Fourth Stanza

248K 8.6K 1.4K
                                    

Fourth Stanza

MIA MILLS

"Do you have to make me feel like there is nothing left of me?"

- Demi Lovato, Skyscraper

Mag h-hi ba ako? B-beso? Makikipag shake hands? Mag h-hello? O wag ko na lang kaya siyang pansinin?

May meeting ngayon ang bagong mga singer ng J&R Entertainment para pag-usapan ang mga susunod na plano sa amin.

Kararating lang ni Sir Ayen at isa-isa niyang kinakamusta yung mga kasamahan ko. Ngiting ngiti siya habang nakikipagkamay dito. Yung ibang mga kilala niya na, tinatapik niya sa braso.

"Sir Ayen! Grabe ha, pinapakinggan ko yung new single ng EndMira ngayon. Ang ganda!" puri ni Jasmine, yung vocalist ng bagong banda na binubuo nila.

"Syempre magaling ang EndMira, eh!" proud na proud na sabi ni Ayen.

"At ang ganda ng kanta! Ang galing nung gumawa!" sabi ni Jasmine.

"Sus, binobola mo naman ako," natatawa-tawang sagot ni Ayen.

Napayuko ako bigla.

Bakit ang friendly ni Sir Ayen kay Jasmine at doon sa iba pa? Eh sa lahat sa amin dito, ako yung nagiisa niyang ginawan ng kanta pero ang sungit sungit niya sa akin.

Naalala ko na naman tuloy bigla yung sinabi niya sa akin.

'Lagyan mo ng emosyon para hindi halata na you're just doing this for money.'

Buong gabi akong umiyak nun dahil sa mga binitiwang salita ni Sir Ayen sa akin. Yung feeling na yung taong grabe mong hinahangaan ang huhusga sa'yo nang ganyan?

Hindi ko alam kung bakit niya nasabi ang mga bagay na yun sa akin. Ni hindi niya alam kung ano ang dahilan ko sa pagtugtog, hindi niya alam ang mga bagay na ginive-up ko para lang ma pursue ko ang pangarap na 'to.

Hindi niya alam na isa siya sa mga dahilan kung bakit nagsusumikap ako. Isa siya sa mga inspirasyon ko.

Tapos bigla akong makakarinig ng mga ganung salita mula sa kanya.

Feeling ko tuloy mas lalong nabawasan ang kakarampot na self confidence ko.

That night, umaayaw na ako. Dapat tatawagan ko na si mommy para sabihing babalik na ako sa States. Aaminin ko na rin na break na kami ni Sam. Kaya lang si Sammie, pinutol ang internet connection namin at tinago ang phone at laptop ko. Nakatikim ako ng katakot-takot na pangaral mula sa kanya. Na kesyo ang mga pangarap, hindi sinusukuan agad, blah blah blah.

She is also the one who forced me to attend this meeting. In all honesty, I don't know if it is a good idea na pumunta ako rito ngayon.

Ayoko makita si Sir Ayen.

But at the same time, gusto ko rin talaga siyang makita. As in gustong gusto. At gusto ko rin makipagbiruan sa kanya tulad ni Jasmine. Gusto kong maging friends kami.

Kasi naman! Ang init ng dugo niya sa akin. Talaga bang dinamdam niya ang pagkakalagay ko ng lipstick sa polo niya?

"Oh ikaw yung marunong tumugtog ng violin?" dinig kong tanong ni Sir Ayen.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon