Thirty Seventh Stanza

226K 8.1K 3.3K
                                    

Thirty Seventh Stanza

MIA MILLS

"All I feel in my stomach is butterflies. The beautiful kind, making up for lost time, taking flight, making me feel like I just wanna know you better."

- Taylor Swift feat. Ed Sheeran, Everything Has Changed

City lights. Starry night. Cold wind. A bottle of beer. And the person you love sitting beside you.

Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung nananaginip ba ako. May mga bagay talaga na too good to be true. Katulad ngayon. Pareho kaming naka-upo sa harap ng kotse ni Ayen. May tig-isang bote ng red horse sa kamay habang nakatingin sa kalangitan. The sky is full of stars. Para bang nakiki-isa sila sa nararamdaman ko ngayon.

Para pa rin akong lumulutang sa alapaap. When Ayen told me he's in love with me, pakiramdam ko right then and there, my heart stopped beating. And I suddenly feel alive again when he kissed me. Until now, I can still feel the ghost of his lips on mine.

Napatitig ako kay Ayen na kasalukuyang nakatingin sa malayo. Uminom siya mula sa bote ng Red Horse na hawak niya. There's a peaceful smile on his lips. Napangiti rin ako.

"Kelan pa?" tanong ko sa kanya.

Napalingon siya sa akin at napailing habang ngingiti ngiti.

"Pangatlong beses mo na sa aking tinanong 'yan."

"Wala lang. Until now hindi pa rin ako makapaniwala na ako na ang gusto mo. Na naka moved on ka na kay Timi at ako na talaga ang gusto mo. Panaginip ba 'to?"

Ayen gave me a playful smile, "gusto mo patunayan ko ulit sa'yo na hindi 'to panaginip?"

Tinaasan ko siya ng kilay then I bit my lip to stop my self from smiling pero wala, mas pinangunahan ako ng kilig kaya napangiti rin ako nang malawak.

"Nakakainis ka!" hinampas ko siya.

"Aray!" sabi ni Ayen sabay himas ng braso niya na hinampas ko. "Masakit. Kailangan i-kiss para mawala."

Napangiti ulit ako sabay irap.

"Puro ka ganyan. Kulang naman sa gawa," bulong ko.

"Pag ako gumawa..." sabi niya with a warning tone sabay inom ng alak.

"May mabubuo?"

Bigla siyang nasamid sa tanong ko at kitang kita ko ang pamumula nang buong mukha niya. Bigla akong napatawa.

Edi siya ang nag blush ngayon. Kanina pa ako kilig na kilig dito eh. Siya naman. Mamaya matuluyan na ako.

"Ay sorry. Virgin ka pala," tatawa tawa kong sabi.

"What--? Puro ka kalokohan!" sabi niya at pabiro niya akong pinitik sa noo.

Napahawak ako sa noo ko at nagkunwaring nasaktan.

"Masakit ano ba 'yan! Kailangan i-kiss," sabi ko.

A wide grin broke upon his face. Hinawakan niya ang magkabilang side ng mukha ko at hinalikan ako sa noo.

Ako naman ngayon ang nag init ang mukha.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon