Chapter 31 (2)

3K 43 4
                                    

Isabel Beatriz

Nag lakad ako papalayo kay Jho, at dumiretso sa exit. I got my phone from my bag at tinawagan ang driver para ipasundo na ako rito. Then I texted Jia.

To: Jia Morado

Hey, Ji! I went ahead of you na, something came up. I hope you enjoyed. I'll make bawi soon, jujubear. Lavya! 😘

Then the driver arrived. I wanted to go somewhere away na hindi ko maaalala si Jho. "Manong, sa firing place ni Dad." Sabi ko. Medyo malapit lang naman rito 'yung firing place, kaya I used my phone. I opened my instagram account, then I saw a picture tagged kay Jho.

@nicsevang: Imysm b! I can't wait to see you again. Ily @JhoanaLouisse

Gago. I thought to myself. Ugh! Ba't ka ba nabibitter, Bea? Gago ka ba?

What if you never left? A question my mind suddenly asked. What if nga, 'no? But I'm a stupid asshole who never chose to fight for her feelings. Mas gago ka pala, e.

"Ma'am, andito na ho tayo." Sabi ni Manong. "Salamat po, a. Tatawag nalang po 'ko pag tapos na 'ko." Pasasalamat ko saka tuluyang bumaba sa kotse. Kilala na ako ng mga tao rito.

"Ma'am Bea, naparaan po kayo?" Tanong ni Kuya Roger. Siya 'yong in charge rito sa firing place ni Dad. 13 pa lang ako ay pinilit ko nang magpaturo ng firing. "A, oho. Magfifiring po muna ako. Sabihin niyo lang ho si Mang George kung may gusto kayong ipabili." Sabi ko at sinuot ang gears saka pumili ng baril.

---

Uuwi na sana 'ko, pero naisipan ko na dalawin muna ang puntod ni Kianna. Nang dumating ako, nagsindi muna 'ko ng kandila at saka umupo.

"Hi, baby." I sighed as I looked at her name. "Miss na miss na kita. Bumalik ka nalang dito, please?"

I said and tears were starting to form. "Kianna, sobrang sakit nanaman." Then my tears started to fall. "Kahit ilang beses ko kasi sabihin sa sarili ko na tama na dahil nagmumukha na 'kong tanga, pagkatapos ng araw bumabalik parin naman ako sakanya, e. I hate the fact that I can't do anything about coming back to her every time." I said then cold wind started to blow, as if it was her hugging me.

"Ba't di nalang kasi ikaw 'yong pinili ko? Sana sinabi mo nalang sa 'kin na may sakit ka. Sana hinintay kitang makabalik. Pero wala na, pagbalik mo may iba na 'kong prinsesa. Ang hirap, e. What am I going to do if I really love her. But shit happened, my Queen is in another palace, and I don't think she's coming back. She looks happy. But I'm hurt, but it's okay. I'm happy to be in pain as long as I know that she's happier than me." Sabi ko at nagdasal bago tumayo at umalis.

Bumalik ako sa dorm, tapos nakita ko si Wong. "Gago, tara inom." Aya ko. Tinignan naman niya ako, at ibinalik ang tingin sa laptop.

"Ano? Ayaw mo?" Tanong ko at isinandal ang katawan ko sa may cabinet niya.

"Inom nanaman, Bey? Wala ka na bang ibang magawa kundi idaan sa inom 'yang problema mo?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Wong.

"Ha? Kailangan ba talagang may problema ako para lang uminom? Gago, tara na." Napabuntong hininga si Wong.

"Nako, sinasabi ko sa'yo, de Leon. Kapag itong liver ko naapektuhan ng inom na 'yang, sagot mo 'ko."

"Well, yeah. Whatever. Tara na!" Sabi ko at lumabas na ng kwarto niya. Daming alam, e. Dami dami pang sinasabi, alam ko namang gusto rin uminom.

---

"Bey, di ka pa ba nalalasing?" Tipsy Wong asked. Kanina pa kami andito sa bar, di ko siya kinakausap. Nakatitig lamang ako sa basong may inumin.

"Kinda. Gusto mo nang umalis?" I asked and she nodded. I payed the bill and sumakay na kami sa kotse ko. "Punta tayong Tagaytay." Sabi ko.

"Ha? Gago ka ba?" I nodded.

"Yes, Deanna. Gago ako. Ako na bahala kay Maddie, sa kung anong rason ang ibibigay ko sakanya kung bakit di ka nakauwi." Sabi ko at nag drive.

"Ulol. Tagaytay ka mag isa mo!" She said.

"Sige, ihahatid nalang kita sa dorm." I surrendered.

"Beatriz, di ka pa ba napapagod?" Tanong niya habang nakasandal sa kanyang upuan at nakapikit.

"Napapagod? Saan?"

"Sa pagmamahal kay Jho. Di mo naman maidedeny, e. Nakikita ko naman sa mga mata mo." She said.

"Kung alam mo lang kung gaano na ako kapagod, Wong. Oo, nasasaktan ako everytime I see her with Nico. Pero what can I do? She's happy with him, tangina, anong laban ko do'n? I'm super tired na masaktan just because pinapabayaan ko siyang masaya with Nico.. Ano ba naman kasing laban ng bestfriend sa boyfriend niya for 5 years na, diba?" I said as my car stopped. "Thanks for tonight, Wong."

"Thank you rin, Bey. Ingat ka papuntang Tagaytay." I just nodded at her then waited na makapasok siya sa dorm, then I started driving.

The traffic sign showed the stop sign, so I unlocked my phone muna and went to my Photos. May isang album do'n na puno ng pictures and videos namin ni Jho.

"Tangina, miss na kita."

And I found myself crying all over again. Sa parehong rason.

My vision got blurry because of my tears, di ko na napansin na the traffic light turned green. A sign na pwede na 'kong lumiko.

Halos wala na akong makita dahil sa luha kong patuloy na umaagos.

I turned right.














And the last thing I heard was a truck's horn.

---
















"Mrs. de Leon? Your daughter Isabel Beatriz is here now sa ** ***** Hospital because of a car accident. Pakipuntahan nalang po, asap. Thank you."

My Best Friend, My Love (JhoBea FanFic)Where stories live. Discover now