Chapter 29 : The Snitch

266K 12.1K 5.4K
                                    

29.

The Snitch

Third Person’s POV

“Anyare sayo? Umiyak ka ba?” Alalang tanong ni Chord kay Puma.

Ngumiti lang si Puma at Umiling, “Wala to, nanood lang ako ng hachiko.” Pagsisinungaling nito dahil nangako siyang walang pagsasabihan tungkol sa lagay ni Cooper.

“Wag ka ngang masyadong iyakin. Pinag-aalala mo ako niyan.” Niyakap ni Chord si Puma kayat niyakap rin siya nito pabalik. Napansin ni Puma na may inilagay sa leeg niya si Chord. Nasorpresa siya nang makita ang isang kwintas.

“Awww! Sweet! Bat mo ako binigyan nito?” Walang pagsidlan ng tuwa si Puma habang pinagmamasdan ang kwintas na may infinity pendant.

“Noon ko pa yan gustong ibigay sayo.” Ngumiti si Chord at ngayon si Puma naman ang yumakap sa kanya.

“Nga pala Chord, alam mo ba nasaan si Hurri? Ilang araw na siyang absent eh.” Tanong ni Puma kayat umiling na lamang si Chord.

“Hindi pa ito ang tamang  panahon para makausap natin siya.” Tipid na sagot ni Chord at inakbayan si Puma. Hindi na lamang nangulit si Puma.

Gaya ng dati, bago umuwi ay dinaanan muna nila ang classroom ni Dilly at gaya ng nakagawian ay naabutan nila itong nakaupo sa bench.

“Dilly!” Tawag ni Puma sabay alalay ditong tumayo.

“Hi! Nga pala Chord, pinapatawag ka ng soccer coach niyo. Emergency meeting daw.” Sabi ni Dilly kaya agad na napakamot si Chord sa ulo niya at napatingin kay Puma.

“Sige na, sumali ka na sa meeting. Mauna nalang kaming umuwi ni Dilly.” Pahayag ni Puma

“Talaga? Sigurado kayo?” Tanong ni Chord kaya tumango si Puma at ngumiti. Walang ano-ano’y bigla na lamang lumapit si Chord kay Puma at hinalikan ito sa pisngi. “Babay!” Sigaw nito at agad na tumakbo papunta sa soccer field.

“Yuck! Rabis mo!” Pabirong sigaw ni Puma.

“Yung totoo, boyfriend mo ba talaga si Chord?” Tumatawang tanong ni Dilly.

“Of course naman Dilly. It’s just that Chord and I are a special couple.” Proud na sambit ni Puma.

“Oo nga naman parehong special child.” Pang-aasar ni Dilly.

“Pasalamat ka bulag ka. Kundi naku…” Mahinang sambit ni Puma kaya tinawanan lamang siya ni Dilly. “Chord and I are a special couple in a sense that we are not like those cheesy people.  It’s not our thing. We have our unique ways on how to show our love for each other.” Dagdag pa ni Puma kaya tumango nalang si Dilly.

“Masaya ako para sa inyo.” Pahayag ni Dilly kaya agad na kumapit sa balikat niya si Puma.

“Kaya ikaw dapat magka-girlfriend ka na rin.” Giit nito.

“Nga pala Puma pwede ba akong magpasama sayo?”

“Sure. Saan?”

“Kay Shane…”

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon