Chapter 9: Mall

407 27 4
                                    

Justine's POV

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

Justine's POV.

Andito ako ngayon sa Mansyon ng mga Yoo. Nagtataka ba kayo kung bakit nandito ako? Pinatawag ako ni Chriss. Nagtataka rin ba kayo kung bakit Chriss lang ang tawag ko sakanya? Dahil ako ay pinsan niya.

Malapit niya akong pinsan sa mother side. Oo nga pala bago ko makalimutan, ako nga pala si Justine Gayle Yoon. 20 years old na, Ulila na ako.

Namatay na ang mga magulang ko. My Mom died because of Breast Cancer. She died when I'm only 15 years old. 

Then my Dad naman died because of Car Accident. Nasa Business trip siya nun sa hometown namin sa South Korea.

Pauwi na sana siya ng bahay namin dun nang maaksidente siya. Na'out of control niya ang manibela kasi basa ang kalsada na dinaanan niya dahil sa ulan.

He died when I'm only 18 years old. Katatapos ko lang mag birthday nung mangyari yun.

Masakit na iwan nila ako sa murang edad ko. Alam niyo yung parang wala nang saysay ang buhay ko dahil mag-isa ka namumuhay? Mag-isa kakain sa hapag , kapag may mga school programs naman especially ang Family Day, wala akong kasama. Nakakainggit lang. 

Naiinggit ako sa mga kaklase ko. Although may mga kasama akong katulong sa Mansyon, iba pa rin talaga kapag kasama mo ang mga magulang mo. Laking pasasalamat ko na nga lang sa mga maids sa bahay kahit kasi na wala na sila mommy and daddy they don't leave me. 

At syempre kina tito at tita, ang nanay at tatay ni Chriss. Kinupkop nila ako at tinuring bilang isang totoong anak nila. Tinuri nila akong kadugo nila. Kaya laking pasasalamat ko talaga sa mga taong nag mamalasakit sakin.

Ang pamilya namin ay hindi mahirap. Pinama sakin ni daddy at mommy ang kompanya at ari-ariang iniwan nila. Yun nga lang, I still cannot handle those Big Businesses kaya nag apply ako bilang isa sa mga employee ni Chriss.

I want to train myself with no special treatment. Kapag sa kompanya kasi namin baka bigyan pa ako nang special treatment. Tinatago ko ang identity ko bilang pinsan ni Chriss David Yoo. So much madada na.

Pababa na si Chriss papunta sa direksyon ko. Nang makalapit na siya sakin, kiniss ko siya pisngi. Wala naman masama kung hahalikan ko siya sa pisngi di ba? After all, he is my cousin. Pamangkin ni Mommy ko.

"Tch. Ang lalim naman ng iniisip mo," aniya ni Chriss. Ayt? Napansin niya yun? Grabe naman. 

"Hindi naman. Bakit mo pa pala ako pinapapunta rito?" tanong ko sakanya.

"Bukas lilipad tayo papuntang Seoul."

"For what?"

"For Business Trip"

"Sino mga kasama?" Ehem, hindi naman masama magtanong di ba?

"My secretary and Melbert"

OMO! Kasama si Melbert? Natutuwa ako. Ewan ko ba pero parang na'Love At First Sight yata ako sakanya. Kung ano man ang nasa isip niyo, ay totoo. I believe at Love At First Sight. Basta may naramdaman akong something sa lalaking yun.

Pero pansin ko lang ha. May something si Angel at Chriss haha, Shhhhh lang kayo. Tinignan ko lang siya nang nakakaloko.

"Tch. Don't give me that look," he said. AHAHAHA. alam kong pikon na ang pinsan kong yan.

"Wala. Pero sige I'll go with you. And I have to go. Uumpisahan ko ng mag-ayos ng gamit. Bye Chriss." Paalam ko sakanya.

"Okay. Take Care," he said.

Hinatid niya na ako sa sasakyan ko. Kasama pala si Bes Angel sa Business Trip. Since bukas na ang Flight namin, yayain ko siyang mag mall.

Close na kami. Masarap siyang kasama. Hindi siya yung tipong tao na plastic na kaibigan. Kahit ilang araw lang kaming magkakilala, magaan na ang loob ko sakanya.

Kinuha ko ang phone ko sa loob ng bag ko. I dialed Angel's number first before I started the engine.

Sa pangatlong ring pa lang, agad naman niya itong  nasagot.

"Hello bes?"

"Hello bes? Napatawag ka?" sabi nito sa kabilang linya.

"Ah oo. Alam mo naman siguro na may Business Trip tayo bukas right?" sabi ko.

"Ah yes. Actually katatapos ko nga lang mag pack ng gamit ko pero bakit ka pala napatawag?"

"Let's go to Mall," pag-aya ko sakanya. Sana pumayag.

"Sure sige. Bibihis lang ako," she replied. Napangiti ako sa sagot niya. Hindi ko alam pero na-excite ako bigla.

"Okay. Susunduin na kita. Wait me there," Sabi ko.

"Okay. Bye."

"Bye."

After that conversation, I already end the call. First time kong mag mall kasama ang kaibigan. Awoo, masaya to.

------------------
Athena's POV.

At Mall...

Nandito na kami sa Mall. Actually, kanina pa. Nag shopping lang kami ng nag shopping.

Ipinagbili niya pa ako ng gamit. Yung sa mga beauty products. Etude pala ang gamit niyang make up. Actually gusto ko rin ng Etude yun nga lang hindi ko afford yun. Masyadong mahal.

Kapag pinag iipunan ko naman, taon pa ang aabutin. Pero maganda ang Etude dahil natural siya.

First time kong makakasama si Sir Chriss sa Business Trip. Mostly naman ang isinasama niya ay si Mrs. Trina. Ang Secretary ng Mom niya.

Naka-move on na kaya siya sa nangyari sa Bar? It's been 3 weeks na simula nung nangyari yun. Arghhhhh!!!!! Bakit yun ang iniisip ko?

"Hoy Bes, natulala ka na diyan? Sino ba tinitignan mo?"

"Ah? Eh wala naman. Tara mag ice cream muna tayo."

Yaya ko sakanya. Pumunta na kami sa ice cream parlor. Nag crave ako bigla sa ice cream eh.

"Hi Ma'am. May I take your order po?" tanong babae na nasa counter.

"Cookies and Creme flavored ice cream. Sayo bes?"

"Double Dutch with marsmallow sakin."

"Okay po Ma'am. Ihahatid na lang namin ang order niyo po sa table niyo. "

Naghanap na kami ng vacant table. Nang makahanap na kami, may nahagip ang mga mata ko. Sh*t. Si Sofia ba yun? Yung babaeng nanlandi kay Sir Chriss.

She's with another guy. Boyfriend niya yata yun. May boyfriend na siya pero nakikipaglandian pa sa iba. Hay nako. Hindi makuntento sa isa.

Napansin ko na tapos na sila mag usap. Napatingin sa gawi namin si Sofia. Sh*t. Halata sakanya na nagulat din siyang makita ako. Heto nanaman ba? Baka mabanggit niya ang ginawa ko kay Sir Chriss. Hindi pwedeng malaman ni Bes ang nangyari saamin.

Papalapit sa gawi namin si Sofia. Pinagpapawisan ako ng husto. Ano gagawin ko? Paano kami aalis d---

"So, the girlfriend of Mr. Yoo is here," Sofia said. Doomed. I'm doomed. Tumingin ako sa gawi ni Bes Justine. Halata sa mukha niya ang gulat. Paano na yan?

"Excuse me Miss. Si Athena ba ang tinutukoy mo?" tanong ni Bes Justine kay Sofia.

"Yes. Like duh. Anyway, andito pala yung bitch na yan. Psh. Well wa-warnigan lang kita. Hindi kayo bagay ni Chriss. Gotta go."

Tuluyan ng umalis si Sofia. Tinignan ko si Justine and she just gave me, 'what is she saying look?'

At alam ko anytime, uulanin ako ng tanong niyan. My god! Help me!!!!

Behind the Secretजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें