Chapter 10 : His Girl

269K 13.4K 6.5K
                                    

Puma's Point of View


Once my dad dropped me off at school dali-dali na akong tumakbo patungo sa campus grounds. Jusko malapit na akong ma-late sa flag ceremony.

"Pssst!" 

"Pssst!"

Parang may sumusutsot sa akin kayat agad kong nilibot ang paningin ko at laking gulat ko nang makita ko si Hurri na nakaupo sa sanga ng isang puno. Kumakain pa siya ng lollipop habang kumakaway sa akin. Hindi siya nakangiti at patuloy lang siya sa pagsutsot sa akin na para bang pinagti-tripan ako.

"Hoy bumaba ka nga diyan! Malapit nang magsimula ang flag ceremony!" Sigaw ko sa kanya. Jusko! Nakakatakot ang posisyon niya! Baka makita ang undies niya!

"Flag ceremony are for dweebs. I need to tell you something" Nag-signal siya sa akin na umakyat din sa puno kayat dali-dali akong umiling at nagtatakbo patungo sa designated area naming seniors. Ako aakyat ng puno? No wayyyy!

Malapit lang sa amin ang area ng class nila Chord kayat madali lang kaming nakakapag-usap.

"Chord si Hurricane mo nasa taas ng puno baka malaglag yun or masilipan!" Hinila-hila ko pa ang braso niya kaso tiningnan niya lang ako na para bang baliw ako.

"Tapos?" tipid niyang tanong at tinanggal lang ang kamay ko sa braso niya.

What the hell? Bad mood na naman ba siya? Minsan talaga naiinis na ako sa kanya kasi napaka-moody niya.

"Dude! What if malaglag siya dun? Naku! baka ma-deads siya tapos mawawala na ang Hurrichord loveteam. Naku ayokong makasal sayo!" Daing ko sabay hampas sa braso niya. 

Lumingon siya sa akin kaso bigla akong kinabahan dahil halatang-halata sa mukha niya ang pagka-badtrip niya. Kahit super close kami ni Chord, natatakot parin talaga ako lalong-lalo na kapag nagagalit siya.

"So thats what this bullshit is all about. Tch." Napangisi siya at bahagyang napailing-iling. He's not frowning but I can tell, badtrip na badtrip talaga siya.

Why is he overreacting? I mean i've done worse. Nasira ko nga ang psp niya last year kaso di man lang siya nagalit. Tapos ngayong nire-reto ko siya kay Hurricane galit na agad siya. Kainis!

"Okay fine! kung hindi mo talaga type si Hurricane edi hahanapan kita ng iba! Madami pa naman akong kakilalang cute girls eh" His piercing eyes are really creeping me out kayat nag-zipper sign na lamang ako sa bibig ko.

Okay shut-up na si Puma. Katakot na si Melchoro.

"Is that what you really want? Me to be with someone else?" His soft voice made me feel bad in some way. I felt a bit guilty and I dont know why, I just feel like im a horrible person and I dont like it. Na-offend ko ba siya? Ano bang mali sa sinabi ko?

I dont know what to say. It was as if every word wouldnt come out from my mouth. 

Dahan-dahan akong tumango.

I looked him in the eye. For a few seconds we were both looking at each other and no one was uttering a single word. And suddenly, a smile curved on his face. He freaking smiled and then nodded!

Napahawak ako sa dibdib ko at agad na napabuntong hininga. I was relieved! Akala ko talaga galit talaga siya sa akin.

"Chord naman eh! Walang biruan ng ganun! Alam mo bang kinabahan talaga ako! Akala ko talaga galit ka sa akin!" Muli kong hinampas ang braso niya. Ngumiti lamang siya sa akin at biglang ginulo ang buhok ko na para ba akong isang bata.

Nagsimulang magsalita ang teacher naming magpe-preside sa flag ceremony kayat kaagad na kaming umayos sa pagkaka-linya ngunit laking gulat naming lahat nang bigla na lamang lumapit si Chord at umakyat sa stage.

Inagaw niya bigla yung mic ng teacher. Sa sobrang bilis ng pangyayari wala sa amin ang nakapagsalita. Kahit ang teacher namin wala siyang magawa kundi tingnan lamang si Chord na taas noong tumayo sa harapan naming lahat. 

Nababaliw na ba siya?! Nahawa na ba siya ng Rabies ni Cooper?!  Nasasapian ba siya ni Cooper?!

"Good morning everyone!" Walang emosyon ang mukha ni Chord nang sumigaw siya nito. Sinubukan siyang pababain ng iba pang mga teacher sa stage kaso di niya ito pinansin.

"Hurricane Shane Velez simula ngayon girlfriend na kita." Gulat na gulat ako sa narinig mula kay Chord. In an instant, napuno ang campus grounds ng bulung-bulungan samantalang ang iba namang students ay nagsigawan at nagpalakpakan. Pawang mga kinikilig at nagchi-cheer.

"Mess with my girl and i'll mess you up. Thats all. Have a nice day." Napa-smirk si Chord at agad na inihagis ang mic sa teacher naming gulat na gulat parin.

"OMG! Yung babae nalaglag sa puno!" Biglang may sumigaw ng napakalakas kayat agad kaming napalingon.

END OF CHAPTER 10

- - - - -

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon