Chapter 4 : I loathe you

372K 15.2K 3.6K
                                    

Hurricane Shane's  POV

Napakainit naman ngayon, dinaig pa yung  summer season kaso mas uminit pa dahil sa akin, hot ako eh. Nakakainit din ng ulo tong mga students dito, kung makatitig sa akin para namang napakasama kong tao. Parang takot silang lahat sa akin eh. While walking along the pathway, umiiwas talaga sila sa akin kaya heto sa gitna talaga ako naglalakad. Kulang nalang red carpet.

Do I really look that mean? Sheesh!

Papasok na sana ako ng school building kaya lang I recieved a call from my mom.

"Shane nag-lunch ka na ba?" Mom asked me

The usual, she's being the overprotective woman that she is and I so love her for that.

"Done mom. Its almost class so bye na" Hindi ko siya gaanong marinig kasi parang may nagsisigawan.

"No wait. Shane this is your last chance, please stay out of trouble" mom pleaded so i just rolled my eyes. As much as I want to stay out of trouble, I just cant. Im not a bitch, life is. Mukha lang talaga akong mataray dahil sa mukha ko and besides I was bullied back when I was a freshman and I dont want that to happen so lumalaban na ako. Malay ko bang mababansagan akong bitch dahil sa pagtatanggol sa sarili ko. 

"You and Dad named me Hurricane. I cant stay out of trouble, pangalan ko palang gulo na." I said and ended the call. 

Bigla kong naramdaman na parang may nalaglag sa ulo ko kayat bahagya akong napatingala. Aish hangin lang siguro yun. Kinuha ko nalang muna ang compact mirror at lipgloss sa bag ko. I cant enter the classroom looking so haggard. 

"Miss tanga!" nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko kayat agad akong napalingon. Wait ako ba yung tangang sinasabi niya?

Biglang nanlaki yung mata ng lalaki samantalang yung akin naningkit dahil sa inis. Look who we have here, the principal's son. Pag ako di nakapag-pigil papakainin ko talaga siya ng lupa!

"Ugly Jerk" I hissed and walked away.

"Hoy tanga sandali may chewing gum sa ulo mo" Natigil ako sa paglalakad at agad na lumingon sa kanya. Napangisi ako.

"Palusot ka pa, ang sabihin mo sinusundan mo ako kasi gusto mo ang number ko" I said nonchalantly. Ganyan naman talaga sila eh, may paechos-echos pa number lang naman ang gusto. Landi ni koyaaa.

"666 ang number mo at ngayon may chewing gum ka sa ulo. Tanga." He said in a serious tone. Bigla akong kinabahan kasi mukha talaga siyang seryoso kayat dahan-dahan kong itinaas ang compact mirror para maaninag ko ang ulo ko. 

"Akin na yan" biglang lumapit sa akin ang loko at tinulungan akong maaninag ang likurang bahagi ng ulo ko sa pamamagitan ng ulo ko and then I saw it.... May chewing gum nga sa buhok ko! EWWWWWW!

Sa pandidiri ay agad akong napatalon-talon. "Get it out! Remove it! Remove it! Ew! Ew! Ew!" Sigaw ako ng sigaw habang hinihila ang kwelyo ng lalaking mukhang unggoy. 

"Teka teka! Kalma! Nasasakal ako!" Sigaw niya ngunit wala akong pakialam.

"Eww! Tanggalin mo! Parang-awa mo na! Yuck! Eww! Ewww!"

Sinubukan niyang kunin ang chewing gum gamit ang sarili niyang kamay, "Eww! Hinawakan mo ang chewing gum na may laway! Yuck! Kadiri ka!" Sigaw ko sa kanya habang para parin akong watusi na sinisilaban sa kakatalon at pangingisay.

"Tinutulungan na nga kita ikaw pa tong nag-iinarte!" Sigaw niya at akmang aalis kayat dali-dali ko siyang hinila pabalik.

"Hoy sandali tulungan mo ako! Parang awa mo na! Tulungan mo ako!" Pagmamakaawa ko. I dont care I just want this gum off my beautiful hair. Ewww talaga!

"Wag kang gumalaw kung ayaw mong makalbo" He warned me kayat pumikit na lamang ako at nagrosaryo sa isipan ko. Jusko tulong!

Mayat-maya akong napapasigaw kasi pakiramdam ko nasasabunutan na ako nitong lalaking to pero I cant blame him madikit lang talaga masyado ang chewing gum.

"Promise you wont hit me?" He asked kayat saglit kong idinilat ang mga mata ko.

"What?!" I asked pero nagulat nalang ako dahil bigla akong nakaramdam ng matinding sakit sa ulo ko kayat agad akong napasigaw sabay hawak dito.

"Mission accomplished" Sabi niya habang naka-smirk. Napatingin ako sa kamay niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang maraming hibla ng buhok ko sa kamay niya at nakadikit pa dito ang chewing gum na halos durog-durog na.

"Oh, wag kang OA hindi ka nakalbo."

"My beautiful hair," I whispered and gave him my death stare, "Im going to kill you!!!!" Sigaw ko habang namimilipit parin sa sakit ng ulo ko. Dali-dali siyang napatakbo kayat agad ko siyang hinabol. Expell na kung expell, mapapatay ko talaga siya at yung kung sino mang hayop at nandura sa akin ng chewing gum!

"Takbo mga chicken!" Sigaw niya na para bang inaasar ako. Nakakahingal tumakbo di ko siya maabutan! Shit naman!

Natigil ako sa pag-takbo nang makitang may nalaglag mula sa bulsa niya. Hindi niya yun napansin at nagtuloy-tuloy na sa pagtakbo palayo sa akin hanggang sa hindi ko na siya naaninag.

Nakakatamad tumakbo kaya naglakad nalang ako patungo sa bagay na nalaglag niya. Ngayon ko lang narealize, pinagtitinginan pala kami ng lahat ng students. Tss, paki ba nila?

ID pala niya ang nalaglag. Bwahahaha. Ha-huntingin kitang unggoy ka.

Tiningnan ko ang litrato at pangalan niya -- Humanda ka sa akin MELCHORO KANG.

Wait what? MELCHORO?! HAHAHAHA!

END OF CHAPTER FOUR

- - - - - - - - -- 

Author's Note : Hurricane Shane on the Multimedia box. Advance Happy new year guys! :))

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon