B1C17

1.8K 126 6
                                    

Book 1, Chapter 17 – Delubyo (ikalawang bahagi)

"Thud! Thud! Thud!"

Umugong sa Wushan Township ang ilang ingay ng mga batong nagbabagsakan, pero pagkatapos ng ilang sandali ay wala nang mga bato pa ang bumagsak mula sa kalangitan. Ang lahat ng mga tipak ay lubusang napulbura ng swordsman. Pero matapos iyon ay wala na kahit isa mang mamamayan ng Wushan Township ang may lakas pa para manood ng laban.

"Lord Hogg, masama na ang lagay ng buong bayan. Kanina nga lamang ay---- Lord Hogg? Anong problema?" Kararating lamang noon ni Hillman sa manor. Nagsisimula pa lamang siyang mag-ulat tungkol sa sitwasyon ng bayan pero nakita niya si Hogg na tulalang nakatayo at hindi lumilikha ng anumang ingay.

Nanginig ang katawan ni Hogg. Pagkatapos noon ay saka lamang siya natauhan. "Linley." Marahas na tinakbo ni Hogg ang bodega sa bilis na napakatulin. Nang makita naman iyon ni Hillman ay nahulaan na nito kung ano ang nangyari at sumunod din.

"Smash!" Bago naman nakalapit sa lugar na iyon si Hogg ay tumilapon ang mga piraso ng bato at kisame na nakadagan kina Hiri, Linley at Wharton.

Tumayo si Housekeeper Hiri mula sa mga nagkalat na mga bato.

"Uncle Hiri, ano ang sitwasyon dito?" Nanginginig ang boses ni Hogg nang magtanong. Noon naman din ay napatingin siya sa mga lumitaw na katawan. Ang una niyang nakita ay si Linley na duguan ang ulo. Pakiramdam ni Hogg ay nabulag ang kaniyang mga mata nang nakita niya ang dugo dito kaya naman halos mapatumba siya.

Hanggang ngayon, ang katawan ni Linley ay nakaangat sa lupa at halatang kaya siya nakapang-push up position ay para protektahan at huwag madaganan si Wharton.

"Papa." Mula sa ilalim ay usal ng isang pangbatang tinig.

Dahan-dahang gumapang paalis sa ilalim ni Linley si Wharton. Ang maliit niyang katawan ay walang natamong kahit anong galos.

"Kuya, kuya, anong problema?" Kinalabit ni Wharton si Linley.

"Linley. Linley!" Ang boses ni Hogg ay puno ng pag-aalala.

Nagsalita naman si Housekeeper Hiri mula sa gilid, "Naging masyado akong mabagal. May isang pirasong tipak akong hindi nasanggi na sumugat sa ulo ni Young Master Linley. Pero sa tingin ko naman ay hindi ganoon kaseryoso ang sugat."

"A-ayos lang ako." Anang isang mababa at mahinang boses. Pinuwersa ni Linley ang sarili na iangat ang ulo para matingnan si Hogg, saka ngumiti ng tipid.

Nang mga oras na iyon, pagkakita sa ngiti ni Linley ay nagsimulang magtuluan ang mga luha ni Hogg.

Itinuwid naman ni Linley ang katawan saka tumayo. Ang kaniyang damit ay punong-puno ng dugo, pati na ang kaniyang mukha at buhok. Maraming dugo ang nawala sa kaniya ng matamaan siya ng bato. Sa totoo lang, sa mga oras na iyon ay nakakaramdam din si Linley ng hilo. Habang nakatingin sa kaniyang ama ay sinabi ni Linley sa isang mahina at mababang boses, "Papa, umiiyak ka."

"A-ayos lang ako." Lumitaw sa mukha ni Hogg ang isang nananabik na ngiti.

"Wharton? Bakit ka ba nasa pintuan kanina?" Ginulo ni Linley ang buhok ng kapatid saka sinabi sa isang nagsesermong tono.

Alam naman ni Wharton na nakagawa siya ng pagkakamali. Iniyuko niya ang ulo saka nagsalita, "Kuya, patawad."

Umapela naman si Housekeeper Hiri, "Kasalanan ko ang lahat. Dahil hindi inaasahan ang kalamidad na ito, nang madala ko sa warehouse si Wharton at nang makita ko na nasa panganib si young master Linley ay agad akong sumugod para tulungan siya. Hindi ko naman alam na bigla na lang may isang tipak na pupunta sa warehouse. Kasalanan ko ito."

Coiling Dragon Book 1Where stories live. Discover now