11 : Meron na ba?

168K 1.8K 68
                                    

Halos mabaliw na ako sa kakapili ng damit ko na susuotin. Nakakainis naman kasi ang pangit ko. Yung eyebags ko halos makita na kasi naman I was left with a question mark in my mind. Where are we going? Bakit ganoon umasta si Chaos? Yeah, I know, I'm 99% sure he'll never be mine. But that 1% keeps me going.


I sighed and gave up choosing. Heto na talaga! This pink floral printed vintage fitted dress that emphasizes my curves and a simple pink doll shoes.


I put my hair in a bun and left some curly strands. Kukunin ko na sana ang bag ko when I heard Chaos na bumusina kaya dalidali akong bumaba at nagtungo sa labas.


I was expecting him to open the door for me pero nasa driver's seat lang siya, he looked pissed kakahintay sa akin. I opened the door and sat in the passenger's seat. Ngumiti lang ako sa kaniya and he did the same thing too at pinaharurot na ang kotse.



We are in the middle of the traffic when I decided to break the awkward silence. "Chaos," pagtawag ko sa kanya. He looked at me and hummed.


"Saan ba tayo pupunta?" I nervously asked him.. I wish he'll answer We're going to have a date or I want to take my wife out or To spend this day with my wife but I'm he'll never say that. But who knows, right?


"Sa Orphanage, yun bang ampunan na pagmamay-ari ni dad," he casually answered. I nodded, kind of disappointed with his answer.

Sabi ko naman eh. He'll never said those words that I was expecting. "Why?" I asked again.



He glanced at me at agad ipinaharurot na ang kotse when the light turned red. "Kasi anniversary nila ngayon," he explained while driving. I nodded and put my attention back on the road. "Don't worry Chanty and Casey are there," he added, reassuring me. Tumango lang ako at ngumiti.


Minutes later, we arrived at their orphanage. Pagkababa ko pa lamang mula sa sasakyan ay yakap na agad ni Casey ang bumungad sa akin "Hannieee!" bulyaw nito. Napangiti ako at niyakap siya pabalik. I greeted and kissed Charm and Chant, too.


Casey is my best friend since high school and she's been dating Chaos's brother, Charm, for three years now. Unfortunately, mas nauna pa kaming ikasal ni Chaos kesa sa kanilang dalawa.

"Han, alam mo bang ang cute ng mga bata doon!" halata sa boses ni Casey ang pagkagigil. I laughed. We both love kids. "Tara! Punta tayo!" masayang sabi nya.


Binalingan ko sina Chaos at tumango naman ito as the sign na payag ito na sumama ako kay Casey. Para kaming bata ni Casey na nagtatatakbo papunta sa mga bata.

_________

"Shut up both of you alam ko ang ginawa niyo!" sigaw ko sa dalawa na makukulit. I don't really understand how Charm is the eldest but he is so damn childish, for goddamn's sake!

"So you did it?" may halong pang-aasar na sabi ni Chanty.


Pinanliksikan ko siya ng mata. She is only seventeen pero kung makatanong sya ng ganyan ay parang hindi. Ngumiti ito at nagkibit balikat para hindi ako magalit sa kanya.


I let out a huge sigh. "Yes we did it!" I rolled my eyes


Nanlaki ang mata ng dalawa at lumiwanag ang mukha. What's the big deal about it? Alam nilang lalaki ang kapatid nila and to mention, I am the god of sex.


"Yeah, and because of what you!" I pointed Chanty na tumawa lang, And you!" I pointed Charm pero ibinaba lang agad, somehow, he's still older than me. "Dahil sa pinagagagawa niyo, nasaktan ko siya."


Nanlaki ang mata nila, hindi makapaniwala sa sinabi ko. "What?" they exclaimed in unison.


"Yes, I didn't know that she's still a virgin," mahina kong sagot, nakaramdam kasi ulit ako ng pagsisisi.


