B1C7

1.8K 142 0
                                    

Book 1, Chapter 7 – Coiling Dragon Ring (part 2)

Ang itim na singsing ay gumulong pasulong at bumaba sa mismong harapan ng pintuan.

Humakbang ng tatlong beses si Linley, narating nito ang pintuan, bigla itong huminto dahil naramdaman nitong may naapakan itong matigas na bagay.

"Ngayon lang ay sinuyod ko ang buong sahig pero wala akong nakita kahit isang pirasong bato. Nanggaling siguro ito sa bumagsak na aparador." Nang maisip ang bumagsak na aparador, hindi mapigilan ni Linley na makaramdam ng galit, galit na ipinadyak ang paa sa kapirasong 'basag na kahoy' sa ilalim ng paa nito.

Iniisip ni Linley na kung isang kapirasong basag na kahoy ito, sa pagpadyak niya dito, dapat nadurog ito. Pero...

"Waah, bakit matigas! Anong meron sa ilalim ng aking paa?" Naramdaman ni Linley na ang bagay sa ilalim ng paa nito ay kakaiba ang tigas, mabilis na humakbang ito sa gilid at tiningnan sa malapitan.

Nakita nito ang itim na itim na bagay na may hugis singsing na tahimik na nakahiga sa sahig. Natabunan ito ng alikabok, at hindi kaakit-akit tingnan.

"Oh, isang singsing?" tumalas ang mga mata ni Linley. Masayang pinulot ang singsing, at ginamit ang maruming laylayan ng damit at maiging ikiniskis doon ang singsing. Saka lang nawatasan ng mabuti ni Linley kung ano talaga ang totoong hitsura ng bagay na nakita.

Ang singsing na ito ay mukhang parahong gawa sa kahoy at bato. Sa katawan ng singsing ay may malabong nakaukit na hindi mawatasan na bagay...

"Bulate?" dudang tiningnan ni Linley ang nakaukit sa singsing.

Sa unang tingin, akala ni Linley na ang paikot na nakaukit sa singsing ay parang bulate.

Natawa si Linley sa sarili, "Ang talento nag-ukit nitong singsing ay sobrang terible. Pupusta ako kahit ang pangkaraniwang mang-uukit ay makakagawa ng mas maganda dito. Sayang. Itong itim na singsing ay wala man lang kahit isang pirasong diamante, ni walang mahalagang mahiwagang bato.

Karamihan sa mga singsing ay may nakalagay na kung hindi diamante ay may mahiwagang bato.

Napakamalas, mukhang ang singsing na ito ay gawa sa materyal na may katangian ng parehong kahoy at bato. Wala man lang kahit anino ng mahalagang hiyas. Halatang walang halaga ito.

Pero, may kung anong hindi maipaliwanag na dahilan, pagkakita ni Linley sa singsing ay agad na nagustuhan nito iyon. Suspetsa ni Linley, marahil iyon ay dahil ito lang ang tanging natagpuan niya pagkatapos maubos ang mahalagang oras niya sa paghahanap sa manor.

"Hmm, ang singsing na ito ay sobrang kapal. Hindi ko ito maisusuot sa aking daliri ng hindi malalaglag. Gagamitan ko ito ng malambot na tela at itatali ko sa aking leeg." lumiwanag ang mga mata ni Linley.

Ang kamay ng walong taong gulang na si Linley ay sobrang liit kumpara sa matatanda. Hindi maaring maisuot nito iyon sa sariling daliri.

"Ngayon, ano ang pipiliin kong pangalan para sa itim na singsing na ito? Bulateng singsing? Hindi pwede, hindi maganda ang tunog." bubulong-bulong si Linley, pagkatapos ay kumislap ang mga mata nito. "Haha, ang korteng paikot na bagay na ito ay pwede ring sabihing isang dragon diba? Isang dragon na paikot sa singsing...kung ganun, tawagin natin itong, 'Coiling Dragon Ring'!" Kahit na sa puso ni Linley, pakiramdam nito na ang nakaukit ay mas mukhang bulate, pero pinili pa rin nito ang pangalang 'Coiling Dragon Ring' para dito.

"Coiling Dragon Ring!" Itinaas nito ang itim na walang ka pala-palamuting singsing, nakaramdam si Linley ng kakaibang saya.

"Teka lang, patay! Oras na ng pagsasanay!"

Biglang naalala ni Linley. Namumroblemang napatingin ito sa maruming damit, napuno iyon ng alikabok at dumi. Mukha itong pulubi. "Patay..." Walang ng oras si Linley para mag-isip. Agad na tumakbo ito palabas sa lumang patyo at dumeretso sa banyo.

Tunog ng agos ng tubig.

Binuhusan ni Linley ng tubig ang sarili. Ang balat nito ay makinis at malakas, ang mga kalamnan nito ay unti-unti ng nagkahugis. Ito ang resulta sa pagsasanay ni Linley. Sa ilalim ng umaagos na tubig, ang alikabok ay natanggal.

Gamit ang pinakakonteng oras, nilinis ni Linley ang katawan at mabilis na nagbihis sa damit na ginagamit nito sa pagsasanay.

"Pantali, tali..."nagmamadaling naghanap ng sinulid na pwedeng pagkabitan ng Coiling Dragon Ring. Bigla napadako ang tingin ni Linley sa sirang lumang pamunas. Kumislap ang mga mata nito at agad na hinila ang hibla sa loob ng pamunas.

Kahit na ordinaryo lang ang pamunas, matibay at pangmatagalan naman iyon. Ang tali din ay hindi basta-basta nasisira.

Mabilis na ipinasok nito ang singsing at pagkatapos ay isinuot ang ginawang kuwentas.

"Mahuhuli na ako. Ito ang unang pagkakataong mahuhuli ako!" Parang rumaragasang apoy sa bilis si Linley paalis. Habang tumatakbo ay ipinasok nito ang Coiling Dragon Ring sa loob ng damit. Nang maramdaman ang lamig ng singsing sa dibdib, hindi mapigilan ni Linley ang sumaya.

Kapalit ng pagkahuli ay nagkaroon naman siya ng Coiling Dragon Ring.

Sobrang saya ni Linley.

Kasing bilis ng kidlat, lumabas ng Baruch clan manor si Linley at agad na tumakbo patungo sa bakanteng lote sa silangang bahagi sa bayan ng Wushan.

Sa mga oras na ito, halos lahat ng mga ordinaryong bata ay nakauwi na sa kanilang bahay, kaya walang katao-tao sa daan, pero ng makita ng mga ito ang tumatakbonh si Linley, nahulaan na ng mga uto ang rason.

"Young master Linley, mag-ingat kayo, baka maaksidente kayo!"

"Sobrang higpit na Master Hillman. Natatakot akong maparusahan si young master Linley."
.....

Dahil sa ipinapakitang kabaitan ng angkan ng mga Baruch sa mga ordinaryong mamamayan kaya puno ng pagmamahal at pakikisama ang mga ito kay Linley.

"Paano kaya ako paparusahan ni Uncle Hillman?" Kahit habang mabilis na lumapit si Linley ay nag-iisip pa rin ito tungkol sa tanong nito. Sa puntong ito, wala ng oras pa si Linley na makipagkuwentuhan o magbigay galang sa mga nadaanang mga matatanda. Sa ilang saglit ay narating ni Linley ang lugar kung saan sila nag-sasanay.

Sa oras na ito, lahat ng tatlong pangkat ay nakapila na. Nagsasalita si Hillman, pero ng marinig nito ang yabag ni Linley ay hindi nito napigilan na mapatuon ang malamig na tingin kay Linley.

Tumakbo si Linley patungo sa mga nakapila. Tumayo ito sa likod ng pila at kinakabahang naghihintay sa ituturo ni Hillman.

"Ngayong araw na ito ay doble ang ehersisyo mo. Bumalik ka sa grupo mo!" Kalmadong sabi ni Hillman.

"Yes sir!" Taas noo at masayang sagot ni Linley

Ang mga malapit na kabataan ay inilabas ang dila. Nahuli lang ng konting oras pero doble agad ang parusa. Ngayong araw na ito, baka walang oras si Linley na umuwi at kumain ng hapunan.

Habang tumatakbo si Linley patungo sa dating posisiyon nito sa grupo nang biglang...

THUD! Ang buong lupain ay bahagyang nayanig, madalas ang pagyanig. Para bang may isang higanteng nilalang na naglalakad sa lupain, dahilan kaya gumagalaw ito sa bawat paghakbang.

"Silangan. Nanggaling iyon sa silangan." napagtanto agad ni Linley ang direksyon.

Hindi lang si Linley. Sina Hillman, Riger at Lorry ay napalingon din sa silangan, unti-unting naging seryoso ang mga mukha. Ang yanig ay unti-unting lumalakas at mas klaro. Lahat ng mga kabataang naroroon ay malinaw na naramdaman ang madalas na yanig na galing sa malaking hayop na patungo sa kinaroroonan ng mga ito.

Bawat malakulog na hakbang ay parang naging dahilan iyon para mas lalong lumakas ang pagkayanig, sapat na para mangatal ang puso ni Linley.

Anong higanteng nilalang ito?
Pinag-igi ni Linley ang pagdilat ng mga mata ay nakatitig sa silangan...

Coiling Dragon Book 1Where stories live. Discover now