Chapter 27

751 18 11
                                    

LULU'S  POV

Minulat ko ang aking mata at tumambad sa akin ang kabuuan ng kwarto. Malaki, maganda at magaan sa pakiramdam para akong natulog sa ulap lalo na't ang lambot ng higaan.

Nilibot ko ang aking paningin sa kinaroroonan ko ngayon. Matapos kasi ng pagkikita namin ni Sir Drake umuwi kami dito sa mala palasyong nilang bahay.

Pinaliwanag na niya ang kasunduang ginawa namin ng lolo niya. Na dito ako naka tira tuwing walang klase. Kaya ang kwartong kinaroroonan ko ay ang kwarto ni Lucy, kwarto ng dating ako. Ang kwarto ko.

<tok...tok...tok...>

"Genie, breakfast is ready. Kakain na tayo." Sabi ng isang lalaking boses. Si sir Drake ata yan yun kasi ang tawag niya sakin Genie yun ngalang di ko alam kung bakit.

"Genie, I'll enter your room ok" sabi ni sir saka binuksan ang pinto at pumasok sa kwarto. "Good morning" bati niya sakin.

"Good morning rin po sir Drake" balik kong bati sa kanya. Yumuko pa ako para mag bigay galang.

"Drop the sir Genie, it's just me." Nakangiti niyang saad pero bakas sa mata niya ang lungkot na nararamdaman.

"Im sorry, naninibago pa kasi ako sii-r Drake, I- I mean Drake." I honestly said. Alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon namin ngayon. Lalo na't mahal na mahal niya si Lucy gaya ng sabi ni Sir Ace na siya namang nakikita ko.

Di ko tuloy alam kung paano saaabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Eric. Na may iba na akong mahal.

He let out a sigh " I know and I understand. Let's go down stairs they've been waiting for us" nilahad niya ang kanyang kamay.

"Sunod ka nalang" sabi niya ng mamalayan niya nag- aalinlangan ako sa pag tanggap ng kamay niya.

Nang makarating na kami sa Dining room ay nakita kong naghihintay ang isang matandang lalake, babaeng mga nasa 30's at babae na may pagka-kamukha ni Sir Drake, ay Mali! ni Drake.

"Good moring Lucy/ iha" sabay sabay nilang bati sa akin.

"Good morning din po." Balik kong bati sa kanila.

"Maupo kana iha" sabi ng matandang lalaki sa akin masasabi kong mabait siya may pagka strikto ngalang ang mukha.

"Dito ka na maupo Genie" sabi ni Si-Drake sa akin at inalalayan akong umupo sa katabi niyang upuan.

"Na miss ka namin ate Lucy lalo na si Kuya, halos mag- kulong si kuya sa kwarto niya nung nawala ka. San kaba nagpunta nun ate?" Sabi ng batang babae na sa palagay ko ay kapatid ni S-i-Drake.

Hindi nalang ako umimik dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot sa kanya. "Reina stop bothering your ate Lucy and finish your breakfast may pasok kapa." Sabi ng babaeng nasa mid 30's na mama ata nilang mag- kapatid.

Naging matiwasay at tahimik ang agahan namin kanina. Sa ngayon ay nasa labas ako ng bahay at nililibot at lupaing pagmamayari ng mga  Fortaliero. Sobrang lawak ng lupain nila parang isang hacienda.

Mag-isa lang akong nag-lalakad dahil may kanya-kanyang dapat puntahan ang mag-pamilya. Kilala ko na pala sila Yung matandang lalake siya si Donn Fernando Fortaliero aka Grandpa lolo nila sir ugh! Drake nga sabi! Yung ginang ay si Tita Ellein mama ng mag-patid. Then ang apat na kapatid ni Drake si ate Aisha pero wala siya rito may sarili kasi silang bahay ng husband niya. Si ate Patricia, Ate Tiana at si Reina.

Habang nag lalakad ako ay may nakita akong mga kabayo. Nakaka mangha sila. Dati ko pang gustong sumakay ng kabayo kaso natatakot ako at hindi ko rin alam kung paano sumakay dun. Lalampasan ko na sana ang mga kabayo.

Nang biglang nagkagulo dahil sa isang kabayo na ayaw sumunod dun sa nakasakay na tagapangalaga ng kabayo. Dahil sa walang tigil na pag-wawala ng kabayo ay nahulog yung sakay. Buti nalang at mabilis siya tinulungan ng mga kasamahan.

"Miss Lucy! Mag-iingat po kayo!" Sigaw ng isa sa kanila dun ko lang namalayan na tumatakbo na pala ang kabayo papunta sa direksyon ko.

Nanlaki ang mga mata ko at saka tumakbo palayo sa kabayo. Pero sadyang makulit itong kabayong to at ako ang trip niya kasi habol parin siya ng habol napapagod na ako sa kakatakbo.

"Hoo!" Sabi ng isang boses at dun lang tumigil sa pag-habol sakin ang makulit na kabayong yun. Hah! Kapagod tumakbo.

"You ok Genie?" Napa angat ako ng tingin at nakita ang lalaking nag ligtas sakin. Bakas sa kanyang mukha ang pag alala at takot. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

Hinatak niya ako at kinulong sa kanyang bisig na kinagulat ko
"Thank goodness your ok." Sabi niya na parang na bunutan ng tinik. Lalo niya akong niyakap ng mahigpit.

<lub dub, lub dub, lub dub> hala anong nangyayari sa puso ko bakit ang bilis tumibok? Abnormal na ba ang pag-tibok nito? 


















****
Halu gals, first of all thank you for reading this story and patiently waiting for this ud. Second pasensya na kung matagal ako mag ud talagang busy lang. Hehe. Third I really, really hope na nagustuhan niyo ang takbo ng story at naintidihan niyo. Yun lang po



♥♥VOTE, COMMENT, ENJOY♥♥

»»»den

 Secret Unfold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon