Iwas

14.6K 218 2
                                    

|| Bea ||

Hindi ko na kaya. Kailangan kong umiwas. Dahil kung hindi, mas mafafall pa ako kay Jho.

"Bei, partners tayo?" Tanong ni Jho.

"Si Jia na partner ko." Sabi ko ng emotionless.

"A, ganon ba? Bukas nalang?" Sabi ni Jho.

"Try ko." Sabi ko tapos nagservice.

Natapos ang training, as in dedma. Hindi ko siya kinakausap. Kapag nagsasalita siya, tinatanguan ko lang siya. Nakokonsensya na nga ako, e.

"Ate Ly, samahan mo 'ko, please? Sama natin si Ate Den." Sabi ko.

"Sigeeee." Sabi ni Ate Ly, "Babe, sama tayo kay Bea. Nagpapasama, e."

"Sure, babe." Sabi ni Ate Den.

"Car ko na gagamitin, Ate Ly, Ate Den, a." Sabi ko. Tumango naman sila.

Habang nag-aayos ng buhok si Ate Den, binack hug siya ni Ate Ly.

"PDA." Sabi ko at bahagyang tumawa.

"Sus! Inggit ka lang, e. Diba, babe?" Sabi ni Ate Ly.

Pero, real talk. Nakakainggit lang talaga.

"Oo nga! Bakit hindi ka nalang umamin kay Jho?" Sabi ni Ate Den at inayos ang mga gamit sa gym bag niya.

"Hindi kasi ganon kadali yun. A, basta! Alis na nga tayo!" Sabi ko. Sumunod sila tapos sumakay na kami sa kotse ko. Pagdating namin si milk tea cafe/shop, umorder na ako.

"Ano sa'yo, Ma'am Bea?" Sabi nung nasa counter. Si Ate Janelle.

"The usual." Sabi ko kay Ate Janelle. Dito kami pumupunta ni Jho every after trai-- ikaw Bea, a. Iwas tapos iisipin mo siya?

"Lemon and wintermelon chillers. That'd be--" Pinutol ko yung sinabi niya.

"Ay, Ate Janelle, walang wintermelon." Sabi ko at ngumiti.

"A, sige po. Bale, 136 pesos po yung lemon chiller niyo." Sabi ni Ate Janelle. Ngumiti naman ako.

"Kayo, Ate Den? Ate Ly? Libre ko." Tanong ko.

"Wintermelon lang yung akin. Thank you." Sabi ni Ate Den.

"Lychee lang, Bei. Thank youuu." Sabi ni Ate Ly.

"Ate, padagdag nalang ako ng Wintermelon and Lychee sa order ko. Thank you." Sabi ko kay Ate Janelle.

"Bale, 417 pesos na lahat, Ma'am." Sabi ni Ate Janelle. Nagbayad ako ng 500 pesos.

Umupo kami at hinintay ang mga orders. Si Ate Ly, nag-open up ng topic.

"Bakit ba talaga ayaw mo nalang aminin kay Jho?" Tanong niya.

"Natatakot kasi ako na baka pag umamin ako, mawala pa yung friendship namin. Ayokong mawala ang pinakamamahal ko sa buhay ko. Kaya okay lang sa 'kin na hindi ko masabi yung nararamdaman ko para sa kanya. Okay lang na hanggang magkaibigan lang kami. Kasi mas gugustuhin ko pang piliin kung saan man kami magtatagal kesa mawala yung friendship namin." Mahabang sabi ko.

"Pang miss universe 'yung sagot mo, Isabel Beatriz, a." Sabi ni Ate Den at tumawa.

Dumating na yung orders at nag-usap lang kaming tatlo.

After, hinatid ko na sila at umuwi na ako.

Napaluha ako ng maisip ko na hanggang best friend niya lang ako. Ang sakit nga nung inamin niya sa 'kin na may gusto siya kay Ged.

---------- Flashback ----------

"Uy, Bei, may secret ako na sasabihin sa'yo." Sabi ni Jho sa akin.

My Best Friend, My Love (JhoBea FanFic)Where stories live. Discover now