Epilogue

555 17 5
                                    

5 years after

LUCY'S POV

Nandito ako ngayon sa sementeryo dinadalaw ko ngayon ang lalaking dahilan kung bakit ako buhay hanggang  ngayon.

Dahil sa kanya kaya kasama ko pa ang mga mahal ko sa buhay. Pero hindi ko maitatanggi na namimiss ko na rin siya.

Five years ago ay sinalo niya ang bala na dapat ay sa akin. Umupo ako sa tabi ng kanyang libingan.

"Kamusta ka na? Masaya ka ba dyan sa langit?" Kausap ko dito. "Di mo ba kami namimiss? Kasi ako miss na kita." Naiiyak kong saad.

"Alam mo ba, may dinedate na si Ace. Tapos si Ken ay nag proposed na sa girlfriend niya ang saya nga ng mokong ng sinagot siya hehehe..." Natatawa kong kwento rito.

Kung hindi mo siguro sinalo ang bala nandito kapa sa na...

FLASHBACK

I was running in the hallway. "Genie!" Tawag pansin nito sa akin. I stop and smile.

"Star" nakangiti kong sabi sa kanya halata sa kanyang reaksyon ang gulat at saya ng binigkas ko ang dati ko pang tawag sa kanya.

"You remember it?" Natutuwa nitong sabi sa akin. Sakabila ng mga nayayari ay niyakap niya parin ako. Natutuwa ako kasi mahal niya parin ako at mahal ko rin siya.

Pero nabigla ako ng umikot kami at pinalit niya ang posisyon namin.

<BANG!>

Doon ko nakita si Erica na may hawak ng baril at umuusok ang nguso nito na nagpapahiwatig na hinila niya ang trigger.

Nakatulala siya habang nanatili ang posisyon niya. Agad ding dumating ang mga pulis at hinuli si Erica.

"D-drake... D-D-Drake s-si Eric..." sabi ko habang tumutulo ang mga luha ko sa balikat ni Drake. Sinalo kasi ni Eric ang bala na dapat ay para saamin ni Drake.

Pinuntahan ko si Eric sa nakahiga na ngayon sa sahig at naghihingalo. "E-Eric..." naiiyak kong tawag dito.

Inabot niya ang mukha ko at pinahiran ang mga tumutulong luha saka ngumiti. "M-masaya a-ak...o a...t l-ligta...s k-k...a k-kung ma...ma...matay man a...ko nga...yon ay hi...ndi ako ma...gsisi...si ka...si li...gta...s ka..."

Nahihirapan nitong saad sa akin. Umiling-iling ako at umiyak ulit dahil sa sinabi niya. " Hi-hindi ka mamamatay ok... konting tiis lang dadalhin ka namin sa ospital." Naiiyak kong turan na ginantihan niya lang ng ngiti.

"H-hindi ko... ma...kaka-limutan ang... a..raw nato... ang araw kung saan a...ko na...man ang nag...ligtas sa...yo Lulu"

"S...sshhh, wag kanang magsalita ipunin mo ang lakas mo ok..."

"Dra...ke sa...yo ko ipa...gkakatiwala si lulu. Wa-wag mo... siyang sasaktan at pa-sayahin mo si...ya pa...lagi alagaan mo... siya a...t ma...hal-lin..." Tanging tango lang ang sagot ni Drake dito.

"Han...da na ako... pa...ki sabi... nalang
kay... lo...la na ma...hal na ma...hal ko siya." Huli nitong sabi bago siya nawalan ng hininga.

"EEERRRIIIIICCCCC!!!!!!!"

END OF FLASHBACK

"Eric salamat talaga sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Pangalawang beses mo na akong iniligtas kay kamatayan... at alam ko na kahit ilang beses pa akong magpasalamat ay hindi yun magiging sapat kaya sa hindi ko sasayangin ang pagligtas mo samin I will live in my fullest without regrets. Wag ka na ring mag alala sa lola mo inaalagan siya ng mabuti nila Ace"

"Cyra...halika na naghihintay na ang make-up artist at photographer." Agaw pansin saakin ni Eunice.

Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko at nagpaalam kay Eric.





 Secret Unfold Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