Chapter 37: Weh?

281 18 1
                                    

Athena's POV.

After ko maglaro ng Plants VS Zombie bigla na lang ako nakaramdam ng pananakit ng likod. Ang boring kasi talaga. Hanggang ngayon wala pa rin si Sir Chriss.

Bumaba muna ako ng office. Pumunta ako sa table kung nasaan ang bestfriend ko.

"Hey Bezzy!" Bati ko sakanya.

"Oh hi. Oh ano getting bored?" Tanong niya.

"Yeah! Hanggang ngayon kasi wala pa rin ang boss ko. Wala tuloy akong magawa sa office ko."

"Walang magawa o namimiss mo lang ang presence niya?" Sabi niya.

Nagulat ako sa tanong niya. Bigla tuloy akong pinagpawisan. Namimiss ko nga lang ba siya?

"A-Ah ano. Pwede na rin," nauutal na sabi ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I just feel incomplete now because I haven't seen him yet.

"Hahaha. Kahit di mo sabihin bezzy nahahalata ko yun sayo."

"Huh? Nahahalata na ano?"

"Na namimiss mo siya. Na gusto mo na palagi mo siyang nakikita. Don't get me wrong but I can see it clearly in your eyes." She said. Naramdaman ko na lang ang pamumula ng mga pisngi ko. Oh gosh! Ano sasabihin ko sakanya?

"Ehh? A-Ano," nauutal na sabi ko. Letse speechless talaga ako.

"Don't deny it bezzy. Hindi naman masama kung namimiss mo si Sir Chriss," sabi nito.

"Hindi nga masama," sabi ko at nagbuntong hiniga na lang.

"Why? What's wrong?" Nag aalalang tanong niya.

"Haist. Naisip ko lang na hindi kami bagay sa isa't isa," sabi ko. Totoo naman na hindi kami bagay eh.

"What made you think of that?" Tanung niya.

"Hindi kami bagay kasi mayaman siya tapos ako wala. Presidente siya ng kompanya samantalang ako sekretarya niya lang." Sabi ko na may halong lungkot.

Tama naman kasi na hindi kami bagay. Sino ba naman ako para magustuhan ang isang tulad niya di ba?

"Look bezzy, I'll tell you this, hindi nasusukat kung ano ang estado mo sa buhay kapag nagmamahal ang isang tao. Ano naman kung presidente siya ng kompanya tapos ikaw sekretarya niya lang? Bezzy he confessed his feelings to you meaning to say na kahit sekretarya ka lang niya eh tanggap ka niya. So cheer up," sabi niya.

Tumayo ako sa swivel chair sa tabi niya.

"I don't know bezzy."

"Bezzy alam mo si Sir Chriss mabait yan. Very protective. Loyal pa yan kapag nagmahal siya. Mukha man siyang mayabang pero ang totoo niyan napaka-humble niya. He is the ideal man of every girls. Kaya nga napaka-swerte mo sakanya kasi isang Chriss David Yoo ang nagkagusto sayo."

"We can say that I'm lucky kasi nagkagusto siya sakin pero siya hindi swerte sakin. I don't have anything. I don't have nothing kaya ano ibibigay ko sakanya?" Pag-aalalang tanong ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko talaga. Walang wala ako tapos siya meron. Ang panget tignan na ang isang mayaman na katulad niya eh nagkagusto sa walang ako.

"Ang negative mo talaga Bezzy Athena. Look, kaya siguro nagustuhan ka ni Chriss eh dahil wala ka. I mean gusto niya na siya magpuna ng mga wala sayo. Believe me or not Bezzy he totally fall for you," sabi ni Bezzy Justine.

"Weh?" Sabi ko.

"Oo nga. Maniwala ka sakin. Promise. Cross my heart and I'm willing to die. Pero syempre joke lang yun."

"Okay. Fine. Maniniwala na ako sakanya. Pero paano mo nasabi ang lahat ng yun?"

"Ang alin?"

"Ang tungkol kay Sir Chriss. Para kasing matagal mo na siyang kilala eh," sabi ko. Yeah. Nakakapagtaka talaga na parang kilala niya na si Sir Chriss.

"A-Ah ano," she said and she looks like she's uneasy.

"Ano?"

"Hehehe. Syempre matagal na akong nagtra-trabaho sa kompanya remember? Ano ka ba naman bezzy," sabi nito.

"Sabagay. Pero maiba tayo. What is the score between you and Melbert?" I asked her.

"Kami? Uhm. Wala naman. Ano. Friends lang. Ganon," sagot niya.

"You sure?"

"Oo nga. Wala naman namamagitan saamin. Ano bang klaseng tanong yan bezzy? H-hehe." Nauutal na sabi niya.

"Weh?" Sabi ko at binigyan siya ng nakakalokong tingin.

"Wala nga."

"Okay sabi mo eh."

Napatingin kami sa table niya. Napatingin ako sa cellphone niya. Nagulat na lang ako na pangalan ni Melbert ang lumabas sa screen niya. I smirk at her. Kinuha ko ang phone niya na nakapatong sa table niya.

"Wala pala ha!" Pang-aasar na sabi ko. Akmang aagawin niya sakin ang phone niya pero nailayo ko ito agad sakanya.

"Bezzy naman. Give me my phone," pagmamakaawa niya.

"What if I don't want?" Pang-aasar na sabi ko.

"Bezzy please," sabi niya.

"Haha. Oh eto na. Wag ka ng umiyak."

"Grabe siya. But thanks," sagot niya.

Naramdaman ko na nag vibrate ng phone ko sa bulsa ko. Napa-ngiti ako sa nakita ko. Pangalan kasi ni Sir Chriss ang nag flash sa screen ko.

From: Sir Chriss

Meet me at Parking Lot.

"Ah bezzy Justine, bababa muna ako ha. May kukunin lang ako." Sabi ko.

"Okay sige," sabi niya.

Pagka-paalam ko sakanya agad naman ako dumeretso sa elevator. I press the ground floor button. Habang umaandar ang elevator  ang puso ko naman ay siyang bilis din ng pagtibok ng puso ko.

Bigla ako nakaramdam ng kaba pero na-excite rin naman ako. Nang makarating ako sa ground floor, napansin yata ni Manong Guard ang pagka-nerbyosa ko.

"Iha okay ka lang ba?" Tanong niya.

"Okay lang po ako. Pinapupunta lang po ako ni Sir Chriss sa parking lot," sagot. Napansin ko na lumapad ang ngiti niya.

"Magtiwala ka kay Sir Chriss, iha," sagot nito.

Kahit na nagtataka ako sa sinagot niya, tumango na lang ako bilang tugon. Nagpaalam na rin ako bago pumunta ng parking lot.

Nang nasa parking lot na ako, hinanap ko agad ang kotse ni Sir Chriss pero hindi ko makita. Nasaan na ba yun?

Hanap lang ako ng hanap ng biglang...

OMG! May nag back hug sakin. Wahhh!!!!!

"T-Tul--ommp."

"Shhhhh! Don't shout. It's me."

He said and whisper in my ears. Letsugas. Nakikiliti ako sa hininga niya.

Nagpumiglas ako para mabitawan niya ako dahil gusto ko makita ang mukha niya pero nabigo ako. Sobrang lakas niya.

Tinanggal niya ang pagkakatakip sa bibig ko at may binulong sa tenga ko na siyang dahilan ng pagkilig ng buong sistema ko.

"Don't move. Let's stay like this for  while. I want to spend my time for you a bit," he said in his husky voice.

"Weh?" Sabi ko.

Iniharap niya ako. Napansin ko na lang na parang may hindi akong magandang nasabi sakanya. Oh no! Here we go again.

Behind the SecretWhere stories live. Discover now