Twentieth Stanza

218K 8.3K 2K
                                    

Twentieth Stanza

MIA MILLS.

"Iiyak mo na ang lahat sa langit. Iiyak mo lang ang lahat sa akin."

- 6 Cycle Mind, Sandalan

"Pwedeng....paiyak?"

Nakakatawa kasi the moment na sinabi niya sa akin yan, mas nanunang bumagsak ang mga luha ko kesa sa kanya.

There's something about how he said those words that hit me hard.

Siguro dahil ramdam na ramdam ko ang pain niya. Damang dama ko kung gaano siya kalungkot ngayon. And I can understand him because I know how he feels. Dahil naramdaman ko na ang nararamdaman niya ngayon. Dahil alam ko na sobrang hirap dalhin yung pain na yun.

I raised my arms and I was about to hug him back nang bigla siyang humiwalay sa pagkakayakap akin.

"S-sorry. I---I shouldn't be doing this. Hindi dapat kita dinadamay."

"Sir Ayen---"

"Sorry sa istorbo," tinapik niya ako sa braso, "you take care." At bago ko pa siya mapigilan, dire-diretso na lang siyang lumabas sa apartment namin.

Napatulala na lamang ako habang nakatingin kay Ayen na pasakay na sa kotse niya at nagmamadaling umalis.

Nang tuluyan siyang maka-alis, napa-upo ako sa sofa namin dahil sa sobrang panlalambot.

Huminga ako nang malalim. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Pakiramdam ko na-brokenhearted ako nang pangalawang beses.

Yung itsura kanina ni Sir Ayen, yung boses niya, yung mga tingin niya, parang any moment bibigay na siya. Parang nagmamakaawa siya sa akin na tulungan ko siya kasi hindi niya kinakaya ang sakit.

And I want to help him. I want to comfort him. Willing akong maging sandalan at panyo niya habang umiiyak siya. He did a lot of things for me. Binigyan niya ako ng chance na maabot ang pangarap ko. Tinutulungan niya akong maging mas mahusay pa. Nung gig, kahit nag-away kami nun, ginawa pa rin niya ang lahat maalis lang ang kaba ko. Siya ang dahilan kung bakit ko natapos ang kanta na yun kahit pinapaalis na ako ng mga tao. At nung araw na malungkot ako, he tried his best para mapasaya ako.

At gusto kong bumawi sa kanya. Gusto kong tulungan siya. Wala akong paki kung madamay ako. Kung ako lang ang taong mapagsasabihan niya ng sama ng loob, pwedeng pwede siyang lumapit sa akin.

Pero mas pinili pa rin niyang harapin 'to nang mag-isa.

Hindi ba siya nalulungkot? May mga tunay siyang kaibigan pero mas pinipili pa rin niyang i-isolate ang sarili niya.

Lagi siya ang hingian ng advice pero pag siya na ang nasasaktan, wala na siyang mahingan ng tulong.

Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

And this time, I'm not crying for myself.

I'm crying for this sad, broken guy because I feel sorry for him.

~*~

Kinabukasan, pumunta ako sa studio para kunin ang bayad sa akin doon sa gig ng EndMira na tinugtugan ko. Pagkarating ko doon, nakausap ko naman yung isang producer na naging ka-close ko na rin---si Sir VJ. Napagusapan naming ang about sa nangyari sa akin sa gig.

"Don't feel bad about sa nangyari. Hindi magandang experience, pero pinagdaraanan talaga yan. Alam mo ba kahit ang EndMira napalayas din dati nung nag front act sila sa concert ng isang sikat na banda dati? But look at them now. Mas sikat na sila kesa doon sa bandang yun."

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon