Chapter 27 : Tying the loose ends

257K 13K 4.9K
                                    

27.

Tying the loose ends.

Third Person’s Point of View

 

[THEME SONG FOR THIS CHAPTER: TRY – SIMPLE PLAN]

“Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba wala kang pakialam sakin?” Tanong ni Shane habang nakataas ang kilay kay Chord.

“Mag kaibigan tayo. May pakialam ako.” Giit ni Chord kaya napasinghal lang si Shane at tinitigan ang dextrose na nakakabit pa sa kanya.

“Dapat ba akong maging masaya dahil magkaibigan tayo o malungkot dahil hanggang diyan lang tayo.” Bahagyang tumawa si Shane at kasabay nito ang pagtakas ng luha mula sa kanyang mga mata.

“Im sorry.”

“Sorry for what? For making me fall miserably inlove with you? Sorry’s not going to fix my heart Chord. The only thing that can fix my heart is you. Don’t leave. Love me. Were destined for each other and yet I’m the only one to notice that. Yung chewing gum, malalaglag ba yun sa ulo ko kung hindi tayo para sa isa’t-isa?” Malungkot na sambit ni Hurri habang nakatingin sa kawalan.

“Im sorry for not thinking about your feelings. Masyadong naka-sentro ang atensyon ko kay Puma noong mga panahong yun. Siya yung naging prayoridad ko kaya hindi ko naisaalang-alang ang mararamdaman mo. Sinabi sa akin ni Cooper ang tungkol sa chewing gum, sinadya niyang ikaw ang tamaan nun dahil alam niya ang reputasyon mo.”

Tuluyang naiyak si Shane sa narinig, “So kaya mo inanunsyo sa lahat na girlfriend mo ako dahil dun? Alam mo, hindi ako tanga para maniwala nang sinabi mo yun sa lahat pero hindi naman ako manhid para hindi kiligin. Alam ko sa simula pa lang na may mali… Alam ko sa simula pa lang na wala kang gusto sa akin dahil mahal mo si Puma pero ako tong tanga na umasa na balang araw mamahalin mo rin ako higit pa sa pagmamahal mo sa kanya.”

“Patawarin mo ako. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Muling sambit ni Chord habang nakayuko.

“I wish that I could hate you as much as I hate myself but I can’t because I love you.”

“Sorry….”

“Just leave. Please Chord layuan mo nalang ako. Siguro sa ganung paraan unti-unti kitang makakalimutan. Kung magkikita tayo, wag mo akong kakausapin. Don’t even say hello to me.” Bilin niya.

“Mapapatawad mo pa ba ako?” Tanong ni Chord.

Ngumiti si Shane ng mapait, “Before I could forgive you, I should unlove you first. I must admit right now, I really hate you.”

Tumango na lamang si Chord.

 “Just promise me you’ll take care of yourself. If you need me, im still here to be your friend.”

“Just shut up Melchoro Kang.”

-------

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon