B1C11

1.8K 127 0
                                    

Book 1, Chapter 11 – Dance of the Fire Serpents (part 2)

Ang pitong serpyente ng apoy ay nagsiliparan ng mabilis at kahit saan pa man mapadaan ang mga ito ay agaran na nagugumon ng apoy ang mga batong bahay sa malapit. Ang nagliliyab na ningas ay halos umabot na sa alapaap, isang tunay na kalunos-lunos na tagpo. Matapos namang makita ng mga lumikas na mamamayan ang kanilang mga natupok na kabahayan mula sa malayo, ang kanilang puso ay natigib ng labis na pighati.

Subalit sa harapan ng pitong dambuhalang fire serpents, ang kanilang mga bahay na yari sa bato ay para lamang mga laruan nito. Mabilis nitong winasak ang mga iyon. Ang mga alab pa nga na mula sa mga nadelubyong tahanan ay papataas ng papataas sa kalangitan.

"Takbo!" Ang babaeng archer ay wala ng pakialam pa sa iba. Mabillis nitong pinalipad ang griffin nito ng mas mataas.

May limitasyon ang control ng isang fire-element magus sa distansiya na makakayang abutin ng kaniyang pitong fire serpents. Magiging ligtas ang babaeng archer kung sakaling mapapalipad niya sa hangganan ng nasabing distansya ang kaniyang mount.

"Whooooosh." Dalawa sa nag-aapoy na serpyente ang bigla na lamang lumulon sa dalawang babaeng magus at maging sa Vampiric Iron Bull. Halos kasabayan niyon, ang tunog ng nasusunog at nalalapnos na laman ay narinig ng mga nakasaksi. Naisip pa nga ni Linley na mukhang naamoy din nila ang amoy ng nasusunog na buhok.

"Kuya Kerry! Saklolohan mo kami!" Dumagundong ang palahaw ng babaeng Magus. Tigib ng hirap at sakit ang boses nito na nanggaling sa loob ng mismong fire serpent.

Umigik din ang Vampiric Iron Bull. Nakakatakot ang pagkapula ng mga mata nito. Ang lahat ng kalamnan din nito ay patuloy na nanginginig. Hindi ito tumitigil sa pagalit na pag-atungal. Marahil ay nais ng Vampiric Iron Bull na lagpasan ang mga nakapalibot na fire serpents subalit sa kasamaang-palad ay higit na mas malakas ang mga serpyente ng apoy kaysa dito.

"Louisa!" Ang warrior na may pulang buhok ay malakas na napasigaw, ang kaniyang boses ay puno ng pag-aalala.

Hindi nagtagal ay naging abo na lamang ang parehas na babaeng Magus at ang Vampiric Iron Bull. Gayunpaman, ang lalaking warrior na may pulang buhok ay hindi na nabigyan pa ng pagkakataon na makapagdalamhati. Siya at ang dalawa pang warriors ay kinailangang kalabanin ang mga nagtatayugang fire serpents sa kanilang harapan. Ngunit sa harap naman ng mga nag-aalab na katawan ng mga serpyente, sila ay nagmistula lamang na mga paslit na walang kakayahang pumalag man lamang.

May kakayahan silang pagbiyakin ang isang malaking bato sa pamamagitan ng isang suntok, pero ano ngayon? Ano ang silbi niyon habang sila ay nililingkis ng mga dambuhalang fire serpents?

"Ahhh!" Habang pinapalibutan ng mga nag-aapoy na serpyente ay hindi mapigilan ng tatlong warriors ang mapahiyaw dahil sa nararanasang pagdurusa.

Kapanabay ng kanilang pagsisigaw ang pagkawala ng kanilang mga battle-qi. Ang tunog ng nasusunog na laman ay muli na naming umalingawngaw. Ang mga kalamnan sa mukha ng tatlong warriors ay nanginginig, ang kanilang mga mata ay nagsisipaglakihan. Sa isang kurap lamang ay nasunog lahat ang mga buhok sa kanilang katawan at kasunod niyon ay ang pagsunog ng kanilang balat, laman at mga buto. Walang kahit anong makaligtas sa bagsik ng apoy ng mga fire serpents.

Matapos lamang ang ilang sandali, ang tatlong mahuhusay na warriors ay na nauwi na lamang sa alikabok.

"Huff... huff..."

Naghahabol ngayon ng hininga ang babaeng archer pero nagpapasalamat siya na nalampasan na niya ang hangganan ng distansiyang kayang abutin ng 'Dance of the Fire Serpents'.

"Luke... Louisa... Kuya Kerry... Ipinapangako kong ipaghihiganti ko kayo. Ipinapangako ko." Napaiyak sa paghihinagpis ang babaeng archer habang pinagpapatuloy niya ang pagpapalipad sa kaniyang griffin sa mas mataas na lugar.

Coiling Dragon Book 1Där berättelser lever. Upptäck nu