Nanlaki ang mata ko ng bigla akong hampasin ni Chanty. "Putangina, Chanty ha! Gumagaan na naman iyang kamay mo!" bulyaw ko sa kanya pero hindi natinag at nanliksik pa ang mga mata nito.


"How dare you do that to her kuya?" inis na sabi nito.


"I just thought. Sa pagkakaalam ko kasi she's a bitch—ooow" Before I could finish my sentence isang batok na ang natanggap ko mula sa magaling kong kuya.


"You're such a jerk, Chaos! Paano mo naisip that she's a bitch?" iritang tanong nito.



"Noon pa lang naman hindi ba?!" napakamot ako sa ulo ko sa pagkairita.


Napailing si Chanty. "Ang kitid ng isip mo kuya, porket noong nakita mo lang siya sa bar dancing along with them!" Chanty said, naiinis pa rin ito at napatawa ako ng tinuro niya si Charm and emphasized the word them.

"Ganoon mo na agad siya jinudge," umiling iling pa niya sabi and she even hissed, still disappointed of me.


"Ewan ko sa inyo!" I exclaimed when they both walked away to leave me. Para yatang ako ang di kapatid dito ah!



Napatalikod ako when I heard a car parked behind me. It was Lucho.


"Kuya Chaos!" kumaway ito at agad na lumapit sa akin at nakipagbro-hug.


"Si Chanty?" masayang tanong nito sa akin.



Tinuro ko ang loob ng kumbento. "Ayon, may dalaw na naman. Ang init ng ulo sa akin," pagsumbong ko, I even playfully rolled my eyes


Tumawa ito. "Always naman pero sige kuya, puntahan ko lang," pagpapaalam nito and then he left.


I went straight to the kitchen para tumulong sa mga madre. "Magandang hapon po mother Tessa" I greeted, nagmano agad ako ako.


"Oh, Eros. Akala ko hindi ka sumama," tugon nito sa akin.


I chuckled and shook my head. "Di naman po iyon mangyayari. Saka kasama ko po yung asawa ko," I smiled.


Nanlaki ang mata nito at ngumisi "Talaga? Iyon ba iyong bago sa aking mga mata masayang nakikipaglaro sa mga bata doon?" masaya niyang tanong.


Tumango ako. "Opo, iyong nakapink."



She nodded at napatawa na lamang ako ng may binulong ito sa akin. "Mahalin mo dahil nakikita kong mahal na mahal ka niya."




"Ahhh, mother. Tignan ko lang po sina kuya doon," pagpapaalam ko dahil natakot ako bigla sa sinabi ni mother sa akin.



Tumango ito atsaka lumabas  na ako ng kusina. Nakita ko sina Charm at Casey na parang langgam na naglalandian habang sina Lucho naman at Chanty nagtatawanan. Somehow, I realized, Chanty and Lucho looks good together. Kung hindi ko malalaman na magpinsan ang dalawa, I would think they have a relationship. They have always been like that since they were little.



"Chaos, andoon pa si Hannah sa playground. Nakaglue sa mga bata eh," pagsumbong ni Casey sa akin.


I chuckled and I nodded, agad akong nagtungo na sa may garden. There I saw Hannah, playing with the kids. For the first time, I saw her looked so carefree. May kandong siyang batang babae na mukhang bagong ligo habang may isang batang lalaki na nakayakap sa kanya mula sa likod habang yung iba nasa gilid niya, para siyang si Jollibee kung dumugin ng mga bata. I bet she'd be a good mother.


Her gaze landed on me kaya ngumiti na lamang ako. Ngumiti siya at parang kinausap yung mga bata at kumaway na lamang bigla sila sa akin kaya napangisi ako at napakaway din sa kanila.


I watched them as they chit-chat. Halos tumakbo na ang kaluluwa ko when someone hugged me from behind. It was Chanty. She rested her chin on my shoulder while grinning.

"May lumipad na bang baboy?"

Born for the Sex GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon