Chapter 69: They're here!

172 19 0
                                    

Athena's POV.

It is Shey's seventh birthday today. Kanina pa ako hindi mapalagay. Feeling ko may hindi magandang mangyayari ngayon. I don't know pero kasi kanina ko pa ito nararamdaman mula paggising ko.

*Flashback*

Nagising na lang ako bigla ng hindi ko malaman ang dahilan. My heart beats so fast. This is my first time na nakaramdam ng ganito. I felt so unusual and uneasy.

Tinignan ko ang orasan na nasa side table ko. Pasado 3 AM palang pero gising na gising ang diwa ko.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Hindi kaya...

Iniisip ko yung sinabi ni Sherie kahapon o may mas higit pa dun? Pero impossible naman yun.

Nagdaan na ang mga oras pero hindi pa rin nawawala ang pakiramdam kong ito. Hindi na ako makatulog.

8 AM na ng umaga at naisipan ko ng bumangon para maghanda ng almusal.

Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa minnie kitchen. Kumuha ako ng mga itlog at tinapay. Kumuha rin ako ng fresh milk sa fridge. Hindi talaga ako mapakali.

Habang nagluluto ako, napansin ko kaagad si Francis Catherine na kagigising lang din.

"Good morning ate," bati niya saakin.

"Good morning. Naghahanda na ako ng breakfast. Umupo ka na diyan," sabi ko.

Matapos na ako magluto, inilapag ko na lahat ang mga pagkain sa lamesa. Umupo na rin ako sa harapan ni Francis.

Habang kumakain, naramdaman ko nanaman na hindi ako mapalagay. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.

"Ate okay ka lang?" she asked while looking at me. Napansin niya yata na natulala ako.

"U-Ugh. Oo," nauutal na sabi ko.

"Eh bakit ganyan ang mga mata mo? Namumula. May sakit ka ba ate?"

"A-Ah wala. W-Wala ito. Hehehe," sabi ko at pilit na ngumiti sa harapan niya.

Behind the SecretWo Geschichten leben. Entdecke jetzt