Forty First Stanza

215K 8.1K 2.4K
                                    

RECAP (para sa mga nakalimot sa nangyari)

- Nalaman ni Mia na siya ang dahilan kung bakit hindi na nakakatugtog si Ayen kaya naman nag quit siya sa competiton. Nang malaman ni Ayen na nag quit si Mia, he confronted her. Hindi makasagot si Mia, instead, she told Ayen na mag date sila, isang buong araw, after nun, sasabihin na niya ang lahat. Ayen agreed and invited Mia to go on a roadtrip.


Forty First Stanza

MIA MILLS.

"How could I ever let you go? Is it too late to let you know?"

- MYMP, Only Reminds Me of You

Isang buong araw.

Isang buong araw kung saan normal lang ang lahat.

Walang aksidenteng nangyari. Walang napaka komplikadong sitwasyon. Walang problema.

It's just me and Ayen and our love for each other.

Isang buong araw kung saan pwede kong isipin na isa lang kaming ordinary couple kung saan ang mga problema namin ay ordinaryo lang din. Yung tipong ang mga hindi namin pinagkakasunduan ay kung saan kami kakain, saan kami pupunta, ano ang dapat namin gawin.

Ayun lang.

Simple lang.

Walang pang teleseryeng problema.

Isang araw lang. Kahit ngayong araw lang. Isang nakaw na araw.

Dahil pag natapos na ang araw na 'to, sasabihin ko na sa kanya ang lahat. Ang tungkol sa aksidente at kung paano ko ninakaw ang pangarap niya.

And yes I admit, I'm scared to death. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Natatakot ako na baka habang buhay niya na akong hindi patawarin. Pero mas natatakot ako na mawala siya sa akin ng tuluyan.

Napapikit na lang ako and I whisper a silent prayer.

God, kung ano man po ang mangyari, sana makayanan ko.

~*~

Hindi ko napansin na naka-idlip pala ako sa sasakyan. Pag gising ko, wala na kami sa city.

Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse at nakita kong nasa south na kami going to Laguna.

"Yun, gising ka na. Mag stop over muna tayo saglit sa Nuvali. May kailangan tayong bilin," sabi ni Ayen.

"Ano?"

He grinned, "secret."

Medyo napaayos ako ng upo.

"Saan ba tayo papunta?"

Mas lalong lumawak ang ngiti niya, "secret ulit."

Pinanliitan ko nang mata si Ayen.

"Sige clue na lang."

"Clue? Hmm.." napaisip si Ayen. "May mga tao doon."

I rolled my eyes at him, "malamang!"

Napatawa naman ng malakas si Ayen.

"Dali na, ano nga?" pangungulit ko sa kanya.

"Basta, mag-tiwala ka lang sa akin. Mag eenjoy ka," he winked at me kaya naman napangiti na lang ako.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon