10 : Where are we going?

188K 1.6K 43
                                    

"Hannah!"



Natataranta akong tumakbo papunta sa taas dahil sa sigaw na halata pa sa boses na irita ni Chaos. Mahapdi pa din pero di ko na lamang ininda dahil kailangan kong magpakatatag. Iniwanan ko ang niluto ko at nagtungo sa kwarto niya.



Pagkapasok ko nakita ko siyang di maayos-ayos ang necktie nya. Ganito palagi ang pangyayari sa umaga namin ni Chaos simula nung kinasal kami.



"Bakit ka tumakbo?" nagtatakang tanong nito sa akin, kunot pa ang noo. Napalunok ako kasi baka magalit siya na tumakbo ako at nabulabog ang bahay kasi naman wooden floor ang bahay.



"A-Ah, baka kasi magalit ka pagma-matagal n-naman ako eh.." mahina kong sagot na halata pa talaga sa boses ko ang pagkatakot. Oo, natatakot ako kasi baka magalit na naman siya sa akin.



"Ayusin mo nga," may halong irita niyang sabi. Medyo napatingala ito at inabot ko ang necktie niya, habang inaayos ko naman biglang napatingin sa akin si Chaos "Masakit pa ba?"


My stiffened because of his question. Napatingin ako sa kanya but I think it was a wrong move cause our gazes met. Umiwas kaagad ako ng tingin at inayos ang necktie niya "D-Di na masyado.." I answered. He was referring about my down there and about what just happened last night. Masakit pa din, oo.




Kagabi nung pumunta agad ako sa banyo niya ay doon ko binuhos ang lahat ng luha ko. Doon ko lang nalaman na talagang hindi niya talaga ako mamahalin. I know he wouldn't do it, not ever.



Doon ako naligo kahit magalit man si Chaos, as I showered myself nakita ko pang may dugo sa sahig. Masakit pala.




"Hannah, are you listening?"




Nanlaki ang mata ko at dali daling niluwagan ang necktie ni Chaos. "Sorry," payuko ako. Naramdaman kong naluluha na naman ang mga mata ko.




"Sabi ko kanina na huwag ka na munang magtrabaho ngayon," he casually said as he fixed his tie.



Napatingala ako. Paano niya nalaman na nagtatrabaho pa rin ako? Wag naman sana siyang magalit.




"Oo, alam ko. I know you would never leave your job," he said knowingly.


I swallowed the lump in my throat at napatango na lamang ako at umalis na para maghain ng umagahan, di naman masyadong madami ang niluto ko dahil ako lang naman mag-isa ang kakain. I guess Chaos will be out for lunch with his mistress, Ileana.




I was about to sit when Chaos suddenly appeared. "Oh, ano bang ulam?"


Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Is he going to eat here? Ano ka ba naman Hannah! Siyempre. Nagtanong nga diba?!

"A..Ah, bacon lang ang niluto ko at itlog maalat," I stated. Tumango naman siya at sininghot pa ang bacon. Somehow, I felt happy because I saw him smile and sat on the chair. "Paabot nga ng sauce." nabalik ako sa mula sa pagiisip nang magsalita si Chaos "Hannah, yung sauce.."




"Ahh, aay, sorry..heto!" I then handed him the sauce. I look at him eating. He seemed so smiling and happy, unfortunately, I'm not the reason, I will never be the reason.


Pagkatapos kumain ni Chaos ay nag-ayos ulit ito. That's one of the traits he got from tita Melinda, iyong isang galaw, retouch agad pero siya, pagkatapos kumain, nag-aayos mayamaya mag-aayos na naman.


"Ihahatid na kita.." I said and followed him to the garage. Una siyang naglakad habang ako nasa likod niya lamang. I smiled with the fact that I look like a very good wife—iyong ihahatid ang asawa niya sa garahe tapos ganito-ganyan.


Binalingan niya ako ng tingin bago sumakay sa sasakyan niya. I smiled and handed him his case. "Ingat ka sa byahe."




But I stiffened when he kissed me on my cheeks. "Bukas nga pala ako uuwi, I'll be staying at the mansion kasi may problema si Chanty and tomorrow around one in the afternoon, susunduin kita, we're going somewhere," he casually told me before he left.


Tumango nalamang ako kasi hindi pa din ako maka get over sa paghalik nya saakin sa pisngi, sobrang bilis pa ng tibok nang puso ko

nakatingin lang ako sa kanya na sumakay sa sasakyan niya at pinaharurot ito. While I was left dumbfounded and left with a question mark on my head. Where are we going?

Born for the Sex GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon