B1C19

1.6K 136 17
                                    

Book 1 Chapter 19 – Ang Espiritu ng Coiling Dragon (ikalawang bahagi)


Nagtagal ng napakahabang panahon ang Pouant Empire matapos itong maitatag walong libong taon na ang nakakaraan. Ang imperyong ito ay namayagpag ng tatlong libong taon, pero sa bandang huli ay nabuwag din. Sa ngayon ang dating nasasakupan ng imperyong ito ay tinatayang ang pinagsamang hangganan ng Holy Union at Dark Alliance.

Sa madaling sabi...

Ang buong Mountain Range of Magical Beasts, ang labindalawang kaharian kasama na ang tatlumpu't dalawang duchies ay minsang naging pagmamay-ari ng Pouant Empire. Dito pa lamang ay masasabi na kung gaano ito kalaki at kalawak dati.

Gayunpaman, matagal nang wala ang buong imperyong iyon!

"Lagpas limang libong taon dati?" Natulala ang matandang lalaking may maputing buhok ng matagal bago napabuntong-hininga. "Hindi ko namamalayan ang pagdaloy ng oras kapag nasa loob ng Worldring. Hindi ko lang inakala na sa oras na nakalaya ako sa singsing ay lagpas limang libong taon na ang nakalipas matapos bumagsak ang aking imperyo."

"Lolo, anong pinagsasasabi mo? Nalilito ako."

Pakiramdam ni Linley ay naging maputik ang buong isipan niya. (TL's note: maputik = nasabaw (siguro, parang ganoon XD). Bigla na lang lumitaw mula sa kung saan ang matanda tapos sinasabi pang ito ay isang Grand Magus sa kapanahunan ng Pouant Empire na iyon na matagal na panahon ng wala sa mundo. Ano pang mas gugulo pa dito?

Iniisip tuloy ni Linley ngayon kung nananaginip pa rin ba siya!

"Bata." Tiningnan ng matanda si Linley. Nakangiti nitong sinabi, "Ang suot mong singsing sa may bandang dibdib mo ay ang Divine artifact na ginagamit ko dati – ang Worldring!"

"Saglit, saglit, saglit!"

Agad na minatahan ito ni Linley, "Anong 'worldring'? Ang singsing sa dibdib ko ay pamana ng ilang matatanda sa aking angkan. Ang pangalan nito ay 'Coiling Dragon Ring'!"

"Coiling Dragon ring? Sinasabi mo bang iyon ang orihinal na pangalan niyan?" saad ng nagulat na matandang lalaki.

Natigagal si Linley.

"Orihinal na pangalan? Anong ibig mong sabihin sa orihinal na pangalan?" Nagtatanong ang mga titig ni Linley sa kausap.

Ngayon naman nagsimulang tumawa ang matandang lalaki. "Alam ko na, 'Coiling Dragon ring' siguro ang ipinangalan mo lang diyan. O siguro ay ang pinangalan ng mga matatanda sa angkan mo. Nang una ko kasing madiskubre ang singsing na iyan ay hinanap ko sa lahat ng dokumento ang tungkol diyan pero wala akong nakuhang kahit anong impormasyon. Iyon ang dahilan kaya binigyan ko ng karapatan ang aking sarili na pangalanan iyan ng 'Worldring'. Pero kung ano ang totoong tawag diyan, wala akong ideya."

"Lolo, pinangalan mo ito dati. Pero ngayon ako na ang may-ari ng singsing at ang tawag na ngayon dito ay 'Coiling Dragon ring'". Ang sabi ni Linley na ayaw magpatalo.

"O siya, sige, sundin mo ang kagustuhan mo at tawagin iyang 'Coiling Dragon Ring'". Hindi na gusto pang makipagdebate ng matandang lalaki kaya naman tumawa na lamang ito.

"Lolo, pwede mo ba sa aking sabihin kung paanong nangyaring lumabas ka mula sa Coiling Dragon Ring?" tanong ni Linley.

Ngumiti ito, "Noong taong 4280 ng Yulan Calendar, ako ay---"

Pagkarinig doon ni Linley ay lihim siyang natigagal, "Taong 4280? Ngayon ay taong 9990!"

"Noong taong 4280 ng Yulan Calendar ay nakasagupa ko ang aking matagal nang kaaway na si Hamelin na isa ring Saint-level Grand Magus. Pagkatapos ay nagsimula kaming maglaban. Hindi ko noon inasahan na may isa pa palang Saint-level combatant ang bigla na lang aatake at tatambang sa akin. Sa bandang huli ay natalo ako at ang aking katawan ay winasak nila. Hindi ko nais na mahuli at mamaltrato ng kaaway kong si Hamelin ang espiritu ko kaya naman ikinulong ko ang sarili ko sa Worldri---, ahem, sa Coiling Dragon Ring." Ang paliwanag ng matandang lalaki sa kaniyang nakaraan.

Coiling Dragon Book 1Where stories live. Discover now