Chapter 32

3.6K 60 29
                                    



Deanna

"O, Jho? Bakit ka ba umiiyak?" I asked. Pagpasok ko pa lang kasi ng dorm, ay nakita ko na agad si Jho na nakatakip ng kanyang mukha habang umiiyak.

"Wala 'to, Dee." Sabi niya at pinunasan ang mga luha niya. "May kailangan ka ba?"

"Dahil ba 'yan kay Nico? Nag away ba kayo? Andito lang ako, Jho." I said at tumabi sakanya.

Niyakap niya ako ng mahigpit, at umiyak siya. "Nag away kami ni Bea." Tangina. At mas lalong lumakas ang mga hagulgol niya pagkatapos niyang sabihin ang pangalan ni Bea.

Di ko na itinanong kung anong nangyari, dahil alam kong iiyak siya lalo pag ginawa ko pa. Nakayakap parin siya sakin.

"Shh, okay lang 'yan. Magiging okay rin kayo." Bumitaw siya sa kanyang yakap at hinarap ako.

"Kailan pa?"

"Jho, matalik akong kaibigan ni Bea pero sorry, hindi ko masasagot 'yan. Nakikita naman namin sa mga mata niyo na gusto niyo nang magkaayos, e. Pero alam mo naman, si Bea, nagkafeelings 'yon sa'yo noon. Kaya siguro nahihirapan lang siya ngayon kasi.. May Nico ka." At oo, Jho. Mahal na mahal ka pa niya.

Nakita kong pababa si Maddie, at nakita kami ni Jho. Napansin niya rin ata na umiiyak. "Hi, babe." Bati niya sa 'kin. "Jho, anong nangyari? Ba't ka umiiyak?" Tanong niya.

"Nag away kasi sila ni Bea." Sagot ko.

"A, okay. Babalik na 'ko sa kuwarto ko, babe, ha. Ikaw na bahala kay Jho. Jho, matutulog na ako. Magiging okay rin ang lahat." Tinanguan ko nalang si Maddie.

"Dee, gusto kong magkaayos na kami ni Bea. Hindi ko kaya itong ganito kami. Ang dami naming pinagsamahan bilang mag bestfriends noon, I don't want it to go to waste." Sabi ni Jho.

"Jho, 'yan yung problema, e. Ikaw nakikita mo siya as a bestfriend, and Bea? She wants something more than that but she settled for the kind of treatment you gave her before kasi she knew na that was what you could offer lang, because Ged and Nico happened." I said. "Jho, tingin ka sa mata niya. Kung nakikita mong meron pa, meron pa 'yan. Kasi ako, Jho? Nakikita ko sa mga mata mo na mahal mo rin si Bea. And you know what? She.." I wasn't able to finish what I was supposed to say dahil may tumatawag sa phone ko.

Calling... Tita Det

"Hello, Tita? May kailangan po ba kayo?"

"Deanna, I have to tell you something."

"Ano po 'yon?"

"Bea got into a car accident. Nasa ** ***** Hospital siya ngayon. Pwede bang mauna ka muna roon? Wala na kasi kaming makuhang flight papuntang Manila sa ganitong oras..."

"What? Car accident? Sige po, Tita. Papunta na po ako."

Tita Det was crying. Bakit ba kasi naaksidente si Bea?

"Dee, who was that?" Tanong ni Jho. She looked serious dahil nabanggit ko iyong car accident.

"Si Bea kasi Jho, e. She got into a car accident. Sorry, kailangan ko talaga siyang puntahan ngayon." I said and got my car keys.

"What!? Bea!? Sasama ako!" I just nodded then we were both running towards my car. I started the car right away and drove. "Asan ba si Tita Det?" Tanong ni Jho.

"Bea's parents aren't in Manila right now, e." I was driving really fast, hanggang sa nakarating kami sa hospital.

"Nurse, Isabel Beatriz de Leon po.." Jho asked then the Nurse checked her list. Nakikita ko sa mga mata ni Jho ang matinding pag-aalala.

Sabi ng Nurse na chinecheck pa raw ang katawan ni Bea, pero pwede na kaming maghintay sa kwarto niya.

Nasa elevator kami paakyat ng 3rd floor at umiiyak nanaman si Jho. Naglalakad na kami papunta sa room 1415 nang may tumawag kay Jho.

"By.. Nasa hospital ako ngayon. Na aksidente si Bea. Baby, please, intindihin mo muna 'to.."

"By, wag ka namang ganyan! Oo, napag-usapan na pero.."

"Nico naman, e..."

"By.."

Tumindi ang pag iyak ni Jho noong binaba niya ang telepono niya at inilagay iyon sa bulsa niya.

Jhoana

I could feel my chest na sumisikip sa bawat pag hagulgol ko. Bakit ba kasi nangyari pa kay Bea? Tangina naman, e.

Calling.. Nico

"By! Asan ka ba!? Kanina pa ako nagtetext, di ka naman sumasagot!"

"By.. Nasa hospital ako ngayon. Na aksidente si Bea. Baby, please, intindihin mo muna 'to.."

"Tangina! Bea nanaman!? Akala ko ba Jhoana napag-usapan na natin 'to?! Di ba sabi ko sayo, layuan mo na! Iwasan mo! At, yung totoo!!?? Na aksidente ba talaga o gusto mo lang makasama!!?!?"

"By, wag ka namang ganyan! Oo, napag-usapan na pero.."

"Napag-usapan pero 'di ka sumusunod! Ano pa ba'ng gusto mo, ha!? Hindi ba halata sa'yo na gusto ka parin nung gagong 'yon!? Alam mo ba'ng kaya niya tayong sirain!? Di ka ba nag-iisip, ha, Jhoana?!!"

"Nico naman, e..."

"Ano!? Di ba sinabi kong layuan mo na!?! Pero ano, di mo ginawa diba!?! Ewan ko sayo, Jhoana! Ewan ko sayo!"

"By.."

"Bahala ka na sa buhay mo! Tanginang Bea!"

Binaba niya ang tawag at napaiyak ako lalo. Alam ko namang gusto niya lang ako protektahan, pero sobra na kasi, e. Di man lang inisip na naaksidente si Bea.

Pumasok kami sa kuwarto, at tama lang na andun na ang doctor at si Bea. "Hi, you're Bea's friends? I'm Dr. Grace Castillo, their family's doctor. Well, I will be honest with you. Bea is not well. She has some minor and major fractures. Nag konting internal bleeding rin siya, pero naagapan naman, sa awa ng Diyos. Maiwan ko muna kayo."

Umiyak ako, at umupo sa tabi ng kama ni Bea. Ang dami niyang sugat. Bakit ba 'to nangyari sakanya?

Hinawakan ko ang mga kamay niya at hinalikan ito. "Bea.. Pagaling ka na, please. Mahal na mahal kita.. Mahal mo parin kaya ako?" Tanong ko. Sumagot naman si Deanna.


















"Tangina, sobra."












This time, Bea. Ipaglalaban na kita. Hanggang sa dulo.

My Best Friend, My Love (JhoBea FanFic)Where stories live. Discover now