Chapter 14

1.3K 84 28
                                    

LUCY'S POV

Ang bilis ng takbo ng araw ngayong gabi na magaganap ang engagement party namin ni Drake. "Lucy bakit di ka pa nakabihis?" Tanong sa akin ni ate patricia.

"Mamaya pa naman ang party ate isa pa mabilis rin naman akong makabihis." Pagdadahilan ko pero ayaw magpaawat ni ate Patricia siya na mismo ang bumukas sa box kung saan nakalagay ang dapat kong suutin.

"Magbihis ka na para makapag-simula na si Tiana kumuha ng video at pictures."

"Para saan naman yun?"

"Wag ng maraming tanong Lucy magbihis kana." Ang huli niyang sinabi bago lumabas sa kwarto ko. Actually kanina pa natapos ang pag-make up sa akin tinamad lang ako na magbihis kaya naabutan ako ni ate na pambahay ang suot.

Matapos kong magbihis ay lumabas na ako sa kwarto. Pagbukas ko sa pintuan sumalubong ang mahigpit na yakap ni Dianne.

"Girl! Ikakasal ka na!" Tili niya imbis na yakapin siya pabalik ay nabatukan ko siya. Ang lakas kasing tumili nakakabasag ng eardrums.

"Aray naman girl sakit ha." Naka nguso niyang sabi. I rolled my eyes dahil hindi naman malakas ang pag-batok ko sa kanya.

"Wait nasan si kimmy?" Tanong ko sila kasi palagi ang magkasama. She crossed her arms and rolled her eyes.

"Ewan ko sa baklang yun matapos kong sabihin na nagbalikan na kami ng boyfriend ko iniiwasan na ako."

"Wait yung boyfriend mong ilang ulit mo ng nakitang may kasamang ibang babae?" Tumango siya, kaya naman pala. "Bakit mo pa binalikan ang lalaking yun. Maganda ka naman makakakita ka pa ng maskarapatdapat para sayo."

"Hindi na raw niya uulitin, at saka mahal ako nun sadyang pinipilit lang raw siya ng mommy niya na magka girlfriend."

"Akala ko girlfriend ka niya? Ano yun secretly in relationship?"

"Parang ganun na nga, kayo nga ni papa Drake mo secretly engaged." Tinampal ko ang mukha ko.

"Dianne our situation different sa amin alam ng both family namin ang relationship namin but in your situation you don't exist in his families world. But then the decision is still yours think about it."

Bago pa umiba ang atmosphere sa pagitan namin ni Dianne ay iniba ko na ang topic. "Baba na tayo?" Aya ko sa kanya.

"No! I mean not yet, mag papa-picture pa tayo." Sabi ni Dianne. "Come on  puntahan na natin sila Eunice."

Agad din naman niya akong hinatak papunta sa isang kwarto. "Oh! They're here. We can now start taking pictures."

Sabi ni ate Aisha na malaki na ang tiyan. Naka upo kami sa isang malapad na couch habang kinukunan ng picture. Kasama ko sina ate Aisha, Patricia, Tiana. Ang mga kaibigan ko si Eunice at si Dianne. Kasama rin namin si Lily at Reyna.

After taking pictures and not only pictures also video. Bumaba na kami pero huminto rin ako kaagad juice ko po napakaraming bisita at hindi ko pa kakilala ang iba.

"Are you ready?" Napalingon ako kay tita na nasa bandang kanan.

"Kinakabahan po ako." Pagtatapat ko, well kahit sino naman siguro lalo na't maraming tao ang bisita at ang iba may hawak pang camera.

"Don't worry jiha everything will be alright. The important thing is you and my son are happy." She said and kissed me in the forehead.

"Tama si mama Lucy, wag mong pansinin yang mga tao."

"True, and just be your self."

"Yeah, and don't worry so much everything will be fine."

"Oo nga ate Lucy don't worry so much everything will be fine."

Sabi nila ate Aisha, ate Patricia, ate Tiana at Reina.

"Inulit mo lang sinabi ko."
"Hindi kaya ate Tiana."
"Oh, really?"
"Yes, hindi mo naman tinawag na ate si ate Lucy."

Ano banaman to sila ate at Reina ngayon pa talaga nagtalo. Pero kahit ganun nakakawala ng kaba.

Mula sa likod ay may yumakap sa akin "Hey, you ok?" Sa boses palang niya paniguradong si Drake to.

"Yes." I said with a smile.

"Bakit ngayon kalang? Alam mo bang kanina pa kami dito naghihintay sayo."
Angal ni ate Tiana.

"Wala naman akong sinabi na hintayin mo ko." Mahinang sabi ni Drake pero syempre narinig ko.

"Anong binubulong mo dyan?!" Pagalit na sabi ni Ate Tiana.

"Wala ate." Kumawala na siya sa pagyakap sa akin at hinarap ako. "Genie I'm sorry kung natagalan ako, sila Josh kasi pumasok sa kwarto ko kasama yung walanghiyang  si Nash pinilit ba naman akong kunan ng litrato at nung hindi ako pumayag kinulong nila ako sa sarili kong kwarto. Kaya payag na ako matapos nun pumasok nanaman ang mga pinsan_"

Pinutol ko amg pasasalita niya sa pag takip ng bibig niya gamit ang akong hintutiro."Hush...hindi ko naman hiningi ang paliwanag mo." I said as while smilling and thenHe smiled back.

"Well then, shall we go?" Nilahad niya ang kanyang kamay at agad ko naman itong tinanggap.

Tuluyan na kaming bumaba ng hagdanan. Sana ngalang maging maayos ang lahat.











****
Meron parin bang nagbabasa nito? Please let me know. At kung sakaling meron pa im really, really sorry kung matagal ang ud ko.

Thats all and sooooooooooooooooooooooooooooorry again.




♥♥VOTE,COMMENT,ENJOY♥♥






»»»den

 Secret Unfold Where stories live. Discover now