02 : Hell Beginning

199K 2K 55
                                    

Napadungaw ako sa veranda when I heard the gate open. Binuksan iyon ni Elsa, ang kasambahay namin. Dali dali akong bumaba upang daluhin si Chaos. Huminga ako ng malalim pagkatayo ko sa harapan ng pintuan, hinahanda ang sarili ko sa mga masasakit na sasabihin ni Chaos.


Bubuksan ko na nga sana iyon nang mabuksan niya na ito. Napabuntong hininga ako nang maamoy na amoy alak nanaman siya.


We've been married for five hell months at trabaho at inuman lang ang mundo niya.




Palagi na lang syang umuuwi ng lasing, even in our supposedly honeymoon, although hindi iyon natuloy dahil kailangan niyang magtrabaho. Pinayagan siya ng mom niya na si mommy Melinda pero si Chaos ang nagpumilit na magtrabaho na lamang.




Ayaw niya din sa akin dahil lahat na ng tao ay nakatikim na sa akin. I told him I am still pure but he laughs at it every time as if I cracked a joke and tells me he doesn't believe me.


"Ikaw na naman??" sigaw nito sa akin. Nangangamoy ang kanyang bibig ng alak. "Tabi!" tinabig nya ako dahilan para mapasandal ako sa pintuan. Napangiwi ako nang matamaan ang likod ko ng doorknob.




I looked at him as he walked to the stairs, pagewang gewang na naglalakad. Bigla akong napatakbo at hinapit ang braso nia nang muntikan na syang ma-out-of-balance. Tinabig nya ang kamay ko. "Wag mo kong hawakan!" bulyaw nito sa akin.




Napatayo na lamang ako as I look at him walk towards his room. Marahan kong pinunasan ang mga luhang dumadaloy mula sa mga mata ko. Palagi na lamang ganito.




Nagpunta ako sa kusina upang kumain. Habang kumakain ay di ko maiwasang ilibot ang aking mata sa buong bahay. The house is luxurious. Furniture are shining like a diamonds and costs like golds. Tahimik ang bahay at wala kang makikitang kasiyahan. Ang ganda ng bahay pero ang lungkot lungkot.




Matapos kong iligpit ang aking mga kinakain ay agad akong nagtungo sa master's bedroom. Magkahiwalay kami ng kwarto ni Chaos, ayaw niya daw makatabi ang isang babaeng katulad ko.




Limang buwan kong pinagsilbihan si Chaos. Gigising sa umaga upang magluto ng umagahan niya, maglalaba ng gamit niya, mag-aayos ng mga kailangan niya, kahit nandyan si Elsa ako parin ang gumagawa ng mga gawaing bahay. But his fiery eyes would only look at me with disgust. Sa mga tingin niya pa lamang sa akin ay alam ko nang ayaw nya talaga sa akin.



Mabuti na lamang at hindi niya ako pisikal na sinasaktan. Mahal ko si Chaos simula pa man, I readied myself for him since. I was on my third grade noon ko nalaman na gusto ko ding ikasal kay Chaos. That I'm born for him, and by the right time I know he'll realize, he's born for me too.




________



I massaged my temple habang nakaupo ako swivel chair. Inikot ko ang swivel chair ko to see the city view at para makapag unwind.



"Kuyaaaaaa!"



Napangiti na lamang ako when I heard her voixe, alam ko kung sino ang dumating, ang maingay at sobrang kulit kong kapatid, the second girl in my life—Chandria Tyna Garcia Baez. Chanty for short.




I stood up to kiss her temple. Kahit gaano kakulit, kaingay at kamaldita si Chanty, she will always be the princess of Baez.




"How's the empire?" nakangiting tanong niya. Napangiti din ako, a genuine one. Para bang siya ang CEO kung makapagtanong siya sa akin.





"It's good, as always." I shrugged as I answered her casually. Napangiti ako when she started screening the files on my table. Ganyan talaga siya, she used to read and read files. Maybe she's fond of managing the Empire soon, unlike my older brother Charm.




Born for the Sex GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon