13 : This is Chaos

144K 1.6K 50
                                    


"Hannah!" sigaw ni Chaos mula sa hagdanan kaya agad naman akong napatingin sa kanya "Linisan mo nga iyong kwarto ko! Ayusin mo!" he commanded. Napatango na lamang ako at agad na kinuha ang walis at dustpan at feather duster.




Umakyat ako sa kwarto nia at sinimulan ng ayusin ang iba mga figurines, iligpit ang madudumi niyang damit at ayusin ang higaan nya. Pinalitan ko na din ang kurtina at bed sheets nya para maaliwalas na.





Pumunta muna ako sa kabila pang kwarto kung saan nakatambak ang mga damit na nakatupi na at damit na kakakuha lang sa laundry shop. I wash clothes but not like every clothes, yung madadali lamang.



Nasa kalagitnaa ako ng pagtutupi ng damit nya nang tawagin ako nito "Hannah! Clean the aircon, maalikabok na!" sigaw nito mula sa labas, napabuntong hininga na lamang ako at inayos ang nakabun kong buhok. Medyo napadaan ang repleksyon ko sa full length mirror sa walk-in-closet ni Chaos. I sighed as I saw how haggard I look. I was just wearing a baggy shirt with a messy bun and a floral short shorts. Ngumiti ako dahilan para makita ang nagagandahan kong dimples. People said it's my asset but only Kuya Harvey said that my eyes are my asset.


"Maganda naman ako.." I talked to myself. "Bakit ba ako di kayang mahalin ni Chaos?" I said breathlessly.


"Hannah! Ayusin mo na ang aircon ha!" sigaw nito mula sa baba kaya naman napahinto ako sa pakikipag-usap sa repleksyon ko.


"Oo heto na!" sigaw ko pabalik. Matapos kong itupi at ayusin ang mga damit nya ay kumuha ako ng upuan at tumuntong dito. Nasa may itaas pa kasi ng wooden cabinet ang aircon kaya hindi masyadong abot, maybe tall guys could pero sa isang 5'4 na katulad ko? malabo!





Kinuha ko ang screen nito at bumaba na patungo sa likod bahay at doon ito nilinisan. Pagkatapos ay pumasok na ako at umakyat sa taas at inayos na ito.




Napatingin ako sa may gilid ng taas ng wooden cabinet na may box at may malaking ekis ito kaya di ko na lamang pinansin at baka pagmamay-ari iyan ni Chaos. Hindi ko pa naman kasi hawak sa aking dalawang kamay ang salitang "Mag-asawa kami kaya kung ano ang kanya ay akin at ano ang akin ay kanya."



Inayos ko na lamang ang screen pabalik. Medyo natagalan pa ako sa lock nito kaya tumingkayad ako upang maabot ito "Hayy, buhay pandak.." I murmured. Nanlaki ang mata ko at natigilan ng masagi ang box na nasa gilid at nahulog ito sa sahig at nagkalat ang mga litrato at papel. Marahan akong bumaba na gulat na gulat pa din at takot.

Napalunok ako ng abutin ko ang isang papel at litrato. I know the paper is a letter pero napasinghap na lamang ako ng makita ang dalawang tao sa litrato


"Ang ganda mo pala talaga Jen.." nanubig ang mata ko ng makita ang malapad na ngiti sa mukha ni Chaos, he was a very different Chaos compare to whom I am with right now.



"Ikaw pala si Jen.." nakita ko pa ang pagtulo ng luha ko sa mukha ni Jen.



"What the hell are you doing?! Give that to me!" he exclaimed with great frustration at hinila ang papel at litrato mula sa akin "Sabi ko maglinis ka hindi mangialam!" sigaw pa nito.



Bigla akong nataranta at pinunasan ang mga luha ko "Ha, eh, pasensya na Chaos.. Di ko talaga sinasadya eh.. Pasensya na talaga.." agad kong pinulot ang mga litrato at papel ngunit hinila niya ito sa akin at tinabig ako



"Maglinis ka huwag kang makialam!" tiim bagang niyang sabi. Napahikbi ako atsaka tumango at agad naman syang tumalikod papalabas but before he could walk away I called him


"Chaos! Patay na siya kaya mamuhay ka sa katotohanan!"


Namumula ang mga mata nito at matalim akong tinignan. "You don't have the rights to say that! Dahil iba ang pagmamahal sayo! Iba ka kasi malandi ka! Pare-pareho lang kayong lahat!" sigaw niya sa akin. Nanubig na naman ang mga mata ko. Ayan na naman siya sa malandi, tinigil niya na iyan hindi ba?


"Hindi mo alam ang pinagdaanan ko Hannah! Hindi mo alam ang iwan ka ng taong mahal mo alam mo ba yon?!" sigaw niy pa sa akin. Bawat salita na sinisigaw niya ay parang sinasaksak ako ng toneladang kutsilyo.

"Alam ko Chaos!" napahikbi ako. "Alam ko dahil sa ginagawa mo pa lamang ngayon para na akong iniwan ng lahat! Chaos patay na si Jen kaya di na kayo pwede sa isa't-isa!" sigaw ko sa kaniya. Please Chaos, wake up..




He shook his head "Hindi din Hannah! Hindi pa sapat iyang nararanasan mo, sa naranasan ko!" nagsituluan ang mga luha ko at napailing iling na lamang ako.





"Iba ka din!" I wiped my tears away "Iba ka! Sinaktan ka lang at iniwan ni Jen! Ako na agad sinisisi mo?! Bakit Chaos ako ba bumangga sa inyo? Bakit Chaos kasalanan ko bang nabangga kayo?!" sigaw ko sa kaniya.



Tumawa ito ng mapakla at marahas na pinahid ang luha niya. "Oo!" sigaw nito sa akin









"Dahil ang magaling mong kuya ang bumangga sa amin!"

Born for the Sex GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon