Waited

5.5K 103 3
                                    

|| Bea ||

Pag gising ko, puting dingding ang sumalubong sa 'kin. Hospital dress, dextrose and oxygen, wow. Lumingon ako sa kanan, nandun si Wong, Mich, Jia, Maddie at Ate Ly with Ate Den. Tulog sila pareho.

Sa kaliwa naman, nandun si Mommy Det, Daddy at Kuya. Tulog rin. Teka, anong oras na ba't tulog silang lahat?!

Naghanap ako ng wall clock, at nakita ko na. 3:22 pa pala!! Shit! Mommy!!! Takot akooo!!

Nagising si Mommy, at nakita niyang nakadilat ang mata ko, "Mommy," sabi ko't lumapit siya.

Hinawakan niya ang magkabila 'kong pisngi at napaluha siya, "Anak, good thing you're okay now. Let me call on the doctor anak, ha. So they could check on you." Sabi ni Mommy't hinalikan ako sa noo.

"Yes, Mommy." Sabi ko, at lumabas na si Mommy para tumawag ng doctor.

"Doc, gising na ang inaanak mo." Sabi ni Mommy. Ginising niya si Daddy at si Kuya, 'yung team mates ko, ayon. Tulog padin.

"Det, you don't have to worry anymore. Beatriz is fine now. She just needs to stay muna here sa hospital, so that she could build her strength here and so that she'll completely be okay pag uwi niya." Sabi ni Doctor Grace.

"Anak, we'll have to go ahead muna, a? Babalik kami later. Basta, antayin mo lang ako." Sabi ni Mommy. Tumango lang ako sa kanya.

So, ayon. Umalis na sila. As in, si Mommy, Daddy and Kuya. Hindi ako  makakatulog, huhu.

Buti, nagising si Wong. Humikab muna siya't nagstretching ng mabilis. Lumaki mata niya 'nong nakita niya 'ko.

"Pre," Napangiti ako sa tawag ni Wong. Kumuha siya ng upuan at lumapit sa bed ko.

"Gago!" Mahinang bulong ko, umaksyon siyang mananapak pero biglang binaba ang kamay.

"Kakasakit mo lang pala, baka madagdagan pa ^__^" Sabi ni Wong.

"Gago, 'di ka bagay magpacute. -__- Kamusta kayo ni Maddie?" Tanong ko.

"Ulol ka ba? E, akala mo naman ilang araw ka nawala't ganyan mga tanong mo. Isang araw ka lang tulog, ulol." Sabi niya.

"Hoy, Wong, kung 'di lang ako nakahiga't may dextrose, e malamang nabatukan na kita." Biro ko.

"Okay lang, pareho parin naman. Sya nga pala, dadalaw daw si Coach Tai mamayang hapon. Or, even after training daw." Woah, ayoko!!

"Kailan nga ulit opening ng UAAP?" Tanong ko, gusto 'kong maglaro sa first game, 'no!

"Next next week pa naman, before the ball." Oww, makakaabot si BDL.

"Yes, aabot pa 'ko." Sabi ko.

"Sus, BDL, as if  ifi-first six ka naman, e." Biro ni Wong, tumawa naman ako ng may pagkasarkastiko. I MEAN SOBRANG SARKASTIKO.

"HA. HA. HA. HA. HA." Sabi ko, "Wong, may pagkain ba? Nagugutom na 'ko."

"Sige, bibili muna ako. Gusto mo gisingin ko na si Jia? May kasalanan 'yan sa 'kin, kaya okay lang." Tumango nalang ako sa sinabi ni Wong.

Syempre, 'no. Ayokong maiwan mag isa dito sa room, well 'di mag isa. May kasama pero tulog. -____-

Ayon, nagising na si Jia, "BDLLLLL! Namiss ka na namin!" Ani Jia.

"Miss mo 'ko? Baka si Miguel lang naman 'yong namimiss mo. Kailan ba balik no'n at ako napapagdiskitahan mo?" Biro ko.

"Ba't naman nasali si Miguel sa usapan?" Sabi ni Jia, "Ayon, may tampuhan." Pagcoconclude ko.

My Best Friend, My Love (JhoBea FanFic)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang