Chapter 8

2K 69 12
                                    

LUCY'S POV

Friday ngayon kaya susunduin ako ni kuya Zac. Naghihintay lang ako sa waiting shed ng may tumigil na kotse sa harapan ko.

"Good afternoon my Genie!" Masayang bati sa akin ng nag-iisang lalaki na tumatawag sa akin ng Genie. Nang makalabas siya sa kotse.

"Good afternoon too, Star. Nasan si kuya Zac?" Bati at tanong ko sa kanya habang lumalapit sa kinaroroonan niya.

"I gave him a day off. So lets go date tayo?" Saad niya at binuksan ang pinto sa front seat. Hindi nalang ako umayaw. Matagal-tagal narin kasi kami hindi gumagala ng kami lang.

"So saan tayo?" Tanong ko.

"You choose." Sinamaan ko siya ng tingin kita mo itong lalaking to nagaaya tapos wala palang plano kung saan pupunta.

"Ok. Sa park tayo." Agad din naman siya sumangayon. Aba! Dapat lang noh ako pinapili niya eh. Hehe.

"Here we are." Masayan sabi niya. Waaaaaa!!! Park ang tagal na naming hindi nakakapunta dito.

"Yehey! Let's go rent a bike?" Hila-hila ko siya papunta sa rentahan ng mga bisikleta at rollerblades.

"Ok. Let's have a bet kung sino man ang unang makatapos ng isang ikot sa buong park ang siyang panalo. And the trophy is a kiss galing sa natalo. Ok? On our mark get set go!" At hayun na unang pumadyak papaikot sa buong park hindi manlang ako pinasagot kung payag ba ako.

Sinimulan ko ng pumadyak papaikot sa park. Ang bilis nam magpatakbo nun, kung kailan lang nahihirapan pa siya bumalanse at natutumba pa. Hahahaha nakakatawa pa naman ng itsura niya nun.

FLASHBACK

Four in the morning ng sapilitan niyang ginising si Kuya Zac para tulungan akong turuan siya kung paano mag-bisikleta. "Zac wake up! help my Genie to train me how to bike or you'll be fired!

Kaya walang nagawa si kuya Zac kundi tumayo at sumama sa amin sa labas ng bahay.

Agad siyang sumakay sa bisikleta. Exited lang masyado? Hahaha. Sinabi ko na sakanya kung ano ang dapat gawin. "Kuya Zac assist Star please." Pumunta naman si kuya Zac sa kinroroonan ni Drake.

"No need for assistance, kaya ko na." Saad ni Drake.

"You sure?" Pagaalinlangan kong tanong.

"Yeah, I'm a hundred percent sure."saad niya. Ok sabi niya eh.

Nagsimula na siyang mag-pidal. Isang padyak palang niya tumba agad. Hahaha. "You sure you don't need help? Nahihirapan ka yata?" Tanong sa kanya ulit.

"Yeah I'm sure of it, don't worry I can handle this." Tigas talaga ng ulo, bahala siya sabi nga ni papa the best time to learn is when you get hurt. Kaya hahayaan ko siyang masaktan at matumba para matuto.

Five thirty na pero hindi parin siya kayang mapatakbo ng bisikleta. Natumba siya at sumakay ulit at  nag-pidal ulit umabot siya hanggang tatlong pidal pero na tumba agad at ang masaklap pa yung mukya niya pa ang unang tumama. P-Psh... hahaha.

"Hahaha......haha.....ha......" pasensya na hindi ko napigilan ang pagtawa.

Tumingin sa direksyon ko si Drake at tinignan ako ng masama. "Looks like your enjoying seeing me hurt." Sabi niya habang ang pula ng mukha niya.

"Sorry I can't help it" kasi naman kitang-kita ko pa yung expression niya bago tumama ang mukha niya sa lupa. Ang epic, lumaki  ang mata niya bago nagmadaling tumalon. Action star lang drama.

Kinuha niya ulit ang bisikleta at pinatakbo pero hindi siya nakasakay. Gets niyo? Nakahawak siya sa bisikleta habang naglalakad.

"Saan mo dadalhin yan?" Tanong ko.

"I'll throw it sira yata to. Hindi kayang bumalanse."

END OF FLASHBACK

But in the end napilit ko parin siyang subukan ulit at pumayag nari siyang tulungan siya ni kuya Zac.

"Genie!!! I win where's my kiss?!" Hay nako wala talaga tong kahihiyan sa katawan. Pasigaw ba namang humingi ng kiss!

"Is that Drake? Yes it's him nga!" Biglang litaw ng isang boses. Kaya dumako ang mata ko sa nagmamayari ng boses. NAKO PO

"It's Drake! Ahhhhh!!!" Agad din namang binitawan ni Drake ang bisikleta at agad akong hinila palayo dun sa mga babae. Alam niyo na ang nangyayari, hinhabol lang naman kami ng mga fans niya!!!

"D*mn it, why won't they stop chassing!." Mahina niya sabi pero batid ang inis sa pananalita niya.

Piniktusan ko nga sa tenga " Don't say bad words!" Saad ko habang tumatakbo parin kami.

Takbo lang kami ng takbo habang yung mga babae habol lang din ng habol may roon na ring mga paparazzi na may dalang mga kamera. "Napapagod na ako Star." Hinihingal kong sabi.

Huminto siya saglit kaya huminto rin ako. "I'll carry you." W-what?! Bigla nalang niya akong binuhat bridal style.

"W-Wait! Ibaba mo ako!"sigaw ko pero hindi nakinig bagkus tumakbo ulit. "Star ibaba mo nga ako!"

"No Genie your tired running but we need to escape from them." Sabi niya. Batid ko na napapagod na rin siya at hinihingal na. Sinong hindi? Tumakbo ka ba naman na may mabigat na bitbit.

Hindi kalayuan may na kita kaming eskenita. Tumakbo kami papunta roon para makapag tago. Ay! Siya lang pala ang tumakbo.

Kitang-kita namin ang pag daan ng mga paparazzi at nung mga babae. "Asan na sila?" Tanong nung isa sa kanila. "There!" At tuluyan na silang tumakbo palayo sa amin.

"That was close uwi na tayo?" Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami pabalik sa kotse niya.

Nandito na kami sa kotse niya ng maynag
Ring......ring...... kinuha niya ang cellphone at sinagot ang tawag.

"Hello? What?! Aish ok,ok bye." Binalik niya ang cellphone sa bulsa. "It's mom" pagpapakilala niya kung sino ang tumawag.

"Bakit daw?" Tanong ko para kasing namomroblema siya na naiinis.

"Hindi tayo pwedeng pumunta sa bahay there were medias waiting." Kaya pala ganun nalang reaksyon nito. "Genie can we stay in your house?" Nagaalinlangan pa niyang sagot.

"Oo naman siguradong matutuwa si mama at saka hindi ka naman naiiba sa kanila. Remember? You are my one and only Star." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya "that's your trophy."

Hindi naman to unang beses na sa amin siya matutulog. Pangalawa na ito ang una kaya alam na namin kung saan siya matutulog. Siya sa kwarto ko at ako naman sa kwarto ng kapatid ko.










****
Kamusta po sa inyo mga readers, kung meron pa. Hehehe. Sorry po kung ang tagal ng ud ko. Malapit na kasi Semester break kaya ang daming dapat tapusin.

Sa mga nagbabasa thank you so much hope you'll have fun reading the chapter.




♡♡VOTE,COMMENT,ENJOY♡♡

»»»den 😁✌








 Secret Unfold Where stories live. Discover now