Chapter 55: The Battle is On!

162 12 0
                                    

Athena's POV.

Hindi ko talaga alam ang irereact. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Chriss matapos ang nangyari kahapon. Pinatawag ko ang mga kaibigan ko kagabi after my office hours because I thought na matutulungan nila ako sa problema ko but I was wrong.

They even made it complicated. Ginawa pang pustahan ang sitwasyon naming tatlo. Gumawa pa sila ng team. Ano ba gagawin ko mga inday? Nababaliw na yata ako kakaisip.

Bigla na lang narinig kong tumunog ang phone ko. Hudyat yun na may natanggap akong message. Ang aga-aga at may text agad ako. Tinap ko ang message. Laking gulat ko na lang na galing ito kay Chriss.

From: Boss Yoo

Good Morning ♥♥

Text niya. And take note may heart emoji pa. Godzilla naman! Kinakalibutan ako ngayon. Tumataas ang balahibo ko.

Nag-vibrate naman ang phone na hawak ko. Senyas yun na may message saking dumating na bago. Binuksan ko iyon. At nagulat ako kung sinong sender.

From: Rain Lee

Magandang Umaga sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Eat your breakfast ha. Don't skip your meals. ♥♥♥

Text niya. Godzilla talaga! Mas lalo akong kinalibutan tuloy.

--
At Yoo's Company...

Kararating ko lang dito sa kompanya. Nag taxi na ako kasi malapit na akong ma-late. Lahat ng madadaanan ko na empleyado ay nakatingin sakin.

Sumakay na ako ng elevator ngunit itong mga babaeng nasa likuran ko, mamimintas na nga lang ng kapwa eh nahiya pang laksan ang mga boses nila para rinig ko.

"Ay siya yung secretary ni Sir Chriss na kasama niya kahapon mag lunch? Hindi sila bagay sis," pintaserang girl 1.

"Oo nga. Ang panget naman niya sis. Mas maganda pa ako diyan eh," pintaserang girl 2.

"Hoy grabe naman kayo. Kawawa naman si Ate. Pero mas kawawa si Sir Chriss at yung hunky na kasama niya? Para kasi siyang katulong lang nila," pintaserang girl 3.

"Hahahahaha." Tawa lang naman nilang tatlo. Kainis ha. Kumukulo ang dugo ko sakanila. Huwag lang talaga nila ako umpisahan. Ako katulong at hindi maganda? Syempre hindi ako papatalo.

"Excuse me? Are you talking about me?" Tanong ko with full of confidence. Akala nila ha.

I saw them grin. Aba! Aba! "Ano bang pakealam mo, yaya?" The girl one said. They are trying to piss me. Really. Sa sobrang inis ko nakapag-salita nanaman ako ng hindi maganda.

"You know what kung wala naman kayong magandang sasabihin sa kapwa niyo better to shut your mouth. Hindi niyo pa ako kilala so don't ever try me," mataray na sabi ko. I leave the elevator ng magbukas ito. Wag lang talaga nila ako susubukan.

Nang nakarating na ako sa floor ng OFFICE OF THE PRESIDENT, napansin ko ang mga sahig na punong puno ng rose petals. Nang makarating ako sa desk ko napansin ko ang isang paper bag na may nakasulat,

Don't skip your meals. I have some important things to do kaya hindi ako makakapasok ngayon.

             -Soon to be yours,
                  Chriss ♥♥

Seryoso? Mas lalo tuloy dumagundong ang nasa bandang dibdib ko. Napangiti ako. Ito kaya ang sinasabi nilang kilig? Kyahhhhhh!!!!! Baka ito nga. Enebe!

Paupo na sana ako ng biglang may dumating na isang delivery man. "Ma'am excuse me po. Narito po ba si Ms. Anicete?" Tanong niya.

"Yes. Ako nga. Bakit?"

"Delivery po para sainyo. Paki-pirmahan na lang po ito," sabi nito. Pinirmahan ko na ang papel na binigay niya pagkatapos binigay niya sakin ang isang paper bag. Bago ko ito binuksan, may nakasulat.

To Soon to be my babe,
Have some chocolates. Pampagana ng araw mo. This chocolates will give you a lot of energy. Take care babe.

        -Your husband,
            Rain Lee :)

Godzilla talaga mga bes! Kinikilig ang buong sistema ko. Huhuhu! Enebe! Wag ako. Charot. Pero kinikilig talaga ako. Sabi ni best Eloisa ienjoy ko magkaroon ng dalawang suitors. Wag daw ako maistress. Tama, enjoy lang.

------
Tristan's POV.

Ang aga-aga nandito ang mga ugok kong kaibigan. "Oh pre, musta?" Bati ko kay Chriss at Melbert na prenteng nakaupo sa couch dito sa office ko. Feel at home ang mga g*g*.

"Ito buhay pa naman," sagot ni Melbert. "Kailangan niyo? Feel at home kayo ah?" Sarkastikong sabi ko.

"Tch. I need your help," Chriss said.

"Help? In what?" I asked.

"I want to Athena to be mine. You need to help me to happen that," seryosong sabi niya.

"Paano? Kikidnapin ba namin siya ulit?" Melbert said.

"No. I'll tell you the plan," sabi ni Chriss.

Ano naman kaya iyon? Tch. Hindi na lang kasi siya mismo ang gumawa. Kailangan pa niyang mandamay. Pero may naalala ako...

"By the way man, are you excited to see your daughter? It's been four years na rin," panimula ko.

"Yeah. I am excited to see her again."

And that was he said. Sana lang wala maapektuhan sa plano na gagawin namin.

Behind the SecretWhere stories live. Discover now