Second Stanza

287K 9.6K 2K
                                    


Second Stanza

JARREN REYES

"Silver lining the cloud. Oh and I. I wish I could work it out."

- Coldplay, The Hardest Part


"Binata na si Ayen! Nabinyagan na siya!" sabi ni Jasper Yu---ang drummer ng EndMira at kabarkada ko.

Hawak hawak niya ang puting polo ko na may mantsa ng lipstick sa bandang dibdib at iwinawagayway niya nito sa harap ng iba pang members ng EndMira.

Ang gago talaga ng isang 'to.

Itinago ko na nga yun sa kaila-ilaliman ng laundry para walang makakita, sukat nahalungkat pa nitong ungas na 'to.

Kaya ayokong nag-iiwan ng kahit anong gamit dito sa headquarters ng EndMira, eh. Sadyang di ko lang din kayang i-uwi yung polo na yan sa bahay dahil pag lola ko naman ang nakakita niyan, baka atakihin siya sa puso.

"Ayen, grabe ka pre!" sabi ni William habang tinitignan yung polo. "Normal na lipstick mark sa may manggas o collar, pero sa'yo sa dibdib?! Grabe ka! Ibang klase!"

"Hindi ko ma-imagine kung paano ka nagkaroon ng lipstick mark sa lugar na 'yan, Ayen," sabi naman ni Geo na para bang ina-assess pa niyang maigi yung mantsa ng lipstick. "Nakarating na agad yung labi ng babae sa parte mong yan?"

"Baka may kagatan ng nangyari," naka-ngising sabi ni Jasper

"Gago," sabi ko sabay hablot nung damit ko kay Jasper.

Nagtawanan yung tatlong ungas. Napakamot na lang ako sa likod ng tenga ko dahil sa inis at iniwan ko sila doon atsaka ako pumasok doon sa laundry area.

Isang bahay ang headquarters ng EndMira. Isang floor lang 'to na may anim na kwarto sa baba kaya medyo malawak. May mini kitchen at mini dining area, may garden din at pool.

Dito madalas nag p-practice ang EndMira at dito rin ginagawa ang mga meetings namin. May pagkakataon din na dito kami umuuwi kaya parang nakatira kami sa isang bahay.

Ako naman, dito ako madalas nagsusulat kasi karaniwan, ako lang naman mag-isa dito. Medyo maingay kasi sa bahay namin dahil maraming bata. At least dito, tahimik. Umiingay lang pag nandito na ang ibang members. Madalang dito matulog sina Geo, William at Ice. Si Jasper medyo madalas---pag umuuwi siyang lasing at may dinadalang babae.

Nung isang araw nga nag live show pa yan sa harap ko habang nakikipag one night stand sa isang artista, eh. Parehong lasing yung dalawa kaya naman di nakita na may ibang tao pa sa headquarters bukod sa kanila.

Ibinaon ko ulit sa kaila-ilaliman ng laundry basket ang polo ko.

Bwiset na babae sa mall yun. Sukat inginudngod ang mukha sa polo ko habang iyak siya nang iyak.

Hindi na nag si-sink in ang mga sinasabi niya sa akin doon kasi busy akong ma-concious sa tingin ng mga tao sa paligid namin. Pagkabigay ko sa kanya ng contact number ng talent agency namin, nagmamadali na agad akong umalis kasi grabe na ang eksenang ginagawa namin sa gitna ng mall.

But on the other hand, I was amused by her. I didn't realized na there's someone who would recognize me.

First time kong maranasan na may nagpa-picture sa akin and it's kind of----overwhelming.

Kapag tinitignan ko ang ibang EndMira at may nag papa-picture sa kanila, parang sanay na sila at wala na lang sa kanila yun. Pero masarap pala sa pakiramdam.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon