B1C16

2K 126 1
                                    

Book 1 Chapter 16 – Delubyo (unang bahagi)

Kitang-kita na ang swordsman na may berdeng kasuotan ay nagngangalang Dillon samantalang ang nakaabuhing roba ay nagngangalang Rudi.

Nagbuga ng malaking bunton ng itim na apoy ang itim na dragon sa ilalim ng lalaking nakaabuhing roba patungo sa kalaban. Bigla namang kumislap ng matalim na berdeng ilaw ang mga mata ng swordsman na nakaberdeng kasuotan. Pagkatapos niyon ay biglang nabalutan ang kaniyang buong katawan ng berdeng protective aura na siyang pumigil sa mga apoy para siya ay madapuan. Kasabay niyon ay narinig ang pagtunog ng espada.

Ang tunog na iyon ay mas malakas at mas dalisay pa sa kaninang atungal ng dragon at nagawa niyong balutin ang langit at lupa.

Itinaga sa hangin ng lalaking nakaberde ang mahabang espada at nasundan iyon ng pagtaga rin ng isang malaking dulong talim ng espada na may habang lampas sampung metro patungo sa nakaroba ng abuhin. Minasdan lamang ng malalamig na mga mata ng nakaroba ng abuhin ang espada ng liwanag. Hindi siya gumalaw sa kaniyang kinaroroonan kahit na kaunti man, bagkus ay patuloy lang siya sa pagbibigkas ng mga magical incantations.

"Ito ba ang sword tip? Ang talim ng isang higanteng espada?" Habang tinatakbo ni Linley ang bodega ay nakalinggon pa rin ang ulo niya para panoorin ang nagaganap na laban. "Paano iyon sasanggain ng lalaking nakaabuhin? Sa pamamagitan ba ng Black Dragon?"

"Crash!"

Hindi sinangga ng itim na dragon ang atake. Hinayaan nitong tumama ang dambuhalang talim ng espada sa mismong katawan ng nakaabuhing lalaki. Agad na sumabog sa lahat ng direksyon ang robang suot ng lalaking nakaabuhin pero pagkatapos niyon ay lumitaw sa ilalim ng nagkapira-pirasong roba ang isang nagniningning na battle armor. Ang battle armor ay napakakintab at nakakasilaw pa sa mata. Para bang gawa iyon sa diyamante.

Ang pagtama ng sword tip sa battle armor ay hindi man lamang nakagalos sa nakaabuhing lalaki.

"Paano nangyari iyon?" Si Linley naman ay sobrang nahintakutan.

Dahil hindi tumitingin si Linley sa dinadaanan, siya ay napatid ng isang bato at nadapa sa sahig. Pero kahit na nasa sahig na siya ay patuloy pa rin niyang pinapanood ang labanan sa silangang kalangitan. "Anong klaseng baluti iyon? Paanong nangyari na napakagaling ng defensive abilities niyon?"

"Linley, madali ka! Tantanan mo na ang pangangarap ng gising!" Pagkakita kay Linley, si Hogg naman ay hindi napigilan ang sarili sa pagsigaw ng pagalit.

"Opo, papa!" Natauhan naman si Linley. Agad-agad siyang tumayo sa kaniyang mga paa saka muling tumakbo sa direksyon ng bodega.

"Rumble, rumble..." Bigla-bigla naman, isang nakakapanindig-balahibong tunog ang narinig mula sa langit na sinundan ng isang nakakatakot na igik na nakapagpaalog sa buong bayan. Muli na namang napalingon si Linley para tingnan kung ano iyon. At ang isang lingon na iyon ay nakapagpatulala na naman sa kaniya. (T/N: Baka chix na nililingon niyan? Lol)

Ang silangang kalangitan ay bigla na lamang napuno ng nagliliparang malalaking tipak ng bato at ang bawat isa ay kasinglaki ng isang bahay.

"Swooosh, swoosh, swoosh!"

Ang lahat ng mga mala-bahay sa laki na mga tipak ng bato ay nababalutan ng liwanag na kasingkulay naman ng lupa. Mabilis na nagliliparan ang mga iyon sa ere at sa nakakamangha ang bilis ng mga iyon patungo sa nakaberdeng roba na lalaki. Bawat isa sa mga bato ay humigit-kumulang sampung milyong pulgada sa bigat. Bawat isa sa mga tipak ay malamang sa hindi na ilang beses na mas mabigat at mas malaki kaysa sa mga batong ihinahagis gamit ang mga catapults kapag may mga gyera.

Kahit ang mga pader ng isang siyudad ay walang panama sa mga malalaking tipak na iyon.

Ang isang tipak nga lang ay may ganoong kalakas na pwersa, pero sa ngayon, ay hindi lamang isa ang mayroon, ang buong alapaap ay punong-puno ng hindi mabilang na tipak ng malahiganteng bato. Ang bawat isa sa Wushan Township na nakakasaksi ngayon nito ay walang masabi sa pagkatulala.

Coiling Dragon Book 1On viuen les histories. Descobreix ara