B1C9

1.9K 127 0
                                    

Book 1, Chapter 9 – Magical Beast – Velocidragon! (part 2)

"Kapitan, anong nang nangyari?" Pabulong na tanong ni Lorry kay Hillman.

May munting ngiti sa mga labi ni Hillman. "Yong mahiwagang magus ay mukhang may di napagkasunduan sa isa pang grupo. Dito lang tayo at manood. Wag na tayong makialam." Si Hillman ay isang mandirigmang nasa ika-anim na ranggo lang, ang totoo ay ayaw ding makialam ni Hillman.

Ang Velocidragon ay isang bagay na hindi niya kayang labanan, paano pa kaya ang mahiwagang magus.

Ang lakas ng grupo na binubuo ng pitong ka tao ay hindi rin mahina. Lima sa mga ito ay mandirigma, habang ang dalawa ay magus. Ang leader ng grupo ay malaking lalaki na magulo ang pulang buhok, nakasakay ito sa likod ng kasing itim ng gabi na toro. Kumikinang ang dalawang sungay na bakal sa ilalim ng ilaw, kulay itim at nakakapangilabot.

Ang pulang mata ay nagpapakita lamang sa totoong natural na kakayahan ng toro----'Vampiric Iron Bull', isang magical beast na nasa 5th-rank.

Suminga ito, may usok na nagsimulang lumabas sa ilong ng toro.

Sa pitong katao sa grupo, ang apat ay lalaki at tatlo ang babae. Parehong magi ang dalawang babae, habang ang pangatlo ay isang archer. Maliban sa Vampiric Iron Bull, ay may isang pang malaking ibon na lumilipad sa himpapawid.

'Griffin' – isang magical beast na nasa 4th-rank!

Ang ulo nito ay leon, pero may dalawang malalaki at malakas na pakpak. Para sa isang grupo na may dalawang magical beast at dalawang magi, klaro na ang grupo na nangahas ay hindi ordinaryo.

"Mga kaba, mas mabuti pa sigurong ibigay ninyo sa akin ang diamanteng 'd'Bero shadow'." Ulit na sabi ng mahiwagang lalaki na nakaupo sa Velocidragon.

"Lord magus, hindi namin nais na maging kaaway mo, pero para makuha namin itong diamanteng 'd'Bero shadow' ginugol namin ang hindi mabilang na oras at pagsisikap. Ang halaga niyon ay sobra pa sa isang daang libong ginto, pero ikaw, Lord Magus, gusto mong bilhin ito sa halagang pitong daang ginto. Napa...napakaimposible nito." Seryosong sabi ng pinuno ng grupong may kulay pulang buhok.

Habang nakinig sa di kalayuan si Linley, sa tabi ni Hillman, ay noon lang naintindihan nito ang lahat.

Ito palang mahiwagang magus ay gustong bilhin ng pitong daang ginto ang diamanteng 'd'Bero na nagkakahalaga ng isang daang libo.

"Wow, ang presyo ng diamante..." nagulat si Linley. "Para maging ganun kamahal ang diamante, halata na itong diamanteng 'd'Bero ay may nakakabit na kahulugan. Dahil kung hindi, hindi mangyayaring ang magus na ito ay baba sa kanyang antas at puwersahang bilhin ito."

Ang alok na pitong daang ginto, para sa bagay na may halagang isang daang libo. Hindi nakapagtataka na ang maliit na grupong ito ay ayaw iyong tanggapin.

"Hmph!" Malamig na tikhim ng mahiwagang magus.

"Meron lang akong pitong daang ginto. Ngayon, handa pa rin akong gumamit ng pera para bilhin ko ito sa inyo. Kung kayo ay hindi marunong umatras at gawin ang nakakabuti sa inyo...pwes, hindi lang sa wala kayong matatanggap na kahit isang pirasong ginto, mawawala din ang buhay ninyo." Ang sabi ng magus sa nagyeyelong boses.

"Grrrrrrrr."

Ang Velocidragon na mas mataas pa sa karamihang mga bahay sa bayan ay umaangil na naging dahilan kaya umuuga ang mga kalapit na mga bahay.

"Kapitan, ibinuwis natin ang ating buhay para makuha ang diamanteng 'd'Bero shadow. Paanong basta nalang tayong yuyuko sa harapan ng lalaking ito at ibigay ito?" malamig na sabi ng babaeng nakaitim. Bilang may karanasan na adbenturerong grupo, ang pitong taong ito ay naranasan na ang maraming pakikipaglaban at hindi madaling sumusuko.

Coiling Dragon Book 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora