Nineteenth Stanza

215K 8.4K 2.6K
                                    

Nineteenth Stanza

JARREN REYES

"Ibubulong ko na lamang sa alapaap ang sigaw ng damdamin ko."

- Silent Sanctuary, Maalala Mo Sana

"What the hell are you doing here?! Paano kayo nakapasok sa condo ko?!" sigaw ni Timi at bakas sa kanyang mukha ang pagkairita.

"Anong ginagawa niyong dalawa?!" tanong ko at hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko sa kanya. Parang biglang nagdidilim ang paningin ko. Ikinuyom ko ang mga kamay ko dahil nanginginig ako sa sobrang galit.

"Shit ka pre. Kahapon lang natin napagusapan ang tungkol sa bataan, ginawa mo na agad!" sabi ni Jasper kay Ice.

"Mali ang iniisip niyo--!" sabi naman ni Ice na agad pinutol ni William ang paliwanag niya..

"Isang tanong isang sagot, kayong dalawa na ba?" tanong niya.

Sabay na tumango si Timi at Ice.

Gusto ko nang mamatay.

Tangina. Ang sakit.

Tinanong ni William ang dalawa kung may nangyari ba sa kanila. Pareho nilang sinabi na wala. May mga sinabi pa sina Jasper pero halos hindi ko na naiintindihan ang mga yun.

Sila na. Sila na. Sila na.

Tangina, sila nang dalawa.

Ine-expect ko na naman na darating ang araw na 'to. Alam ko namang malaki talaga ang chance na magkabalikan silang dalawa dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na mahal pa rin nila ang isa't-isa.

Pero pucha naman, bakit naman ganitong kasakit pa rin? Akala ko naihanda ko na ang sarili ko. Pero shit talaga. Ang sakit.

Tinignan ko si Ice. Busy siya makipagtalo kina Jasper.

Napahinga ako nang malalim.

"Ice, tumayo ka! Maguusap tayo ng masinsinan!" sabi ko sa kanya at kita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa biglaan kong pagtataas ng boses. Kahit kailan hindi ko siya pinagtaasan ng boses. Nilingon ko si Timi at kita kong iritang irita na siya. "Timi, dito ka lang sa kwarto mo!" utos ko sa kanya.

"Aba hoy! Pamamahay ko 'to!"

"I don't care!" sigaw ko at natahimik siya. Tinalikuran ko sila at nauna akong naglakad papalabas ng kwarto niya.

Napahawak ako sa pader bilang suporta. Napahinga ako nang malalim.

Nakakabaliw naman 'tong sakit na 'to. Pakiramdam ko unti unti akong pinapatay.

~*~

We talked to Ice. Mostly, Jasper, William and Geo do the talking. Ako, nakikinig lang. Mahal niya talaga si Timi. Mahal na mahal niya talaga si Timi at hindi niya 'to sasaktan.

And I want to be happy for her. Kaso siguro nga sobrang selfish ko. Walang ibang pumasok sa isip ko kundi, ganun ko rin naman kamahal si Timi, hindi ko rin naman siya sasaktan. Pero bakit? Bakit hindi ako ang mahal niya? Bakit si Ice?

Nung sinaktan siya ni Ice, ako ang nasa tabi niya. Nung pumunta siya sa ibang bansa, ako ang madalas kumontak sa kanya para kamustahin siya. Ako ang palagi niyang kausap. Nung makabalik siya rito, ako ang madalas nasa tabi niya. Pilit ko siyang pinasasaya. Gusto ko lagi siyang nakangiti. Sa mga panahong nasasaktan siya, mas nasasaktan ako kaya ginagawa ko ang lahat maging okay lang siya.

Broken Melody (EndMira: Ayen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon