Thirty First Stanza

222K 8.9K 3.7K
                                    

Thirty First Stanza

JARREN REYES.

"Tulad mo ba akong nahihirapan lalo't naiisip ka?"

- Join the Club, Nobela

Ngayon ko lang na-realize, hindi pala talaga madali ang ginagawa ni Jasper Yu. Dapat pala sambahin ko ang mokong na yun sa tibay ng loob niya, eh. I mean, paano niya nagagawang bumanat nang hindi ito binabawi?

'Kapag ba pinush ko 'tong feeling na 'to, hindi mo 'ko iiwasan?'

Napakamot ako sa gilid ng ulo ko dahil sa inis.

Sinabi ko ba talaga yun? Potek. Anong kalokohan ang pinagiisip ko at bumanat ako nang ganun?

At oo na, nasabi ko na, hindi ko pa nagawang panindigan. Sukat gumawa pa ako ng palusot sa kanya. Isang napaka-lame na palusot. Ayan, na-beastmode tuloy siya. Inalisan ako at tinabihan si Geo.

Paano kung mapatunayan nga niya sa akin na si Geo talaga ang gusto niya? Paano kung makumbinsi niya talaga ako?

Bahagyang nakabukas ang pinto ng conference room at mula rito sa kinatatayuan ko sa labas, tanaw ko si Mia na nakaupo sa tabi ni Geo. Naguusap silang dalawa. May sinabi si Geo kay Mia na ikinatawa naman ni Mia.

Ang saya nang tawa niya ha? Nakakabadtrip.

Napatingin si Mia sa pwesto ko at nang magtama ang mga tingin namin, she winked at me.

Aba't---!

Ibinalik niya ang tingin niya kay Geo at yung mokong naman na yun, tuloy tuloy sa pagkukwento. Akala ko ba broken siya? Lately ang anti-social niya, eh. Pero kung makapag kwento siya ngayon kay Mia akala mo walang pinagdaraanan.

At ito namang si parang aliw na aliw sa mga sinasabi ni Geo! Nakapangalumbaba pa siya habang nakikinig sa kwento nang mokong na yun. Masyado siyang maganda sa pwesto niya na yan. So talagang inaakit niya si Geo?

Shit. Paano kung mahulog si Geo sa kanya? Hindi malabong mangyari yun.

Napatalikod na lang ako at muling napakamot sa ulo.

Ano ba. Ang affected ko masyado. Kung mahuhulog man si Geo sa kanya, hindi ba't magandang bagay yun? At least, hindi niya magiging panakip butas si Mia. Pag nangyari yun, makaka move-on na rin si Geo sa past love niya. At ganun din si Mia. Mabuti silang tao pareho and they both deserve each other.

Napabuntong hininga ako.

Napaka positive na bagay but still, ang bigat sa loob ko.

I hate this. Kagagaling ko lang sa ganitong sitwasyon tapos eto na naman?

"Uy pre!"

Napalingon ako nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko at nakita ko si Geo.

"Oh... ikaw pala yan."

"Kanina ka pa ba rito?" tanong niya.

"Halos kararating lang," sabi ko naman. "Saan ka punta?"

"Aakyat lang ako saglit. Babati kay boss," sabi niya. Ang boss na tinutukoy niya ay yung may ari ng agency namin.

"Ah, sige lang."

Nang makaalis si Geo, agad akong pumasok sa loob ng conference room at umupo doon sa kaninang pwesto niya.

"Hey! Diyan si Geo!" Mia hissed.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon