Chapter 11

1.7K 41 3
                                    

LUCY'S POV

"Hoy! Ken ano arm wrestling tayo?" Rinig kong  aya sa kanya ni Michael. Ang mga to talaga dito pa naisipang manggulo.

Nandito kami ngayon sa bahay namin kadadating lang namin ni Drake galing sa school ko. "Kuya Cj anong ginagawa niyo dito?" Agad kong bungad kay kuya. Kaya naagaw ko ang atensyon ng IT (Iwas Trouble)

"Andyan na si Pangit!" Sabi ni Jan na agad naman akong nilapitan at binatukan ako.

"Aray! Sakit nun ha!" Dahil mabait ako binatikan ko rin ng sobrang lakas. Kaya tuloy sapo-sapo niya ang parteng binatukan ko. "Sakit diba?"

"Does it hurt?" Saad ni Drake na sapo-sapo ang ulo at kamay ko na ganamit ko para batukan si Jan.

"Ayos lang ako?" Nakangiting sabi ko kay Drake.

"Ako hindi ang sakit! Ugh! Umiikot yata ang paningin ko." Saad ni Jan napa iling nalang ako.

Binatukan ni kuya Cj si Jan "Paanong hindi iikot ang paningin mo kung panay ang ikot mo ha!" Kaya ayun tumigil na si Jan sa pag-ikot.

"Ayan kasi sinisimulan mo agad, hindi mo naman pala kaya pag ginantihan." Saad ni Raymond na naka akbay na kay Jan.

"Ugh! Nandaya ka!" Agad kaming tumingin doon sa dalawang naglalaro ng arm wrestling.

"Hindi kaya! Wag kang mamintang sadyang malakas ako kaya hindi mo ako kaya. Walang sino man ang makakatalo sa akin!" Malakas na sabi ni Ken.

"Hindi! Nandaya ka talaga! Ulit tayo!" Kaya umulit sila mag arm wrestling.

"I wanna join with them." Saad ni Drake na papunta na sa dereksyon nila Ken.



Matapos nila Ken at Michael na mag re-match. Si Drake na man ang humamon kay Ken. Hindi ko na sila pinigilan mas ok rin kung makikipag bonding si Drake sa IT.

"Sige Drake talunin mo yang man dadayang yan!" Sagaw ni Michael habang nag che-cheer.

"Oh kanino kayo?" Tanong ni Kuya Cj kina Jan, Raymond at Michael.

"Ako pupusta kay Ken." Saad ni Jan.

"Ako kay Ken rin." Si Raymond

"Ako kay Drake, ayaw ko dyan sa mandadayang yan!" Saad naman ni Michael na inim-emphasis pa ang huling sinabi.

"Sige ako kay Drake rin para it's a tie." Napa iling nalang ako sa kanila. "Ikaw pangit kanino ka pupusta?" Ngayon may plano pa silang idamay ako.

"Sagutin nyo muna ang itatanong ko."

"Sige! Ano ba yun?!" Sabay-sabay nilang tanong sa akin.

"Ano ang ipangpupusta niyo?"

"Ahm...ahh..." sila habang nagkakamot sa ulo.

"Ano na? Wala kayong pampusta ano?!" Singit ni Ken.

"Hoy, kuya Cj ikaw ang unang sumagot ikaw ang nakaisip na magpustahan." Si Michael yan na tinuturo si kuya Cj.

"Ay...ano ba? Ahhm...Aha! Ganito nalang  ang sino mangmatalo ay tatakbo paikot sa street na ito papunta sa kabilang street at babalik dito. Ok ba?"

"Sige! Ken galingan mo dyan!" Sabi ni Jan na tinuturo si Ken.

"Teka masyado kang atat Jan. Tatakbo ang natalo na naka boxer lang ang suot." Nag-ngangahan ang sina Michael, Jan at Raymond. Literal na naka nganga.

"Ken! Galingan mo talaga dyan! Ayaw kong tumakbo na naka boxer lang!" Siga ni Raymond.

"Heh! Manahimik kayo! Kasalanan ko ba na pagpustahan niyo kami?!" Si Ken at pinag patuloy na ang pag co-concentrate sa ginagawa nila ni Drake.

Habang busy ang lahat sa ginagawa nila pa simple kong kinuha ang aking cellphone para kunan sila ng litrato. Magandang Memory to kaya dapat may souvenir.





Kanina pa sila Ken at Drake sa nilalaro nilang arm wrestling. Ayaw magpatalo ng dalawa. Minsan bumababa na ang kamay ni Drake pero agad din nyang nababalik sa ayos minsan naman ang kamay ni ken ang bumababa pero nababalik nya rin agad sa ayos.

Kasalukuyang pababa na ang kamay ni Drake. "Wag! Drake lumaban ka nakikiusap ako...ayaw kong tumakbo na naka boxer." Nakikiusap na saad Michael na nakaluhod pa at magka dikit ang dalawang palad na animoy nagdarasal.

"Michael tumayo ka nga dyan!" Saway sa kanya ni Raymond.

"Wag kang tumahimik ka nga! Nagdarasal ako na sana manalo si Drake." Sagot ni Michael bago pumikit.

Di rin nag tagal natapos rin ang paglalaro nila ng arm wrestling at ang nanalo ay si...











DRAKE!......hehe nadala ata sa dasal na ginawa ni Michael.  "Ha! Kitams talo ka ngayon Ken. Oh kayo dyan simulan niyo ng hubarin yang t-shirt at shorts niyo!"

"Kainis! Dapat pala hindi na ako gumaya sayo Jan pandamay naman oh!" Pagrereklamo ni Raymond habang sinisimulan ng hubarin ang t-shirt niya.

"Hey, let's go inside it's already cold out here." Saad ni Drake at inalalayan na akong pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok namin ay rinig ko parin ang pinagdasabi nila. Kesyo kinulam raw ni Michael si Ken, nag angalan pa yung dalawa ng sinabi ni Michael na ivi-video raw niya ang pagtakbo nila. Hahaha ano kaya ang mga itsura nung dalawa?

"Hey Genie here's your meal." Inabutan ako ni Drake ng plato na may lamang pagkain.

"Thanks Star" nakangiting sabi ko sa kanya. "Ay ngapala congrats galing mo kanina."

"Yeah...hahahaha sa tingin ko nag dilang anghel ang pinsan mong si Michael kaya nanalo ako." Saad ni bago umupo  sa tabi ko. "Speaking of winning wala ba akong price?" Sabi niya tapos ngumuso.

Tinampal ko nga. "Ikaw kung anu-ano nalang ang lumalaro dyan sa utak mo."

"Ano ba yung lumalaro sa utak ko?" Tinignan ko siya ng masama. Malay ko ba hindi naman ako ang utak niya.

"Aba malay ko dyan sa utak mo."

Bumuntong-hininga siya "Akala ko makakakuha ako ng price." Tapos bumgsangot.

Bakit ba hindi ko matiis ang bituin nato?  "Fine sa pisngi lang ha?" Humarap siya sa akin at agad na timango.

Dahan-dahan ko ng nilapit ang labi ko sa pisngi niya palapit na ng palapit sa pisngi niya...




Nang humarap siya at lumanding ang labi ko sa labi niya. Dahil hindi ko inasahan na gagawin niya yun ay hindi ako agad nakagalaw. Pilyo siya nakangiti at hinawakan ang aking mukha na dahilan para lalong magkalapit ang aming mukha.

Hinalikan niya ako ng puno ng pagmamahal_ " Eww!..." bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang boses ng aking kapatid. Agad akong lumayo kay Drake. "Ma! Pa! Sila ate at kuya Drake nag halik_" agad kong tinakpan ang bibig ni Lily.

"Kasalanan mo to!" Nakakahiya to! Tinigna ko ng masama si Drake na hanggang ngayon ay naka ngiti.

"What did I do?" Pa inosente pa itong lalaking to alam na alam naman niya yung ginawa niya. Ngumuso ako. "Hahahaha now I get it. There's nothing to be shame of. Your my future wife normal lang ang maghalikan tayo."

Tumayo na siya sa kinauupuan niya. "I gotta go, susunduin kita bukas may sasabihin raw si Grandpa." Hinalikan niya ako sa noo. "Good bye my future wife see you in dream world." Saad niya bago umalis ako naman lutang parin at hindi makapag react.









Normal lang ba talaga ang maghalikan? Yung hindi smack?









****
Hello gals sana nagustuhan niyo ang Chapter na ito. Pasensya na kung ngayon lang ako naka ud.

Thanks for reading






♡♡VOTE, COMMENT, ENJOY♡♡



»»»den 😃



 Secret Unfold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon