Chapter 44: Cold Treatment

240 12 0
                                    

Athena's POV.

Ilang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng sagutan namin ni Sir. Chriss nung Valentine's Day. Simula nun hindi na kami nag-uusap pa.

Everytime I asked him kung bakit hindi niya ako kinakausap, he always said that he's busy so he cannot talk to anyone pero napapansin ko naman na kinakausap niya ang ibang empleyado sa kompanya maliban sakin na Executive Secretary niya.

Ang trabaho ko bilang Executive Secretary niya ay ibinibigay niya sa ibang empleyado. Tinatanong ko siya kung bakit niya binigay sa iba ang dapat kong trabaho pero wala akong ibang narinig sakanya kundi mahihirapan lang ako.

Ewan ko kung bakit ako ganito. Kung bakit ako nasasaktan sa ginagawa niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kailangan ko yata ngayon ng makakausap.

I get my phone on my bag and dialled my bestfriend's number -- si Jade. Okay lang naman na makipag-usap ako sakanya kasi lunch time naman na at hindi ako gaano busy unlike sa ibang employees dito. Halos yata ng empleyado rito ay busy except sa akin na walang ginawa kundi umupo lang sa desk ko buong maghapon. If not naman ako yung naka-assign sa mga photocopies and printing sa mga papeles na kailangan ni Sir Chriss or everytime na may presentation siya.

Tatlong ring palang ako pero nasagot na agad ni Jade ang tawag.

"Hello?"

"Jade? Are you busy?" I asked.

"No. Not really. Why?" She asked. Should I tell her that I am sad? Why not, she's my bestfriend after all.

"Can we talk for a minute?"

"Oo naman. Anything for my bestfriend. But wait, may sakit ka ba? Ang lamya ng boses mo," she said. Malamya? Siguro dahil malungkot ako ngayon.

"Wala naman akong sakit. It just that I am sad right now," I said. I am sad because on what he showed me.

"Why? What happen?  Go on tell it to me. Makikinig ako."

"Kahit na about sakin at kay Sir Chriss?" I asked. Parang ang awkward lang kasi sakin na ang problema ko ay siya. Ang nagmamay-ari ng puso ko.

"Oo naman. Bawal nga ang secret di ba? So what about it?" she asked again. Based on her tone, I know na nasasabik na rin siya malaman ito.

"February 14, he asked me on date. Nanuod kami ng sine. Pero hindi namin naumpisahan,"

"Oh? And then?"

"And then I accidentally mentioned the name of my first love when we were in highschool," pagpapatuloy ko.

"Oh my god! Don't tell me si Rain Lee yan?"

"Yeah," tipid kong sagot. Kilala nila ni Eloisa kung sino first love ko. Sakanilang dalawa hindi ka makakatago ng sekreto.

"Oh my goodness. Go on. Continue."

"Ayun na nga. Dahil hindi ko naman sinasadya mabanggit yung pangalan niya, ayun nag walk out siya." I explained. That's true actually. Hindi ko naman sinasadya talaga.

"Then? What did you do?"

"I followed him outside pero nung nakalabas na ako ng sinehan iba ang nadatnan ko. She's with someone else. Naka-ngiting nag-uusap."

"Talaga naman. And then?"

"Lalapit na sana ako sakanila pero may tumakip sakin sa mata. We talk for a couple of minutes." Yan yung time na inis na inis ako sa kausap niya.

"Sino yung tumakip sa mata mo?"  she asked.

"Sino pa ba? Edi si Rain," sabi ko.

"Kyahhhhhh!!!!!! Ikaw na talaga gel. Kinikilig ako sayo. And then?"

"To make it short, nainis ako sa kausap niyang babae. So what I did, I used Rain for him to get jealous. Pero I didn't mean to hurt his feeling," I explained.

"Ayan kasi girl. Medyo bad girl ka rin eh. Ginamit mo ang isa at sinaktan mo ang isa. Tsk. Pero ha. Rapunzel ang dating mo. Haba ng hair mo ah."

"Pero hindi naman talaga nanliligaw si Rain. Nangamusta lang. Si Chriss naman hindi ko naman sinasadya na magselos siya." That's true.

"Okay. Okay. So napag-usapan niyo na ba ni Chriss yan?"

"Yeah. After nung sagutan namin nung araw na yun. Yung sa babae naman, it was Mr. Tan's secretary kaya wala raw ako dapat ipag-alala. After nun, he didn't bother to talk to me anymore." Guilt form inside me.

"Kasalanan mo pala eh. Edi dapat ikaw ang umayos niyan. Naku gel ha! Hindi ka pinalaki ni tita na ganyan. Ayusin mo yan."

"But how can I fix it? Ni hindi nga niya ako kinakausap eh." Sabi ko. I don't know but I feel like my tears will fall.

"Do you love him?" she asked that makes my two eyes widened.

"Alam mo naman ang sagot ko di ba?"

"Edi ayun. Ligawan mo siya!"

"Ligawan? Hindi ba dapat lalaki ang manliligaw?" Ang panget kasi tignan na babae ang nanliligaw sa lalaki.

"Gel we are in 21st century. Wala na tayong makaluma. Modern na oh. Hindi naman masama. At isa pa gagawin mo nga di ba ang lahat para sa taong mahal mo?"

Sabagay. She's right. She have a point. We are now in modern days so nothing to ashame about it.

"Fine. I'll do it. Thank you, Jade." Sabi ko.

"Welcome. Basta andito lang ako. Gel, I think I need to go. May aasikasuhin pa ako eh."

"Ganon ba? Sige. Salamat ulit. Bye," paalam ko.

"Bye."  she said and hung up the phone.

Nalinawagan ako. But it still hurts knowing that the one you love is acting cold on you.

Nag-ayos muna ako ng sarili ko sa comfort room. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle. Narinig ko kasi ang dalawang babae na nag-uusap. Tungkol ito kay Sir Chriss.

"Alam mo sis, ang pogi talaga ni Sir Chriss nun? Ang swerte naman ng babaeng kasama niya kanina," -girl 1.

"Gwapo na hot pa. Rawr! Ang swerte talaga niya," -girl 2.

"Tara na nga. Marami pa tayong tra-trabahuhin," -girl 3.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit biglang umusbong ang pagkarami-raming tinik sa dibdib ko?

Dahil sa narinig ko, dali-dali akong umakyat sa office ni Sir Chriss. Kakatok na sana ako ng bigla akong may narinig na boses babae sa loob ng opisina

"Grabe ka sakin Yoo," sabi ng babae.

"Hahahaha. Don't do that. Nakikiliti ako," boses ni Sir Chriss.

Ano to? Gumagawa ba sila ng milagro sa loob? Hindi ko kaya ang mga naririnig ko. Bakit ganon? Masaya siya sa piling ng iba pero sakin puro cold treatment lang ang binibigay niya.

Bumalik na lang ako sa desk ko. Narinig kong nagbukas ang pintuan ng President's Office. Nag-angat ako ng ulo.

Unang lumabas ang babae niya. Tama nga ang bulong bulungan nila na maganda ang babae. Kasunod nito si Sir Chriss na hanggang ngayon ay naka-ngiti siya. Ang lapad ng ngiti niya sa babae pero sakin hindi man lang niya magawa.

Tinignan niya lang ako at pagkatapos nun umalis na silang naka-holding hands.

Ito na ba ang parusa niya sa pangseselos na ginawa ko? Inaamin ko, nagseselos ako sa kasama niyang babae pero mas masakit sakin na parang balewala lang ako sakanya. Ang cold cold niya sakin na parang yelo.

Behind the SecretWhere stories live. Discover now