Thirty Fourth Stanza

220K 9.1K 5.9K
                                    

Thirty Fourth Stanza

MIA MILLS.

"Asan ba 'ko sa'yo? Aasa ba 'ko sa'yo?"

- Moonstar88, Migraine

Before, kada mag p-perform ako sa harap ng maraming tao—mapa-gig man o audition, there's this part of my brain na nag o-auto delete sa ginawa ko sa performance ko. Ang tanging naaalala ko lang ay yung kaba na naramdaman ko, yung takot na mapahiya ako, atsaka yung mga pagkakamali ko. The rest is a blur.

Pero itong performance ko na 'to, mula sa pag akyat ko sa stage, sa unang strum ko ng gitara, sa unang linya ng kanta, hanggang sa matapos ako---tandang tanda ko lahat.

How can I forget it kung sa buong performance ko, nakatitig siya sa akin? Nakangiti, nag ch-cheer. Yung itsura niya, proud na proud sa akin.

Tapos nabuhat pa nya 'ko sa sobrang saya niya nang i-announce na pasok ako sa preliminary. Na isa ako sa mga sasabak sa stage.

Napayakap ako nang mahigpit sa unan ko at napatingin sa orasan. Alas-dos na ng hating gabi. Kanina pang six pm kami nag hiwalay ni Ayen. By ten pm, nakahiga na ako sa kama. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makatulog. Paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko yung mga nangyari. And fuck, kinikilig ako ano ba.

Ayen naman, eh. Why? Why are you making me feel this way? Natatakot na ako! Sobrang saya ko ngayon, feeling ko may kapalit ito. Pero kasi naman!

Kinuha ko ang phone ko at in-open ko na lang ang Facebook ko para i-stalk si Ayen kahit alam kong bihira lang yun mag online.

Nagulat naman ako na may notification ako galing sa kanya. He tagged me sa isang photo. I opened it at nakita kong yung selfie namin kanina nung audition. Doon sa photo, naka-akbay siya sa balikat ko. Ngiting ngiti siya at parang proud na proud siya sa akin.

Nilagyan pa niya ng caption na: "So proud of her!"

Nagpagulong gulong ako sa kama then I buried my face on my pillow atsaka ako nagtititili. With matching padyak pa sa ere.

Ano ba! Feeling ko balik highschool ako sa tindi ko kiligin eh.

Plano ata akong patayin ni Ayen?

Kinuha ko ulit ang phone ko at nag comment ako sa photo ni Ayen with matching heart react doon sa post.

Mia Mills: "Magaling kasi yung nag turo <3"

Gusto kong kurutin ang sarili ko. Ang harot harot ko. So may pa-puso puso pa akong nalalaman? Hindi ko na talaga makuhang pangunahan ng hiya.

Bago ko pa maisipan ulit i-delete ang Facebook app ko, inilagay ko na lang ang phone ko sa ilalim ng unan ko at nagtangkang matulog. Pero wala pang tatlong minuto ang nakakalipas, naramdaman kong nag v-vibrate ito.

Kinuha ko ang phone sa ilalim ng unan at chineck ko kung ba't nag v-vibrate. Halos mabitawan ko ito nang makita kong tinatawagan ako ni Ayen.

Fuck.

He's calling me. And it's already two midnight.

Nanginginig ang kamay kong sinagot ang phone.

"Hello?"

"Hi Mia," he answered from the other side of the line. His voice is husky and quiet. It's making my heart jump. "Bakit gising ka pa?"

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon