Chapter 31 PART 1

4.2K 60 12
                                    

Jhoana Louisse

Natapos sina Bea sa giant swing at ako pari’y nakaupo sa damuhan. Pinunasan ko ng dahan dahan ang aking mga luha, at nagkunwaring okay sa mata nina Bea.

"Jho, ba’t di ka sumabay sa ‘min sa giant swing?" Tanong ni Jia at umupo sa tabi ko, si Bea naman ay bumili ng tubig. "Yiii, apektado ka, ano?" Sabay bahagyang tulak.

"Ano ba, Jia. Nabigla lang ako sa sin — sa itsura ng nature rito. Ikaw kasi, di mo sinabing nirenovate na pala 'to! 'Di ko tuloy nadala yung cam ko." Pag-iiba ko. Pero sa totoo lang, Jia. Oo, apektado 'ko.

"Hay nako, Maraguinot. 'Di mo naman sinagot tanong ko, e." Sabi ni Jia at dumating na si Bea na may hawak na dalawang tubig. 'Yung isa, binuksan at ininuman na niya. 'Yung isa naman, iniabot niya kay Jia. Bait mo talaga, Bea, kainis. "Thanks, Bey! Kaso.. may dala naman na ako, e. Kay Jho nalang 'to." Sabi ni Jia. Tinignan naman ako ni Bea sa mata, oh those eyes, at saka ibinalik ang tingin kay Jia at tumango.

"But next time, Ji, tell me. Para di nasasayang 'yung pera ko." Sabi ni Bea at tumabi kay Jia. Napabuntong hininga naman si Jia bago sumagot.

"Ano ka ba, Bea. Di naman nasayang pera mo, e. Kaya ko nga binigay ka Jho diba para di masayang? Saka, anong sayang pera ka diyan? Napakagalante mo kayang babae!" Sabi ni Jia at bahagyang itinulak ang ulo ni Bea.

"So, ano. Uupo nalang tayo dito? Tara, rides!" Sabi ko nalang. Tatayo na sana ako ng mahulog ang shades ko. Pupulutin ko na sana nang may nakita akong mga paa na pinulot ang shades ko. Hoy! 7,500 peso shades 'yan! Tuluyan akong tumayo.

"Miss, here's your shades." Sabi niya at iniabot ang shades ko. "Tots." At inilahad ang kamay.

Kinuha ko ang shades ko, "Thank you, Tots, a. I'm Jho." at nakipag shake hands.

"Love, tara na. 'Di ba sabi ni Tita Lovel na dapat maaga tayong umuwi para sa dinner? Sulitin natin 'to." Nagulat ako nang nagsalita si Bea. Kumunot naman ang kilay ni Tots.

"A... oo. Sige, Tots, una muna kami. It was nice meeting you!" Sabi ko at nginitian siya. Ngumiti naman siya pabalik at hinila ko na si Bea.

"Ano ba, Jho?! Can you stop touching me!" Sabi ni Bea ng nakalayo kami kay Tots.

"Ano? Kasalanan ko? Ikaw, ba't ka naman sumingit sa usapan namin?!" Galit na sabi ko.

"Ano ba kasing gusto mo, ha, Jho?! Kung makikipaglandian ka lang din naman, di ka na sana sumama!" What?! She's unbelieveable!

"Ako? Nakikipaglandian?! Manahimik ka nga, de Leon! Bawal na ba'ng makipagkaibigan ngayon?! Ano ba, babae rin siya! At wala akong maling nakikita sa pakikipagkaibigan sakanya, dahil di siya tulad mo! Di siya tulad mo na mababa ang tingin sa 'kin!" Pang iinsulto ko kay Bea.

"What?! You barely even know her! At ikaw, Maraguinot, do you even think you have the right to insult me?!" Sabi niya.

"Baka nakakalimutan mo, de Leon. Kung anong pang-iinsultong sinabi mo tungkol sa 'kin! Malandi? Bea, ‘yan na ba talaga ang tingin mo sa best friend mo?" At may traydor na luhang tumulo. Kalma, Jho.. Sabi ko sa sarili ko.

"Ano kamo? Best friend? Masyado naman yatang mataas tingin mo sa pagkakaibigan natin, Jho! Baka nakakalimutan mo'ng pinutol ko 'yon dahil manhid ka! Napaka manhid mo.
Best friend, pero di mo naman alam kung anong mga nararamdaman ko noon." Sabi niya.

"Kung ganon, Bea, napakataas naman ng tingin mo sa sarili mo —" 'Di ko na natapos kung ano man ang dapat kong sabihin dahil tinalikuran na niya  ako at pumunta ng exit.

My Best Friend, My Love (JhoBea FanFic)Where stories live. Discover now