B1C3

2.2K 146 0
                                    

Book 1, Chapter 3 – The Dragonblood Warrior Clan (part two)

"Ang Dragonblood Warrior Clan?!" Pakiramdam ni Linley ay may lumilipad na mga bubuyog sa kanyang tainga.
(Fudge! Ano bang tagalog ng 'buzzing sound'?)

Sa mga mata ni Linley, ang kanyang angkan ay simpleng sinaunang angkan lang na unti-unting naghihirap. Paanong naging kadugo nila ang maalamat na Dragonblood Warrior?

"Hindi ka naniniwala sa akin?" Makikitaan ng kaarogantehan ang mukha ni Hogg. "Linley, umakyat ka at tingnan mo nang malapitan ang mga spirit tablets. Ngayong marunong ka ng magbasa ay mabasa mo na ang mga nakasulat doon. Sa likod ng bawat spirit tablet ay ang talambuhay ng mga sumakabilang buhay na mga ninuno natin. Ang tatlong spirit tablets sa pinakataas, ay sa tatlong Dragonblood Warriors!"

Hinawakan ni Hogg ang kamay ni Linley. "Halika."

Iginiya ni Hogg si Linley sa likod ng mga spirit tablets. Binuhat nito si Linley at itinaas, "tingnan mong mabuti ang mga nakasulat sa likod." Sabi ni Hogg.

Idinilat ni Linley ng tudo ang mga mata at nagsimulang magbasa.

Malalim at maayos ang mga letrang nakaukit sa spirit tablets na nasa pinakataas. Nakakamangha ang may limang libong taon nang nakaukit na talambuhay ng kanyang mga ninuno.

"Baruch, ang pinakaunang Dragonblood Warrior sa kontinente ng Yulan. Sa taong 4560 ng Yulan calendar, sa labas ng pader sa siyudad ng Linnan, Si Baruch ay nakikipaglaban sa isang Black Dragon, ang Titanic Frost Wyrm. Sa huli, napatay nitong pareho ang Titanic Frost Wyrm at ang Black Dragon, na siyang dahilan kaya lumaganap ang kasikatan nito sa buong mundo. Sa taong 4579 ng Yulan calendar, sa tabing dagat sa hilagang bahagi ng karagatan sa kontinente ay nakikipaglaban si Baruch sa Nine-Headed Serpent Emperor. Sa araw ding iyon, ang mga alun ay walang tigil sa paghampas at gumiba sa mga nalalapit na mga siyudad, pero pagkatapos ng labanan na umabot ng isang buong araw at gabi ay pinatay ni Baruch ang Nine-Headed Serpent Emperor...pagkatapos, itinayo ni Baruch ang Baruch Clan, at naging unang pinuno ng Baruch Clan!"

"Ryan Baruch, ang pangalawang Dragonblood Warrior sa kontinente ng Yulan. Sa taong 4690 ng Yulan calendar, sa kabundukan ng Mount Bakulaw, natalo at napasuko nito ang isang 'Saint-level' Golden Dragon at naging kilala ito bilang Golden Dragonrider Saint! Sa taong 4697...."

"Hazard Baruch, ang pangatlong Dragonblood Warrior sa kontinente ng Yulan. Ipinanganak sa taong 5360 ng Yulan calendar, sa unang laban nito, mabangis na nakikipaglaban ito sa isang Saint-level Bloody-eyes Maned Lion sa kabundukan ng Setting Sun. Natalo nito ang leon, kaya napilitan itong tumakbo palayo, na siyang naging dahilan kaya lumaganap ang kasikatan ni Hazard sa buong mundo...."

....

Sunod-sunod na makapangyarihang pangalan, kanya-kanyang nakakamanghang kuwento ng buhay. Naramdaman ni Linley ang pagbilis sa daloy ng dugo nito sa katawan.

"Ang angkan ko ay talagang totoong angkan ng mga Dragonblood Warriors?" Excited na sabi ni Linley.

Sa tabi nito ay mahinang nagsalita si Hogg, "Ang lahat nang unang henerasyon ng mga Baruch ay mga Dragonblood Warriors. Kapag naging isang Dragonblood Warrior ay hahaba ang buhay. Ang pangalawang henerasyon ng Dragonblood Warrior ay hindi nag-asawa o nag-anak bago umabot sa pitong daang taon ang edad.

"At pagkatapos?" Nagtatakang tanong ni Linley. "Pa, bakit ang ating angkan ay wala ng mga Dragonblood Warriors?"

Tumango si Hogg. "Para maging isang Dragonblood Warrior, ang pinakaimportanteng bagay ay dami at lapot ng dugong dragonblood na nanalaytay sa ating ugat. Kung mas marami, mas mabuti. Pagkataan ng ilang henerasyon, ang lapot ng dugong dragonblood sa ating mga ugat ay kumunti. Bagaman...hindi iyon ganap. Dahil sa paglipas ng panahon, may mga pagkakataong bigla nalang may lumabas na mga anak na may malakas na dugong dragonblood."

Coiling Dragon Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon