Chapter 3 : The Chosen One

456K 18K 20.3K
                                    

{Puma's POV}

"Bakit ba natin sinusundan si Cooper The monggol?" Bulong sa akin ni Chord na gaya koy walang ideya sa mga mangyayari.

"Sumunod ka nalang kung ayaw mong ma-osiptal" I whispered back kayat napakamot na lamang si Chord sa ulo niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Lahat kami nakakunot ang mga noo't natatakot umalma, sabi ni Cooper sundan lang daw namin siya kayat heto kami, umaakyat sa hagdanan ng school building. Nasa unahan si Cooper, tahimik siyang naglalakad habang nginunguya ang chewing gum niya. Kasama rin namin si Luigi at Dilly. Syempre dahil bulag si Dilly at mabait ako not to mention super fab, ako tong gumagabay sa kanya. Saan ba talaga kami pupunta? Omg baka bigla kaming lapain nito!

"Malayo pa ba? Aish! Cooper ano na naman bang kagaguhan to?" Reklamo ni Chord na siyang kinagulat namin. Everyone knows you cant mess with cooper.

Natakot kaming lahat nang tumigil sa paglalakad si Cooper na nasa unahan namin. Isinilid niya ang kanyang mga kamay sa bulsa at bumuntong hininga. OMG! galit ba siya?

Dahan-dahan siyang lumingon sa amin kayat dahan-dahan kaming humakbang paatras. The way he looks at us is scaring the crap out of me! Naku po! lalapain na talaga yata kami!

"♫Come on Vamonos! Everybody let's go! Come on let's get to it! I know that we can do it! Where are we going?♫" Nagulat kaming apat nang bigla na lamang kumanta si Cooper. Hindi lang ito basta-bastang kanta kasi ito yung kinakanta ng lakwatserang impaktang si Dora. At gaya ni Dora'y pumalakpak rin siya sa last part at tiningnan kami na para bang hinihintay kaming sumagot.

Binalot ng katahimikan ang buong lugar. Hindi kami makasagot eh kasi naman hindi rin namin alam saan kami pupunta!

"I said! ♫Where are we going♫?!" Muli siyang kumanta at pumalakpak.

"Upstairs?" mahinang saad ni Dilly na hindi sigurado sa sagot.

Lumaki ang butas ng ilong ni Cooper at halos magsalubong ang kilay nito.

"Aish! mga panget na nga, bobo pa!" Cooper shouted out of frustration.

Nagpatuloy nalang ulit kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa rooftop. Ah so dito pala niya gustong pumunta. Pero bakit dito? Naku! Baka ilaglag niya kami isa-isa!

Cooper stretched out his arms as if embracing the warm afternoon air samantalang kami heto, clueless.

"Ilaglag na ba natin?" Bulong ni Chord sa akin at itinuro si Cooper. Tsk tsk, Bad ampalaya.

"Itulak mo si Puma para malaglag siya sa akin! Beng! hahah," Biglang singit ni Luigi kayat agad siyang binatukan ni Chord.

"Che! Kay Dilly lang ako no!" Sigaw ko at pabitong niyakap si Dilly na tawa lang ng tawa. Were close since we were kids, walang malisya kahit yakapin ko siya. Siyempre may halong chansing yan! Ang pogi ni Dilly kayat grab the opportunity na! mehehehe.

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon