Chapter 17

857 24 6
                                    

It's been a week simula nung engagement party at wala namang gaanong nangyari. Narito ako ngayon sa cafeteria kasama si Eunice at kimmy para kumain ng lunch.

Ring...ring... Tunog ng cellphone ko. I quickly fetch my cellphone to answer the call.

"Hello?" Bati ko sa tumawag.

"Hello, Lucy are you busy? Pwede mo ako samahan sa mall?" Bungad agad ni Erica sa akin.

"Sorry, nasa school pa ako Erica." Sagot ko

"Ganun? Sayang I cancelled all my schedules panaman para mag-shopping tayo." Malungkot niyang saad.

"Sorry talaga, kung gusto mo mamaya matapos ang class hour sasamahan kita." Sagot ko, sayang rin naman kasi ang pag cancel niya sa mga dapat niyang gawin para lang mag-shopping kasama ako. Diba?

"Sorry hindi kasi ako pwede mamaya. How about tomorrow susunduin kita sa school niyo."

"Well I guess pwede, sasabihan ko muna si Drake."

"Wonderful! Ipag-papaalam rin kita sa kanya para sure ako na masasamahan mo'ko. Ok? Bye."

"Ok ba-bye" I said then naputol na ang linya.

"Sino yun bakla?" Tanong ni kimmy sa akin.

"Si Erika ina-anak ng daddy ni Drake"

"Close kayo? Kailan pa? Bakit ka nga pala tinawagan?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Dahan-dahan lang sa pag-tatanong mahina ang kalaban." Saad ko

"Ang tagal mo kasing makasagot." Sabi niya sabay subo ng kanin.

"Si Dianne oh" turo ni Eunice sa direksyon kung saan si Dianne.

"Dianne!Sabay kana sa'min kumain!" Sigaw ko sa kanya pero ngumiti lang siya at umalis. Bakit kaya siya ganun?

"Kimmy, may problems  ba si Dianne?" Tanong ko kay kimmy

"Luh, bakit ako tinatanong mo?" Sagot niya na patanong niya sa akin.

"Hoy bakla ka malamang ikaw ang tatanungin kayo mag-best friend." Sagot naman ni Eunice. "Anong sabi mo bakla?" Tanong ni Eunice may kung anong sinabi kasi si Kimmy na hindi namin narinig.

"Wala, aalis na ako mga bakla" tumayo na siya and trow us a flying kiss. "Ba-ba-yuu"At umalis na nga siya.

"I smell something fishy" Ay grabe talaga itong si Eunice.

"Pritong isda kasi ulam ko." Sagot ko sa kanya and then she roll her eyes.

"Hindi yan, yung dalawa" ay sila kimmy pala ang tinutukuy niya sorry naging slow lang. "Feeling ko may tinatago sil  kimmy sa atin." Dag-dag pa niya.

"Wala naman siguro" sagot ko kay Eunice.

"Isa lang ang paraan para malaman yun." Then she grin.





























Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila kimmy. Napag usapan kasi namin ni Eunice na kausapin yung dalawa ako kay kimmy siya kay Dianne.

*Ring...ring ...*  I fetch my phone and answer the call.

"Hello naka uwi kana genie?" Tanong ni Drake sa akin.

"Ahm, ano Star hindi pa nasa bahay kasi ako ni kimmy."

"WHAAAAAATTTT??" Pasigaw ata niyang sabi. Hu, sakit sa tenga. "WHAT ARE YOU DOING THERE??"

"Ahh, kasi may itatanong lang ako sa kanya." Sagot ko

"And what is that?" A good question coming from him.

"Hindi ko alam?" Sagot ko na pa tanong because to tell you the truth wala akong maisip na itatanong kay Kimmy.

"May itatanong ka pero hindi mo alam? Ano ba talaga Genie?" Tanong niya pero hindi ko na sinagot ehh hindi ko nga alam. "Fine if you don't want to tell me then I will not force you to spill it out, but promise me uuwi ka'agad?"

"Promise uuwi ako pag-katapos naming mag usap." Agad kong sagot sa kanya then we Said our Goodbye's and turn off the call.

Pumunta na ako sa harapan ng pinto nila then press the door bell. Agad rin namang binuksan ng mommy ni kimmy yung pinto.

"Kaibigan ka ni kim diba?" Tanong agad ng mommy ni kimmy.

"Opo, good afternoon nga po pala tita" She smile at me and greet me as well.

"Kim You have a visitor!" Sigaw ni tita. "Iha pasok ka" sabi ni tita and lead the way. Mula sa kinaroroonan ko ay nakita ko ang daddy ni kimmy na naka business attire.

"Are you my son's girl friend?" Tanong agad sa akin ni Tito. Wag na kayong mag taka ito kasi ang kauna-unahang pagkikita namin ni tito nalaman ko lang na siya ang ama ni kimmy dahil family picture nila.

"Hindi siya honey, kaibigan siya ng anak natin." Sagot ni tita, tango lang ang sinagot ni tito at nag-paalam na aalis muna.

"Cyra, anong ginagawa mo dito?" Isang lalaking boses ang nag sabi. Mula sa hagdan ay bumaba ang isang gwapong laaki pero mas gwapo ang star ko.

"Hi kimmmm" agad na tinakpan ni kimmy ang bibig ko.

"Ma sa kwarto lang muna kami." Pag papaalam niya sa mommy niya.

Hinatak niya ako sa isang kwarto. "Kimmy kwarto mo to?" Tanong ko well it is my first time na pumasok sa kwarto niya at hindi ito ang inaasahan ko. His room is so manly a combination of black and white paint in his wall.

"Yes." Simpleng sagot niya na babaguhan ako kay kimmy ngayon parang hindi siya si kimmy na kasama namin simula high school.

"Kimmy hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa ibig sabihin didiretsuhin na kita may split personality ka ba?" Tanong ko sa kanya tinignan ba naman ako na masama.

"Cyra answer me honestly anong sadya mo sa'kin?" Tanong niya sa seryosong tono.

"Ok, gusto kong malaman totoo kimmy or should it kimmel?"

"Hmm, I guess wala na akong magagawa but to tell you the truth."
















****
Hey guls another chap nanaman ang natapos. I hope you like it and what do you think ang secret ni kimmy?

I would love to know your answers



♥♥VOTE,COMMENT,ENJOY♥♥

»»»den






 Secret Unfold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon