B1C22

2.2K 118 0
                                    

Book 1 Chapter 22 – Pagtatapos ng Tagsibol, Pagsisimula ng Taglagas (Unang Bahagi)

Ang totoo niyan, ang bawat isang elemento kasama na ang earth-style ay may kaniya-kaniyang lakas. Pero bilang earth-style Saint-level Grand magus, natural lang na kuntodo papuri si Doehering Cowart sa earth-style. Pagkarinig ng walong taong gulang na si Linley sa mga salita ni Doehering Cowart ay napuno ito ng pananbik.

"Lolo Doehring, dali. Tingnan mo na kung may kakayahan ba akong maging isang earth-style magus." May pagkaatat na sabi ni Linley.

Tumawa lang ang matanda. "O siya, sige't titingnan ko na ngayon."

"Una, kailangan mo munang malaman na may dalawang bahagi sa pagsukat ng kakayahan mo sa mahika. Dahil dito kaya dalawang pagsusulit ang pagdadaanan mo." Hindi gaya ng dati, si Doehring Cowart ngayon ay umaakto sa isang mahinahong paraan. Matapos nga namang makulong sa loob ng Coiling Dragon Ring ng limang libong taon at makalaya, siyempre ay maganda ngayon ang mood niya lalo pa't ang kaharap niya ay isang nakakatuwang bata.

"Ang magical aptitude ay nahahati sa dalawang bahagi – sa lakas ng magical affinity sa mga elemento, at sa lakas ng mental energy." dugtong ng magus.

"Para naman saan ang dalawang iyon?" tanong ni Linley.

Sumagot si Doehring, "Linley, bago ko sagutin iyan, matanong muna kita, kapag nagka-cast ng spell ang isang magus, saan siya dumedepende?"

Agad sinagot ng bata, "Magical incantations!"

Nakita niya dati na noong nag-cast ng spell ang magus na nakasakay sa Velocidragon, ang unang ginawa nito ay ang pag-usal ng mga magical words kaya naman iyon ang agad na pumasok sa isip niya.

"Mali."

"Nakita ko dati kung paano mag-cast ng spell ang ilang magi. Bawat isa sa kanila ay nagsimula sa pagbabanggit ng mga magical incantations." Ang debate ni Linley.

Hinaplos-haplos ni Doehring ang balbas at ng makuntento ay saka lamang nagsalita, "Kapag nag-ka-cast ng spell, ang pinakaimportanteng bagay para sa isang magus ay ang kaniyang 'mageforce' at 'mental energy'. Kung sapat ang lakas ng kaniyang mental energy ay magagawa pa nga niyang mag-intacast ng mga spells na hindi na nangangailangan pa ng incantations. Ang totoo niyan, tumutulong lang ng bahagya ang mga magical incantations."

"Eh? Instacast?" Nagtatanong ang tinging ipinukol ng bata sa magus. Pero nararamdaman ni Linley na tila unti-unting bumubukas para sa kaniya ang mundo ng mahika kahit pa malabo at hindi pa ito malinaw sa kaniyang mga mata. Sa tulong ni Doehring Cowart ay unti-unting nagiging malinaw sa kaniya ang kahiwagaan ng mundong iyon.

Nakangiting tumango si Doehring. "Tama, para makagawa ng spell, dapat muna ay sapat ang dami ng mageforce na maibibigay ng katawan, tapos saka gagamitin ang mental energy para kontrolin ang mageforce na iyon para makatawag ng sapat na elemental essence. Pagkatapos niyon ay mabubuo ang spell."

"Elemental essence?" Nahiwagaan lalo si Linley. "Lolo, sinasabi mo ba na para makapag-cast ng magical spells ay kailangan pang kumalap ng panlabas na elemental essences?"

"Haha. Natural! Bakit? Inaakala mo ba na okay nang magdepende ang isang malakas na magus sa elemental essence na nasa katawan niya? Imposible! Tingnan mo ang mga forbidden-level magical spells. Para magawa ang mga iyon, ang kaya lang ibigay ng katawan ng isag Saint-level magus ay 1% lamang ng lahat-lahat ng kakailanganing dami ng essence. Ang 99% ay siyempre'y mula sa elemental essence ng kalikasan."

"Sabihin na lang natin na ganito iyon... ang 'mageforce' ng isang magus ay ang tinatawag nating puro at napag-inam na elemental essence. Ang mageforce naman ay mailalarawan bilang isang heneral, tapos ang mga elemental essences mula sa kalikasan ay ang mga sundalo. Pinapalabas ng isang magus ang kaniyang mageforce para gamitin ito at kontrolin ang mga natural na elemental essence at ng sa gayon ay makagawa ng isang nakakamanghang spell. Naintindihan mo ba?"

Coiling Dragon Book 1Onde histórias criam vida. Descubra agora