15 : The Agony of Yesterday(0.1)

139K 1.4K 56
                                    

"Hoy Hannah! Ayusin mo yang luto mo at dadating si Ileana!"



Marahan akong napatango at napayuko.



"Dating gawi, yaya ka.. Serve us later.."




Agad kong niluto ang mga putahing sinabi sa akin ni Chaos na iluto ko na paborito daw ni Ileana, ginataang manok, grilled baby back ribs at adobong balot.



I sighed, kung pwede lang sana lagyan ng lason matagal ko ng ginawa.


Ilang araw na din na ganito ang trato sa akin ni Chaos. Let me rephrase it, ilang linggo na din na ganito ang trato sa akin ni Chaos kung hindi niya ako ipapahiya, pinapapunta nia si Ileana dito. I sighed. I hate myself for loving Chaos this deep pero alam ko na mamahalin nia din ako balang araw.



Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa harap. Siguro andian na sila kaya inayos ko ang damit ko at inihain na ang pagkain na nailuto ko





"Oh, you must be Hannah right?" napatingin ako sa lalaking nasa pintuan ng kusina sabay nanlaki ang mata ko. Akala ko ba si Ileana ang dadalhin dito ni Chaos? Tumango na lamang ako. "Uhh, I'm Reidan." pagpapakilala nito. Ngumiti lang ako sa kanya at muling inayos ang mga pagkain.




"Oh, then you must be Chaos' wife?" natigilan ako sa ginagawa ko at unti-unting napatingin sa kanya. Hindi ko alam pero napatango na lamang ako. Totoo naman diba? Ako ang asawa.



Napatingin kami ni Reidan sa pintuan ng kusina nang marinig ang pagtawa ni Ileana."See? Reid! Galing magjoke ng yaya nila noh?" patawa nitong sabi. Naguguluhan akong tiningnan ni Reidan.




"Ah, kain na kayo," pag-iiba ko sa usapan atsaka nilagpasan silang dalawa para umalis na sa lugar na 'yon. I don't want to be anywhere near Chaos's mistress.



Pumasok ako sa kwarto atsaka inilock ito. Doon ako nagmukmok atsaka di ko namalayang umiiyak na pala ako. Siguro immune na din ang mga luha ko kaya kusa na din silang nagsisituluan. Pero sa totoo lang, masakit na talaga eh. Sobra!




"Noooo! Ahh, h-help! Help!"




Naiiyak na ako, feeling ko katapusan ko na! "Dra-ake, no! Please!" I exclaimed habang siya naman ay nasa itaas lamang ng bangka at tumatawa pa.



Diko maabot ang lupa sa ilalim ng ilog na'to. I tried to make myself float pero di ako marunong pilitin ko man!




"Dra-ake-ake.. He-Help...."




"Hannah!"




"Hannah!"



"Hannah!"



"HELP!"




Nagulat ako ng sampalin ako ni Chaos. Mabilis na tumaas baba ang dibdib ko at pinagpapawisan na ako ng malamig.




"What the fuck, Hannah! Akala ko naman napano ka na!" sigaw nito sa akin. Napyuko na lamang ako at napayakap sa sarili ko atsaka sumandal sa headboard ng kama ko.



"Now tell me anong pinaginipan mo?" he crossed his arms.



Napayuko na lamang ako and composed myself. Tumayo na din ako at sinuot ang tsinelas ko "Lilinisin ko lang ang kalat sa baba.." nilagpasan ko sia pero before I could walk away he grab my arm kaya napangiwi ako sa sakit at higpit ng paghawak nia atsaka marahas akong pinaharap sa kania dahilan para mapahiga ako sa kama ko.



"Huwag mo'kong tatalikuran kung may tinatanong ako!" he exclaimed at me. Puno ng galit ang mata niya



"W-Wala.." mahina kong sabi at napayuko.



"Are you going to tell me or not?" tiim bagang niyang tanong sa akin.


I heaved a sad sigh and I looked at him. "You really want me to tell you? Malalim at masakit din ang mga pinagdaanan ko noon," I yelled at him.

Born for the Sex GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon