Tagaytay & Pain

6K 95 1
                                    

|| Bea ||

Lumabas kami ng supermarket, and, di ako napansin ni Kianna.

Roadtrip, it is!




***

Nasa car na kami ni Thirdy, nag uusap usap lang. Pero, parang nakaramdam ako ng antok. Kaya, natulog muna ako. Malayo pa naman, e. Zzz.

***

"Bea? Gising na, nandito na tayo." Gising sa 'kin ni Thirdy.

Ngumiti lang ako at bumaba ng kotse.

Woah, ang ganda. Nakaupo kami sa may grass, makikita mo yung Mt. Taal. Tapos, pasunset pa.

"Thank you, Bea." Sabi ni Thirdy. Humangin naman sabay tinignan ko siya.

"Thank you? For what?" Sabi ko.

"Kasi ikaw 'yung nagturo sa 'kin ano ang ibig sabihin ng love." Sagot niya.

"Love? Thirds, ni ako nga 'di ko pa yata alam ano 'yan." Sabi ko.

Oo, di ko alam anong meaning ng love. I have clues, I know what it's for. Pero, 'yung totoong meaning? Hindi pa siguro.

"Siguro, nung una, Bei. Di 'ko alam. Pero, unti unti. Tinuruan mo 'ko, without you even knowing. Ano nga ba ang love? Nung nang aaway ka sa Poveda't nadamay ako, di ko kinaya magalit. Nung 'di ka nakagawa ng project ni Ms. Santiago, binigay ko 'yung project ko sa'yo. In short, ang love, parang mas inuuna mo pa 'yung minamahal mo sa sarili mo. Di bale, masaktan, mapagalitan ka. Kung para naman 'yun sa mahal mo, kakayanin mo." Napaluha ako sa sinabi niya.

"Thirds, ganon rin ba pag may iba siyang mahal? Do you really need to let go?" Tanong ko. Dahan dahang tumango si Thirdy.

Niyakap ko siya, ang sakit sakit nagmahal. Lalo na kapag 'yung pinakamamahal mo, may minamahal na iba.

"Thirds, ang sakit. *sob* Ang sakit sakit sakit. Bakit ba, lahat ng mahal ko, ginagago ako? *sob* Bakit akala ko may something 'yung mga aksyon *sob* ni Jho? *sob* Mahal na mahal ko siya, Thirds. *sob* Mahal na mahal na mahal na hindi ko-- *sob* Hindi ko siya kayang *sob* pakawalan.  *sob* Lalo na, hindi kami pareho ng nararamdaman." Sabi ko kay Thirdy habang nakayakap sa kanya.

"Hindi pareho? Bea, alam mo ba anong pinagsasasabi mo? Di mo ba nakikita kung paano ka niya tignan nung kinausap mo ako? Di mo ba nakikita kung paano siya gumawa ng adjustments para sa'yo?" Nagtataka ako sa mga sinasabi ni Thirdy, malamang. Best friend ako nun, e.

"Kay Ged na 'yun, di mo ba alam?" I said then I laughed bitterly.

"Bea? Would you mind if I ask you something?" Tanong ni Thirdy.

"Yeah, sure. What is it?" Baka drama 'to, a? Bagay pa naman, medyo mahangin at tinatangay nito ang aking buhok.

"Bakit 'di mo ako nagawang bigyan ng chance?" Tanong niya. Oo nga, pangdrama.

Tumayo ako, nakatayo na kasi siya no'ng nagtanong siya. Bumuntong hininga ako.

"Hindi siguro kita nagawang bigyan ng chance, siguro kasi natakot ako. Iniwan na ako no'n ni Kianna. Hindi siguro ako naging handa masaktan ulit, hindi rin siguro ako naging handa magtake ng risk. Napakaselfish ko kasi, e. 'Yung mas iniisip ko pa 'yung sarili ko. Na nasasabi ko, 'Kung sasagutin ko si Ravena, di naman ako magiging masaya, e.' Natakot siguro ako na masaktan ka, o hindi man ganon." Mahabang sabi ko.

"I think I deserve the chance, don't I?" At 'dun na, napaluha na ako.

"Oh God, yes. You do deserve the chance, but you don't deserve me. You deserve someone better." Napaluhang sabi ko.

At sa di ko inaasahan, may tumulong luha sa mata ng isang Thirdy Ravena.

"Bea," Hindi na niya naituloy ang sinabi niya dahil di na siya makapagsalita.

Niyakap ko siya, tapos may sinabi ako, "Sorry, kung hanggang ngayon hindi ko maibigay 'yung chance na hinihingi mo, na alam 'kong deserve mo."

"Pipilitin 'kong intindihin, kahit hindi 'ko kaya." Ani Thirdy.

"Gusto ko, gustong gustong gusto ko na bigyan ka ng chance. Pero, hindi ka naman magiging masaya sa 'kin, e." Sabi ko't pinunasan ang aking mga luha.

"Bea, please." Pamimilit ni Thirdy.

"Please, Thirdy, just for once. Hayaan mo ako, na once in my life man lang, alam ko sa sarili ko na hindi ako naging selfish." Sabi ko. Hindi ba titigil 'tong mga luha ko?

Wala nang nasabi si Thirdy, kaya niyakap ko nalang siya ng mahigpit. At tumagal 'yong yakap na 'yon ng mga isang minuto.

Hinalikan ni Thirdy ang buhok ko at hinawakan ang magkabila 'kong pisngi, "Andito lang ako lagi, pangako ko 'yan." Sabi niya.

Tumango nalang ako, at sabay tuluyang lumubog ang araw. Sa hangin, tanging hagulgol ko na lang yata ang naririnig ko.

Shit, naaalala ko si Jho. 'Yong mga panahon na mahilig kami pumunta kung saan saan. I miss you, Jho. Kung alam mo lang.

"A, sige, Bei. Punta muna ako sa comfort room." Ani Thirdy. Tinanguan ko nalang siya at ibinalik ang tingin sa nakalubog na araw.

"Jho? Sana 'di ka nalang dumating sa buhay ko. You're the best thing that ever happened to me but right now, why does it seem like you're the worst thing that made my life like this? Fvcked up. Alam mo, Jho, kahit ganon, mahal na mahal parin kita. Sana, mabigyan ko si Thirdy ng pagkakataon, ano? Kaso, nandiyan ka, e. Ikaw na may ari ng puso ko, e. Kahit alam 'kong may Ged ka na, kahit alam 'kong masaya ka na sa piling ng iba. Ganon nga ba talaga? Ikaw, masaya na sa Gerard mo. Ako, hinihintay na magkachance sa'yo. Si Thirdy naman, naghihintay na magkachance sa 'kin. Tama ba naman 'yon? Ikaw, masaya. Kami, nagdurusa." I said then laughed bitterly, with tears falling down.

Pabalik na si Thirdy, at nagpasyahan ko nang umuwi. Sasabihan ko na lang siya. Hindi muna ako sa dorm, 'dun muna 'ko kina Mommy. Papalipasin 'ko lang muna 'to.

Habang patayo na ako, unti unting sumisikip ang dibdib ko.


At sa bawat paglapit ko kay Thirdy, naninilim ang paningin ko.











Then everything went black.






Author's Note:
JhoBea fans! Eto na ang pinakahihintay ninyoooo! 8-1 na dis haha. Sorry medyo lame. Sorry late updateee. Since tapos na pasok namin, madalas na akong makakaupdate. Well, if sisipagin lang ako haha. Thank you for reading til the end! Lovelots,

- jxxjb1415

READ

VOTE

COMMENT

My Best Friend, My Love (JhoBea FanFic)Where stories live. Discover now