Chapter 22 : Before its too late

275K 13.8K 8.1K
                                    

22.

Before its too late

Third person’s point of view

 

flashback.

Aligagang napatingin si Chord sa relo niya at napabuntong-hininga na lamang siya sa panlulumo nang makitang Malapit nang mag-alas sais ng gabi.

“Chord may lakad ka ba?” Nagmamaang-maangang tanong ni Hurri na katabi lamang niya sa waiting area ng ospital.

“Oo, manonood kasi sana kami ng sine ni Puma ngayon. Hehe.” Ngumiti na lamang si Chord.

“Omg, sorry talaga. Akala ko magiging mabilis ang pagtanggal ng cast ko, di ko kasi alam na kailangan pa palang mag-set ng appointment.” Bahagyang iniyuko ni Hurri ang ulo niya na para bang nalulungkot, “Kung gusto mo pwede mo naman akong iwan dito ng mag-isa. Kaya ko naman eh. Sanay na akong mag-isa.” Nanlulumong sabit nito at ngumiti ng bahagya. Tipong ngiting may kahalong lungkot kayat agad na napailing-iling si Chord dala narin ng hiya at awa.

“Naku hindi! Okay lang, maiintindihan naman siguro ni Puma. Hehehe.” Ngumiti na lamang si Chord upang wag nang mag-alala at malungkot pa si Hurri. “At isa pa ako ang may kasalanan kung bakit yan nangyari sayo, di kita iiwan hanggat sa di ka pa gumagaling.” Giit ni Chord dahil narin sa hiya at guilt.

“So kapag gumaling na ako? Di mo na ako sasamahan parati?” Bakas ang lungkot sa boses ni Hurri kaya tumawa nalang si Chord.

“Adik ka bagyo. Siyempre kapag magaling ka na, di mo na kailangan ng aalalay sayo. Makakalakad ka na ng maayos eh!” Giit ni Chord habang tumatawa kaya ngumiti na lamang ng pilit si Hurri. “Nga pala gusto mo ng maiinom? May nakita akong vending machine sa baba.”

“Coffee nalang.” Sambit ni Hurri kaya dali-daling umalis si Chord upang bumili. Napatingala si Hurri habang pilit na pinipigilan ang luha mula sa mga mata niya. Labis siyang nasaktan nang marinig mismo mula kay Chord  na tila ba isa lamang siyang obligasyon. Labis siyang nasaktan dahil alam niyang oras na gumaling na siya ay magiging mag-isa na naman siya gaya ng dati.

Narinig ni Hurri na may tumunog na cellphone sa tabi niya at nakita niyang iniwan pala ni Chord ang bag nito sa upuan. Napabuntong-hininga si Hurri at kinuha ang cellphone mula sa bag, nainis siya nang makitang nag-text si Puma kay Chord. Ngunit mas lalo siyang nagalit nang makitang litrato ni Puma ang mismong wallpaper nito.

“You can’t take him away from me Puma.” Mahinang sambit ni Hurri at dali-daling pinatay ang cellphone at itinago ito sa kanyang bulsa.

Maya-maya pa ay dumating si Chord habang dala-dala ang mga pagkain at maiinom. Nakangiti si Hurri na kumaway sa kanya na para bang walang nangyari.

Ilang sandal rin silang nagkwentuhan nang mapansin ni Hurri na tila ba may hinahanap si Chord sa bulsa at bag niya.

“Anyare?” Painosenteng tanong ni Hurri kahit pa alam niya kung ano ang hinahanap ni Chord.

“Yung cellphone ko. Shit kailangan ko pang tawagan si Puma. Baka hinihintay ako nun.” Aligagang sambit ni Chord na halatang naiinis na dahil hindi niya ito mahanap.

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon