B1C21

1.9K 132 5
                                    

Book 1 Chapter 21 – Earth-Style Magic (Ikalawang Bahagi)

Tinakbo kaagad ni Linley ang kaniyang kuwarto saka madaliang isinarado ang pintuan pagkapasok niya.

Agad din niyang tinanggal ang suot na sapatos saka tumalon sa kama at umupo. "Lolo Doehring, labas ka na. Tulungan mo akong sukatin ang magical aptitude ko."

Lumabas mula sa singsing ang isang mapusyaw na sinag ng liwanag na bumaba sa sahig at naging imahe ng matandang magus.

Nakangising sinabi ni Doehring, "Linley, huwag kang masyadong mainip. Una, kailangan ko munang ipaalam sa iyo na dahil wala akong espesyal na kagamitan para sukatin ang magical aptitude mo, ang pwede ko lang masukat sa iyo ngayon ay kung may talent ka ba sa earth-style magic o wala. Dahil nga wala akong kahit anong gamit dito, hindi ko makikita kung may aptitude ka pa ba sa iba pang uri ng mahika maliban sa earth-style."

Nadismaya naman si Linley, "Ang pwede mo lang masukat ay ang aptitude ko sa earth element magic?"

Sa totoo lang ay narinig na niya sa iba na kakailanganin nga ng ilang espesyal na kagamitan para sa pagsusukat ng magical aptitude. Pero kaya umaasa kanina si Linley ay dahil isang Saint-level Magus si Doehring. Nagbabakasakali siyang may alam na iba pang paraan ang matanda.

"Anong mali sa earth style? Linley, hayaan mong sabihin ko sa iyo ito, pero sa lahat ng elemento, mapa-earth, fire, water, wind, thunder, light o darkness, ang earth ang pinakamakapangyarihan sa lahat!" Sa mukha ngayon ni Doehring Cowart ay hindi matago ang pagmamalaki. Malinaw na malinaw na puno siya ng kumpiyansa nang sabihin iyon dahil siya mismo ay Saint-level Grand Magus ng earth element style.
Nahihirapan naman si Linley na paniwalaan ang narinig.

Sa pagkakaalam niya ay pantay-pantay ang bawat style kaya paano nangyari na earth style ang pinakamakapangyarihan?

Napasibangot si Linley, "Lolo Doehring, batay sa narinig ko dati ay fire style elemental attacks ang pinakamalakas. Samantala, ang darkness style elemental attacks naman ang pinakamahirap hulaan at basahin. Base dito, paano mo nasabi na ang pinakamakapangyarihan ay ang earth style?"

Ang kaninang mukhang mabait at mapagpasensiyang matanda ay bigla na lang nagalit habang ipinapaliwanag, "Linley, kailangan mong malaman na pagdating sa attack power, ang bawat elemental style ay may kaniya-kaniyang kalakasan.!"

"Halimbawa, ang forbidden fire stye spell na 'Heavenly Fire Burning the Fields, Earthly Fire Burning the Cities' ay may kakayahanang tumupok ng isang buong siyudad hanggang sa maging abo ito. Pero may forbidden spell na tinatawag na 'Absolute Zero' ang water style na kapag nagamit ay kayang pagyelohin ang libo-ibong katao hanggang sa mamatay. Kaya namang magpalabas ng libo-libong kidlat ang Thunder style spell na 'Heavenly Lightning of Absolute Destruction' kung saan ay walang sinumang makakaligtas ng buhay. Sa kabilang banda, kaya naman ng wind style's forbidden spell na 'Annihilating Tempest' na punuin ng matatalim na punyal ng hangin ang kalangitan..."
Napabuntong-hininga ng matagal si Doehring. Samantala, parang niyayanig naman ang puso ng bata.

Akala niya ay pinakamalakas na sa lahat ang mga atakeng gumagamit ng fire style magic pero mukhang isang malaking kalokohan pala iyon na malayo sa katotohanan. Ang bawat isang elemental style pala ay may kaniya-kaniyang forbidden spells na nagtataglay ng kakaibang lebel ng kapangyarihan.

Hindi naman nakalimutang itanong ni Linley ang huling istilo ng mahika. "At ang earth style?"
Taas noong sumagot ang matandang magus, "Bakit naman magpapatalo ang earth style? Sa oras na gamitin ng isang earth style magus ang forbidden spell na 'Heavenly Meteor's Descent' ay uulan mula sa kalangitan ang hindi mabilang na dami ng tipak ng batong tiyak na tutupok din sa isang siyudad at iyon ay sa isang kisapmata lamang. May isa pa – ang forbidden spell na 'Heaven Collapses, Earth Shatters'. Sa oras na ito ay gamitin, ang kalupaan mismo ay magsisimulang umalon na akala mo ba'y isang karagatan. Guguho ang mga kabahayan, mahahati ang lupa at lilitaw mula sa mga hating iyon ang mga magmang papatay sa maraming tao."

Coiling Dragon Book 1Where stories live. Discover now