. "Will you get out from my site." Isang nalang papatulan ko na ang isang to.

"She's my fiancee! Kaya kung sino man ang dapat na umalis ikaw yun_" pagtatanggol sa akin ni Drake na naputol sa sigaw ni Erica sigaw o tili?

"Ahhhhhhh!!!................my gosh I'm so sorry akala ko kung sino" Nilapitan niya ako "Ang ganda mo pala talaga sa malapitan." Hindi na ako naka sagot dahil sa hiya at pagtataka ang bilis naman ata ng pagbago ng ugali niya.

"Erica kailan kapa naka balik?" Tumingin siya kay Drake.

"Kahapon lang pumunta ako dito para magpasama sayo mag malling pero dahil nandito na si... what's your name again?" Tanong niya sa akin.

"Lucy." Tipid kong sagot.

"Ay tama, dahil nandito na si Lucy my new shopping buddy. Hindi na kita kailangan kay shupe, shupe" pagtataboy niya kay Drake habang ginagalaw niya ang kamay niya na tinataboy ito.

"Hindi siya sasama sayo." Pagpipigil ni Drake kay Erica. Na dinilaan lang ni Erica.

"Bleh.....aalis na kami!" Agad akong hinila ni Erica papunta doon sa kotse niya. "Ba-bye Drake hiramin ko muna si Lucy. At isasama ko siya sa ayaw at sa gusto mo.

Pinaharorot na niya ang kanyang kotse palabas sa gate.




Wala rin naman kaming masyadong ginawa lakad lang kami ng lakad ni Erica na adic sa pag sha-shopping. Tingin-tingin sa mga store. Nagkwetuhan rin kami nasabi niyang  inaanak  siya ng Daddy ni Drake.

Matapos ang iasang araw na paglilibot sa mall. Hinatid na ako ni Erica sa mansyon. "Thank you for accompanying me Lucy. Masaya ako na ikaw ang kasama ko at hindi si Drake kapag siya kasi halos pagrereklamo naririnig ko. Hehe aasa ako na may kasunod pa nito ba-bye." Pagpapaalam nito.

"Ba-bye!...." sigaw ko habang kumakaway dahil malayo na rin siya. Nakakatuwa may bago akong kaibigan.




















****
Hello gals/guyz sana nagustuhan niyo itong chapter na ito.

Maraming salamat sa pagbasa nito at sa mga comment na natatanggap ko na nakaka inspire.

Well dahil walang pasok at walang project/assignment na kailangan gawin. Susubukan kong bumawi.



♡♡VOTE, COMMENT, ENJOY♡♡


»»»den 😇🙋

 Secret Unfold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon