Chapter 15: How did it happen?

345 22 7
                                    

Athena's POV.

Nagising ako bigla dahil feeling ko may mabigat na nakadagan sakin. OMG! Sino kaya to? Hindi ako makakilos. Hindi ako makagalaw. Gusto ko makita at malaman kung sino to.

Naramdaman ko na mas lalong pumalupot ang braso niya sa bandang tyan. OMG! wait? Braso? My gash. Kaninong braso naman to? Huhuhue! Naiiyak na ako. Naiiyak ako. Sir Chriss tulong.

Tutulo na sana ang luha ko ng biglang ...

"WWAAAHHHHHH!!!!!!!"

"F*CK! WHAT THE HELL! ATHENA!"

OMG! Si S-Sir Chriss ang katabi ko? Siya? Siya ang nakayakap sakin? Siya ang humawak sa boobs ko? Uwahhh!!!! Ang boobs ko hindi na virgin.

"S-Sir Chriss? I-ikaw ang katabi ko?"

Siya talaga ang katabi ko? As far as I know sa sofa bed ako nakahiga eh. Sa sofa bed ako nakatulog pero paano nangyari na sa king size bed ako natulog? Paano ako nalipat? And worse si Sir Chriss pa ang katabi ko.

"Ako nga! Psh. What the hell did you do? Bakit mo ko hinulog sa kama?!" galit na sabi niya.

Sinipa ko lang naman siya para bitawan ang pagkakahawak ng kamay niya sa boobs ko. Wahhhhh!!!! Letse!!!

"Mag sorry ka muna," sabi ko. Aba! Dapat lang na mag sorry siya. Pagkatapos na hawakan niya ang isa sa mga parte ng katawan ko. Naku. Ang manyak!

"What? What did I do?," tanong niya. Ay playing safe ang boss ko oh. Psh.

"Bakit ako mag so-sorry sayo? You are the one who should apologize to me. Pagkatapos mo ako ihulog sa kama ko. Psh," sabi niya.

Eh?

"Sorry na. Pero mag sorry ka rin boss," sabi ko.

"What? Why should I? Psh," pagtataray na sagot niya.

Ano siya bakla??

"Hinawakan mo lang naman ang?"

"What Athena?"

"Ang..," pabitin kong sabi sakanya. Ahoo! Itutuloy ko ba sabihin? Nakakahiya naman kasi eh. Letse kasing kamay yan eh. Basta basta manghahawak ng parte ng babae eh.

"What now Athena? You know me, I have a short patience. So now tell me the reason why should I say sorry to you?"

Hinawakan mo nga kasi ang boobs ko. Gusto ko sana ipagsigawan sakanya yan eh. Kaso Argh! Nakakahiya talaga. Feeling ko namumula ako sa hiya! Wahhh!

Halata naman sa mata ni Boss na naiinis na siya sa pabitin effect kong pagsasabi pero kasi ano talaga eh. Paano ko ba sasabihin?

"Kasi.... Ano..."

"Ano?!"

Wahh!!!! Pinagpapawisan ako. My gash! Paano ko sasabihin? Sasabihin ko ba? Eh kung wag na lang kaya? Pero kasi hinawakan niya yung parte ng katawan ko eh.

"Athena if you are not going to say it, I will take a bath already because you are just wasting my time," he said.

Sasabihin ko naman eh. Yun nga lang di ko alam kung paano ko sisimulan. Paano nga ba? Bwiset eh.

Papunta na sana siya sa bathroom ng harangan ko siya.

"T-Teka lang," sabi ko at hinirang siya sa may pinto ng banyo.

He just gave me a death glared. Alam ko kapag ganyan na siya, naiinis na siya.

"What?"

"K-Kasi ano Sir Chriss eh."

Huminga muna ako nang malalim. Pampa-bwelo lang at para na rin mawala kahit konti ang kaba ko. I look down para matakpan kahit konti ang mukha ko.

I sigh once again and tell what I want to tell.

"H-Hiniwakan m-mo p-po ang boobs ko," nauutal kong sabi. Aish. Nakakahiya talaga eh. Feeling ko namumula ako. Feeling ko mawawalan ako ng dugo.

I look up to see kung ano ang reaction niya. Tila natulala rin siya sa sinabi ko.

"Sir?" tawag ko sakanya.

"Ano? Ako? Humawak? That's impossible Athena," sabi nito.

Aba! Denial ang boss ko ah. Kung tutuusin nga kung hindi ko siya sinipa eh hindi pa niya bibitawan pagkahawak niya sa boobs ko eh.

"Hinawakan mo kaya."

"No I'm not," tanggi pang sabi nito.

"Mag sorry ka na lang kasi Sir," pagpupumilit ko.

Aish. Ayaw pa mag sorry eh. Ang dali dali lang naman ng pinapagawa ko.

"Why should say I sorry sa bagay naman na hindi ko ginawa," he retorted pero nga kasi hinayaan niya hawakan ang boobs ko. Kainis naman eh.

"You touch my boobs at kasalanan mo yun."

"Pero wala naman akong nahawakan."

Eh paanong wala siyang nahawakan eh nafeel ko nga yung kamay eh. Bwiset talaga eh.

"Paanong wala eh me---"

He cut my words and he leaned on me on the door of the bathroom. Ano na naman ba gagawin niya? Hahalikan na naman ba niya ako?

"Kasi wala ka namang boobs. Flat chested ka. So please wala akong dapat ika-sorry sayo. Excuse me," pagkasabing pagkasabi niya yun, agad naman siyang pumasok na ng CR.

Arghhhh! Letseng lalaki to! Ako? Flat Chested? Nahihibang na ba siya? Kainis.

Pero paano nga pala ako nalipat sa sofa bed? Nag'sle-sleep walk ba ako? Pero hindi naman ako ganon kapag natutulog eh. Aish! Andun naman ako nakahiga sa sofa bed. Dun ako natulog eh. Bwiset talaga!

Gusto ko malaman ang sagot. Gusto ko malaman kung bakit ko siya katabi matulog.

Ilang minuto din ang nakalipas nang matapos na makaligo si Sir Chriss sa paliligo. Sa sampung minutong paghihintay, wala akong ibang ginawa kung hindi ang palakad lakad sa loob ng kwarto.

Hindi kasi ako mapakali hanggat di ko nalalaman ang sagot eh. Bwiset talaga.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Binuksan ko ang maleta ko para kunyari kumukuha ako ng damit ko.

Haharap na sana ako sa gawi ng biglang....

Sh*t! Abs! Ugh! Ang hot niya. Ang hot niya tignan sa wet look niyang yan. My gash!

Pero argh Athena, stop dreaming.

"Enjoying the view huh!" pang-aasar niya. Bwiset! Ayan na naman siya sa pang-aasar niya. Kainis ah!

I tried to act normal para di niya mahalata na pinagpapawisan ako sa itsura niya. My gash! Besh.

"A-ah. H-hindi kaya."

"Okay, as you said"

Sabi niya. Ugh! Shems. Ang bango niya pero hindi. May dapat akong itanong sakanya. Gusto ko itanong sakanya kung bakit ako natutulog sa kama kasama siya? Arghh!

"May itatanong ako," sabi ko. Habang siya nagsusuot ng white sando. My gosh! Sando pa lang pero ang hot niya pa rin.

"What?"

"Paano ako napunta sa kama? Paano kita nakatabi?"

"Why? You want to do it again?" Sabi niya ng naka'ngisi. Porket tinanong ko lang siya gusto agad? Letse ah.

"No," sabi ko with giving him a death glared.

"Nakita kitang hindi makatulog ng maayos. Galaw ka ng galaw so I carried you and put you in bed with me," he sincerely said it. OMG! ang bait naman pala this boy.

Okay Athena? Parang nakaramdam ako nang kilig dun. In fairness, plus pogi points yun.

Teka? Ano raw? Pogi points? Aish. Pero paanong nangyari na nakadangan ang braso niya sa waist ko? Wag niyang sabihin na sinadya niya yun.

"Are you done? Lalabas na ako. Prepare yourself. Sumunod ka na lang sa baba for breakfast," he said and left.

Napaisip isip ako. Paano nga nangyari yun? Aish!

Behind the SecretWhere stories live. Discover now