Chapter 8: Night Thoughts

418 29 8
                                    

Athena's POV.

Andito na ako sa bahay. Kakauwi ko lang. Hinatid niya ako sa bahay. Pero wala kaming imikan kanina. Hindi kami nag uusap or what.

Pero? WAHHHHHHHH!!!! Anong ginawa ko? Did I really kissed him? Pero smack lang naman yun eh. I didn't move my lips. Siya nga ang gumalaw eh. Wahhh talaga. Ang first kiss ko wala na.

I didn't expect that I will do that thing. Why? Athena.

Nagulat din kasi ako sa nakita ko pagpasok ko ng VIP Room. Ganito kasi yan ...

*Flashback...*

Pabalik na ako sa VIP Room. Katatapos ko lang gumamit ng comfort room.

Inaayos ayos ko muna ang buhok ko at damit ko bago ko buksan ang pintuan.

Nang bubuksan ko na sana ang pintuan, may narinig akong boses babae sa loob. Sino naman kaya yun?

Pinakinggan ko muna ang usapan ng mga nasa loob. Idinikit ko ang kanang tainga ko so I could clearly hear them.

"I'm Sofia Denise wanna join us? Me and my friends." sabi nung babae. Ah, so Sofia pala ang pangalan niya?

"I'm sorry but that is not the proper attitude of a businessman," rinig kong sagot nung isang nagsalita. Sa aking palagay, boses yun ni Boss Chriss. Paano ko nalaman? Ma-authoridad kasi ang way nang pananalita niya.

"C'mon. We will have some fun," malanding sabi ni Sofia, Aba, aba! So ang labas nilalandi niya si Boss? Ibang klaseng babae din siya ha.

Nakikinig lang ako sa usapan nilang tatlo. Bakit ganon? Pakiramdam ko naiinis ako? Pakiramdam ko na-bwi-bwiset ako?

"Bro, pagbigyan mo na," sabi ni Sir Melbert. Pagbigyan? Na ano? Medyo di ko nakuha ang sinabi niya. Sa curiousity ko, dali dali kong binuksan ang pintuan.

Pagbukas ko ng pintuan nagulat ako sa nakita ko. Sofia was sitting on Sir Chriss' lap and she looks at him intensely. At si Sir Chriss na hanggang ngayon na hindi pa ako napapansin na nakapasok na ako rito sa VIP Room, ay nakipag tagisan nang titig kay Sofia.

Behind the SecretWhere stories live. Discover now