Chapter 12

1.8K 48 13
                                    

LUCY'S POV

"Are you sure na ok lang na mauna ako?" Tanong sa akin ni Eunice.

"Oo naman baka hinihintay kana ni Josh diba may sasabihin siya sayo?" Tumango siya bilang sagot.

"Yeah ewan ko nga kung anong nakain nun sabi niya this will be the perfect night." Saad niya habang ginagalaw ang mga kamay niya.

"Hahaha_" naputol ang pagtawa ko ng sumulpot ang gwardya sa harapan ko.

"Ma'am may nagpapaabot po." Inabot nung gwardya ang isang papel.

"Salamat po." Saad ko bago umalis ang gwardya.

"Anong naka lagay?" Tanong ni Eunice kaya binuksan ko na ang sulat.

Mag saya ka hanggat kaya mo pa dahil baka bukas wala ka na mang-aagaw!

"Oh my!  Sino nag bigay niyan" kinuha niya ang sulat na hawak ko. " what is this? Some kind of threats?"

"Hindi ko alam" luminga-linga ako sa paligid kung sino man ang posibleng nag bigay ng sulat.

Sa gilid ng malaking puno may nakita akong nakatayo at sigurado akong ako ang tinitignan niya. Mahaba ang buhok at kilala ko siya. "Kate"

"Sino si Kate?" Tinignan ko si Eunice na naka kunot ang noo. Hindi nga pala niya kilala si Kate.

"Ahm..." binalikan ko ng tingin kung saan ko nakita si Kate pero wala na siya roon. "Wala kalimutan mo nalang sige na umuwi ka na baka magalala pa si Josh na hindi ka sisipot."

"Sigurado ka? Ite-text ko nalang siya na hindi ako makaka-punt_" pinutol ko agad siya sayang ang pinapaguran ni Josh kung hindi siya pupunta.

"No! You have to go sige na ok lang ako." Tinulak-tulak ko pa siya sa papunta sa kotse niya. "Isa pa nandito naman ako sa school at ang dami pang tao kaya walang mangyayaring masama sa akin. Susunduin narin ako ni Drake mamaya."

"Ok if you say so, bye Cyra." Pagpapaalam niya at kumaway na rin ako bilang pag-paalam sa kanya.










Di rin nagtagal ay dumating na rin si Drake. "Good afternoon my Genie." Lumabas siya sa kotse niya at kinuha ang mga bitbit ko. "Let's go Grandpa is waiting for us, may paguusapan raw tayo your parents are already in the house."

Pinagbuksan niya ako ng pinto. "Bakit kasali sila mama? Ano ba ang pag-uusapan natin?" Nagtaas balikat lang siya bago sinerado ang pinto malapit sa akin at pumasok sa kabilang pinto.

"I'm sorry I really don't have any idea but I'm sure we will find it out when we arrive at the house." Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinalikan yun.

Bakit ganun para akong kinakabahan  ang lakas  pa ng tibok ng puso ko ngayon. Hindi ko maintindihan nararamdaman ko parang sasabog na ang puso ko sa kaba pero gusto ko g malaman kung ano ang sasabihin ni Grandpa.






Nakarating na rin kami sa mansion. "Good afternoon sir Drake, miss Lucy hinihintay napo kayo nila Sir Donn sa living room" bati sa amin ng isang kasambahay sa mansion.

"Good afternoon din po." Balik kong bati sa kanya itong kasama ko naman ay parang walang narinig dire-diretso lang ang paglakad papunta sa living room.

 Secret Unfold Where stories live. Discover now